Chapter 51 Sehun

24 5 0
                                    

Andito kami ngayon sa canteen, break time namin. Si D.O hyung naman mag-isang bumalik sa dorm, tinatamad daw siya tapusin yung klase alam naman namin kung bakit talaga siya uuwi e. Hindi pa rin niya matanggap yung nakalagay sa box at yung sulat dahil totoo naman. Tuwing gabi umiiyak siya, magluluto siya mag-isa sa kusina tapos bago matulog ang dami niyang ginagawa tapos tuwing 2 am magigising na lang kami kasi minsan binabangungot siya. Minsan nga nakakatakot na e kasi bigla na lang siyang sisigaw. Minsan nga naisip ko ganun ba talaga magmahal? Masakit? Eh bakit ganun? Kay Krystal puro tuwa nararamdaman ko. Para ngang may lumilipad sa tiyan ko. Tapos lagi akong kinakabahan tuwing malalaman kong may nangyaring masama, nung nakita ko nga yung bakas sa mukha niya nainis ako. Nainis ako sa sarili ko at dun sa taong gumawa nun sakanya. Bakit wala ako dun? Bakit di ko nahuli yung may gawa nun? Ang alam nila wala akong nararamdaman para kay Krystal, di nila alam tinatago ko lang. Gusto ko kasi makilala muna si Krystal, mas mabuti na yung ganun. Artist kami di kami pwedeng padalos-dalos sa kilos namin.

Akala nila madali magtago ng feelings? Hindi no! Tuwing gabi iniisip ko what if makapasok yung taong nanakit sakanila sa kwarto nila at saktan sila? Or baka ilock nanaman sila nun, yung totoo natakot talaga ako nung hindi mabuksan yung pintuan hindi lang ako nakakilos agad kasi si Chen ayun nagwala na, nagulat na lang ako sa panglimang sipa niya nasira yung pintuan. Iba talaga pag si Graciella na yung pinag-uusapan, nagiiba talaga siya. Para siyang nagiging demonyo pag galit. Nung nakita ko si Krystal nun tinignan kong mabuti yung buong siya, so far sampal lang talaga nakita ko sakanya, subukan lang siyang saktan nun..

“Ang seryoso mo naman” napatingin ako kay Luhan hyung, alam kong siya yun kasi siya lang naman laging nagsasabi nun e.
“Hindi kaya” sabi ko naman. Aya…
“Mahal mo no?” diretsong tanong niya. Aaminin ko ba o hin..
“Wag mo ng itago halata yung takot sayo nung nalock sila sa loob ng dorm, tsaka yung ngiti mo iba” sabi niya at tumayo na
“Teka hyu..”
“Basta kaya mo siyang protektahan. Walang tututol” sabi niya at naglakad na palayo. Protektahan? Kaya ko ng aba? Baka masaktan ko lang siya. Hindi ko alam ano ng aba? Kaya ko nga..

“Sehun!” napalingon ako ng may tumawag sakin
“Bakit?” tanong ko. Si Chanyeol hyung lang pala.
“Si krystal” sabi niya.
“Ano? Anong tungkol sakanya?” tanong ko ng mahinahon kahit sa loob loob ko gusto ko ng magwala
“Hindi daw makita sila Graciella at Krystal” sabi niya. HUH?! Saan ba kasi nagsusuot yung babaeng yun.
“Wala naman akong number ni Krystal” sabi ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa totoo lang. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin.

“Tara ikutin natin yung school!” sigaw ni Chen habang pababa ng hagdanan.

Naiwan ako mag-isa dito sa canteen, saan ko hahanapin si Krystal? Asan ba siya? Aish,

Hinanap ko na siya dun sa luma namin dorm, wala siya, sa mga CR din wlang bakas ni Krys… Teka bag ni Graciella yun ah. Nakaramdam ako ng kaba, di kaya.

“Graciella?! Graciella?!” nagulat ako sa sigaw ni Chen hyung,
“Hyung! Bag ni Graciella to di ba?” sigaw ko habang papatakbo kailangan masabi ko to sakanya.
“Asan?!” sabi niya, namumula na yung tenga niya, baka masapak ako nito.
“Sa CR girls” sabi ko at tumakbo pabalik sa CR kaso tinulak ako ni hyung kaya nauna siya. Sabi na e, nag-aalala din tong lalaking to. Kunyaring galit pa. Daming drama sa buhay. Bakit kasi di niya na lang sabihin na gusto niya si Graciella? Eh bakit ako? Di ko maamin na gusto ko si Krystal?

“Shit! Asan na ba kasi yung babaeng yun” narinig kong sigaw ni Chen habang papalabas ng CR ng girls na dala-dala yung bag niya.

Ay teka, kung bag ni Graciella yun, asan bag ni Krystal?

“Hoy! Anong ginagawa mo sa bag ko! Sabi na bading ka! Amin na nga yang bag ko!” nagulat ako kasi may narini.. Si Graciella tumatakbo papunta kay Chen hyung

*BOGSH*

Ang lakas ng pagkakabagsak nila.

“Saan ka ba galing?!” sabi ni Chen kay Graciella habang tumatayo himala di man lang siya sumigaw.
“Sa clinic” sabi niya at nakangiti pa. Ano ba tong dalawang to.
“Haist wag mo ng gagawin yun! Ilan oras ka namin hinanap” sabi ni Chen at inaabot yung bag ni Graciella. Itong dalawang to naku naman talaga nilalanggam ako.
“Bakit? Nagalala ka?” tanong ni Graciella at humarap sakanya. Kampante akong nasa clinic si Krystal. Pinapanuod ko lang sila, kung titignan mas matangkad si Hyung sakanya, maliit lang si Graciella, pangminion. Pero si Graciella lang ang nagpapakaba kay hyung ng kakaiba, alam ko hindi pa ready si hyung magmahal, pero..

“Ano ba sabing tama na” sabi ni Graciella kasi naman niyakap siya ni Chen hyung

“Graciella si Krystal?” tanong ko
“Nasa clinic” sabi niya. Kumalma naman yung puso ko. Safe siya. Mapuntahan nga. Iniwan ko na yung dalawa, nakakainis kasi kala mo sila pero hindi naman, itong si hyung kasi e.

Habang papunta ako sa clinic napansin kong may babaeng nakatayo sa harap ng pintuan ng dorm namin, tinignan kong mabuti, si Mi. Min.. Si Min Joo?! So totoo nga andito si Min Joo? Siya ang gumagawa ng lahat ng to? Humanda sakin tong babaeng to. Tumakbo ako paakyat pero hindi ko alam na ganun kabilis si Min Joo makaramdam, nawala na siya agad sa tapat ng pintuan ng dorm namin.

“The truth will come out soon before you know it”

It ang nilagay niya sa papel na nakadikit sa pintuan namin. Anong ibig niyang sabihin?

“Tabi nga jan!” napausog ako ng biglang may tumulak saki. Si Krystal pala.
“Aray! saan k aba galing?” tanong ko at napayakap sakanya. Buti naman at okay lang siya akala ko kasi may nangyari na talaga sakanya.
“Okay lang ako ano ba sehun mamaya may makakita satin” sabi niya pa. Anong pake ko nagalala ako sakanya.
“Wag mo na akong pagalalahanin ng ganun kala ko aatikihin na ako sa puso” sabi ko naman natahimik siya. Niyakap ko pa siya ng mahigpit hindi ko alam pero parang gusto ko siyang itago, at protektahan.

“Ano ba sehun tama na yung puson ko” sabi niya. Binitawan ko siya.

“Anong gusto mo? Kaen tayo sa labas?” tanong ko. Ittreat ko siya kahit late na.
“Hmm padeliver na lang tayo ng pizza” sabi niya at pumasok na sa loob. Pizza? Yun lang masaya na siya? Dahil request niya, sige papadeliver na ako.

“Mahal mo nga.” sabi ni Kris hyung.
“Lumalaki ka na” sabi naman ni Suho hyung.

Nakita pala ng mga hyung ko yun, nakakhiya pero bakit ganun? Okay lang sakin. Siguro nga tama si Luhan hyung. Siguro nga hindi na ako manhid, siguro nga gusto ko din siya, na mahal ko siya. Hahayaan ko munang mapalapit ako sakanya at kikilalanin ko siya.

Nakangiti akong pumasok at sinara ang pintuan, nagpaorder na din ako ng pizza. Hinihintay na lang namin. Haaay, masarap pala mainlove. Masarap pala yung feeling.
~

Yaaaah sorry maikli yung kay Sehun oppa. Mianhe

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon