Chapter 82: Baekhyun & Floresel

7 0 0
                                    

Please play the video above or in the side. Enjoy!

~

Baekhyun's POV

Andito kami ni Floresel ngayon sa isang park. Well, Lovers park daw to sabi ni Chanyeol, siya ang nagturo nito sakin. Maganda ang pagkakayos. Kakaen kayo sa ilalim ng puno na puno ng Christmas lights. May kanta din. Pwede kayong magsayaw.

"Pasensya na Baek ha?" nagulat ako nung nagsalita si Floresel. Bakit ba siya nagsosorry?
"Ha bakit?" tanong ko naman sakanya.
"Eh kasi ano ganito lang suot ko hindi man lang ako nakapag-ayos nakakahiya naman sayo tsaka sa mga taong andito. Sila ayos na ayos tignan mo pinagtitinginan nila tayo" sabi niya. Nung tumingin naman ako tama nga siya pinagtitinginan nga kami. Eh ano ba pake nila. Para sakin maganda si Floresel sa suot niyang jeans.
"Hayaan mo silang tumingin sayo inggit lang sila kasi maganda ka kahit nakapantalon ka lang" sabi ko naman at ngumiti na.
"Ta... Talaga?" tanong niya
"Oo naman Floresel. You really don't have to prepare for this day kahit ako di prepared" sabi ko naman. Sinadya kong di magayos dahil alam ko naman na hindi din mag-aayos si Flor. I mean hindi siya mageeffort dahil simpleng babae lang si Flor and I guess she's too perfect for me. Kahit nakapantalon siya at simple V neck shirt at high heels maganda siya.Hindi na niya kailangan mageffort pa na magpaganda.

"Sir, here's your fortune cookie. Enjoy our food" sabi nung isang waitress sabay abot sakin nung fortune cookie at sa likod niya ay yung tatlong waiter na may hawak ng pagkaen namin.
"Kamsamhamnida" sabi ko at nagbow. Nilapag na nung waiter yung pagkain namin binuksan ko yung akin. Steak with mashed potato and salad. Kay Floresel naman salad with sashimi. Obviously nagdidiet to kaya hinati ko yung steak ko at binigay sakanya yung kalahati.

"Oh.. Baek ayaw mo ba ng steak nila? Gusto mo umorde.."
"Shhh kumaen na tayo" sabi ko naman at sumubo na ng pagkain, Tinignan lang niya yung pagkain.
"Anong gagawin ko dito?" tanong niya.
"Malamang kakainin mo" sabi ko naman
"Pero may order na ako" angal niya.
"Ehdi parehas mong kainin" sabi ko naman sakanya.
"Ehhh baek...."
"Shhhh kumaen na tayo" sabi ko ulit at kumaen na kami ng tahimik. Kinaen naman niya yung kalahati ng steak na binigay ko sakanya.

"Next time kumaen ka ng mga karne. Maganda din sila sa balat, payat payat mo na nga magdidiet ka pa" sermon ko sakanya.
"Eh kasi..."
"Basta kumaen ka hindi naman masamang kumaen ng karne Floresel e" dugtong ko pa
"Oo na" sabi niya.
"Good" sabi ko naman.
"Ah Baek pwede magtanong?" tanong niya sakin
"Sige" sabi ko naman at humarap na ng maasyos sakanya. Kanina kasi nakaside view ako. Tinitignan ko kung napasok na yung regalo ko para sakanya. Isang life sized na teddy bear with flowers yung regalo ko sakanya.
"Uhm napagusapan niyo ba to ng EXO? Na kanya-kanya yung date niyo?" tanong niya.
"Hindi. Hindi nga namin alam na may kanya-kanya kaming date kung hindi pa magtatanong si Tao kung ano magandang gawin sa pasko e" sagot ko naman
"Eh bat naisip mo na ilabas ako?" tanong niya ulit. Hmm, bakit nga ba?
"Kasi di ba both parents mo ay patay na tapos yung umampon siya nasa business trip and to think na tayo tayo lang naman ang magkakasama. Naisipan kong ilabas ka" sagot ko naman. Sa totoo lang ngayon araw ko din aaminin sakanya na may nararamdaman na ako sakanya. Sana naman lord tanggapin niya ako.
"Ah ganun ba? Eh bat parang kanina ka pa tingin ng tingin dun sa gilid?" tanong niya
"Ah wala naman akala ko nakita ko si Kris hyung e namalik mata lang ata ako tignan mo nga kung siya" sabi ko namna. palusot ko yun.

"Floresel..." tawag ko sakanya.

Floresel's POV

[Les Plays Today was a Fairytale

"Floresel..." tawag sakin ni Baekhyun kaya napatingin ako sakanya...
"Ahh.. Ba... Baek .. B.. Ba... Bakit?" tanong ko sakanya. Pagkatingin ko kasi nakatayo na siya sa harapan ko.
"Ngayon ko na lang ulit gagawin to sana ay tanggapin mo ako. Hindi naman ako nagmamadali pwede naman tayong magsimula sa pinakaumpisa. Kumbaga sa ligawan stage. Okay lang kahit mabroadcast to at masira ang career ko. Basta masabi ko lang sayo ang totoo. Nung una akala ko wala lang tong nararamdaman ko, nung una akala ko kinakabahan lang ako dahil kaklase kita yun pala iba na. Nung una takot lang ako, ayoko ng makaramdam ng rejection. Kaya umpisa palang tinatanggi ko na sa sarili ko yun. Pero habang tumatagal lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ko at kanina ko lang naisip na hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan kaya ngayon sa harap ng maraming tao, at sa harap ng mga media kung meron man. I am Byun Baekhyun, asking you Floresel to be my Girlfriend? Liligawan kita tulad ng normal na pinagdadaanan ng isang lalaki bago siya sagutin ng babae. So Floresel.. what is your answer?" sabi ni Bakehyun pagkatingin ko ang dami ng camera na kumukuha samin
"Baek.. Paano yung career mo?" tanong ko sakanya
"Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko wala akong pake kung masira yung career ko, madami pa naman akong pwedeng gawin e" sabi niya. At this moment hinihintay na nila yung sagot ko. Ano isasagot. Nakatingin lang ako sa taong nasa harapan ko ngayon na nakaluhod.
"Uhm.. Ah..." hindi ko masagot yung tanong niya.

"Sasagutin na yan!"
"OMG! Is that true?"
"Si Baekhyun nga ng EXO"
"OMG! What is he doing with that girl?"
"Yes na yes na"
"Payagan mo namanligaw!" halo-halo yung naririnig kong sagot may negative at positive.

"... huwag mo nalang silang pansinin inggit lang yung mga yun" naalala ko yung sinabe ni Baekhyun kanina. Hmm. Ano ba to nakakapressure naman.

"Ah... Beakhyun ano kasi ahm..." hala bat di ako makapagsalita. Nakita kong unti-unti ng nawawala yung ngiti sa mga mata niya. Hala teka paano ba to?
"Oo Baekhyun pumapayag na ako" sagot ko at yumuko naghiyawan naman yung mga taong nanunuod samin. Naramdaman kong niyakap ako ni Baekhyun
"Pinakaba mo ako dun ah" sabi niya
"Eh hindi ko naman kasi alam na gagawin mo to e" sabi ko at nagtago sa ilalim ng balikat niya.
"Nakikita mo ba yun?" sabi niya at tinuro yung dulo ng table. tumango ako.
"Lumapit ka dun tapos kung ano yung una mong makikita damputin mo" sabi niya. Naglakad ako papunta dun sa table at ang una kong nakita ay yung life-sized na teddy bear. Kinuha ko yun at inamoy.. Kaamoy ni Baekhyun. Bumalik na ako sa upuan at tinignan si Baek.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sakin.
"Oo baek salamat" sabi ko naman
"Anything for you" sabi niya sabay labas nung bulaklak Valentine's day ba ngayon? Alam ko pasko ang celebration e.

Hindi nagtagal nagaya na din si Baekhyun umuwi sa dorm na lang daw kami manuod ng movie dahil may dala dala akong bear. Pumayag naman ako dahil mas gusto ko pa dun sa dorm kesa dito sa labas kulang na lang ay sungaban ako ng mga babae dahil sa ginawa ni Baekhyun. Pumara siya ng taxi at pinauna niya na akong sumakay. Naging masaya yung pasko ko. Akala ko mag-isa lang akong magcecelebrate kasama yung ibang girls. kung sinabe sana ni Baek ng mas maaga ehdi sana nakapag-ayos man lang ako di ba? Ay naku..

"Floresel andito na tayo" sabi ni Baek nakatulog pala ako.
"Ako na magdadala niyan." sabi niya at kinuha yung teddy bear. Ayaw ko sanang bitawan kaso inaantok na rin ako e.

"Gising pa pala kayo" sabi ni Bakehyun.
"Tayo pa naunang umuwi?" tanong ko. Alam naman namin na si Kris at Geraldine dito lang kakain ng dinner
"Anong oras na ba?" tanong ko
"12 am exact" sabi niya.
"Merry Christmas Baek!" sigaw ko sabay yakap sakanya.
"Merry Christmas princess" sabi niya at niyakap ilig ako.

"Merry Christmas sainyo" bati ni Kris samin. Ngumiti naman kami ni Baek

"Sorry sa abala pero padaan dahil nabibigatan na ako" sabay kaming napahiwalay ni baek sa yakap namin sa isa't isa. Dumating na si Luhan buhat buhat si Fabien na tulog na tulog at may bitbit pa siyang box. Kawawa naman si Luhan. Dumiretso kami ni Baek sa kwarto namin at humiga na. Antok at pagod ang nararamdaman ko kasama ang saya.

"Goodnight baby" sabi ni Baek at humalik sa noo ko.
"Goodnight" sabi ko. Hindi pa rin ako sanay ng ganito. Pero kailangan kong masanay.
~

Hope you enjoyed the chapter. Kinilig ako sa song hahaha

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon