Chapter 27: Mixed POV's

51 1 2
                                    

Graciella’s POV

Nakakainis na talaga, namumuro na sakin yung chen na yun. Konting asar pa niya masasapak ko talaga yun. Bak…

“Hoy be, ano ba talaga nangyari sayo?” di ko na natapos yung iniisip ko kasi tinanong agad ako ni tally.
“Ha? Nung first day?” tanong ko halatang kinikilig sila dahil daw binuhat ako nung chen na yun nakakabwiset di ba?
“Oo bakit suot mo yung panloob niyang T-shirt?” tanong agad ni marsha hay wala na ba talaga akong takas sakanila? Buong magdamag na nila ako tinatanong about dun sa issue na yun.
“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko din alam, basta pagkagising  ko yun na suot ko.” paliwanag ko totoo naman kasi talaga e. Pati nurse ayaw sabihin sakin kung sino nagsuot sakin nung damit te.. te.. teka wag niyang sabihin si Chen ang nagsuot sakin nung damit?! Waaaaaaaaaah! WALANG HIYA! WALANG HIYANG LALAKI!

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! WALANG HIYA KA! WALANG HIYA! ANG KAPAL NG MUKHA MO!” sigaw ko habang napahawak ako sa katawan ko. Humanda sakin yung lalaking yun.

“Hoy anong sinisigaw sigaw mo jan?” tanong naman ni Marsha sakin.
“Eh kasi wala basta humanda sakin yang chen na yan pagbabayarin ko siya” sagot ko  naman. hindi ako papaya na…

“Assuming ka te, malay mo yung nurse lang nagdamit sayo kinilig lang kaya hindi niya masabi” sagot naman ni tally. May point siya kailangan ko lang malaman talaga yung totoo. Hay teka bakit kasi tatlo lang kami dito sa kwarto psh. Dito pa kami kung saan katapat ng kwarto namin ay yung kwarto nung tatlong kumag. Kumag kasi andun si Chen. Tapos kasama niya yung Xiumin at Sehun. Seryoso ba to? Andito pa kami sa pinakataas pano na la… Te.. Nahihirapan akong huminga shit yung gamot ko…

“Oh ano nangyayari sayo ella? Okay ka lang namumutla ka” narinig kong tanong ni Tally.
“OMG! Inaatake ata siya ng sakit niya remember?” sabi naman ni marsha letche nahihirapan nanaman ako huminga >.<

“Guys, yung gamot ko nandun sa medical kit ko na spongebob kulay pink ang lalagyan” sabi ko naman habang hawak hawak ko yung kaliwang parte ng dibdib ko kung saan ang puso natin.

“Wala dito sigurado ka ba?” narinig kong tanong ni marsha. Pero hindi ko na kayang sumagot pumipikit na yung mata ko.
“Tawagin na natin yung boys marsha wala na tayong oras” narinig kong sabi ni tally mejo Malabo na ang paningin ko pero lumalaban ako.
“Oo sige ako na kakatok bantayan mo na lang siya” sabi… tuluyan ko ng napikit ang mata ko at unti-unti na akong nilamon ng dilim.
~

Xiumin’s POV

Andito ako ngayon sa sala kumakaen as usual sila chen at sehun tulog bute na lang kundi makikihati…

*DING DONG*

Ay may tao sino naman kaya to? Bak…

“Ah excuse me pero pwedeng humingi ng tulong? Si ella kasi inatake nanaman ng sakit niya eh wala pa akong lisensya sa pagmamaneho kaya pwede ikaw magdrive?” tanong nung Marsha. Natatandaan ko siya. Siya yung ku.. Teka si ella? Yung binuhat ni Chen?!

“Sigurado ka dun? Teka magpapalit lang ako ng da…”
“Asan siya?! Sino kasama niya?! Halika na!” sigaw ni chen habang nagsusuot ng sapatos. Teka si Chen? CHEN? SI JONGDAE? SI KIM JONGDAE?!
“Jan ka lang ako na ang magddrive” sabi pa niya sakin himala kanina lang tulog to ah. At himala bakit hindi siya mapakali? Nag-aalala ba siya kay ella? Ay tsaka ko na tatanungin si Chen sana okay lang kaklase namin. Napagod siguro siya sa pag-akyat.

Bumalik ako sa sala pero pagkatingin ko andun yung iba namin kaklase syempre ang EXO boys at nakatingin sila sakin na tila ba naghahanap ng sagot. Kahit ako di ko din alam ang sasabihin ko si Chen lang talaga makakasagot nun. Haaay inlove ba siya? O baka nangttrip nanaman?
~

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon