Chapter 84: Chanyeol and Antoinette

19 0 0
                                    

Please play the video on top or on the side. Enjoy reading!
--------------------------------------------------------------------------------------------

Antoinette's POV

Andito kami ngayon ni Chanyeol sa isang restaurant di kalayuan sa school. Wala naman daw kasi talaga siyang balak lumabas pero dahil daw may sasabihin siya sakin lalabas kami. Hindi naman ako naniniwala sakanya na wala siyang balak umalis e. Ayos na ayos kaya siya. Naka-formal attire siya. Yung tipong pang business meeting. At sa pagpupumilit niya, pinagdress niya ako at heels. Hindi tuloy ako komportable

"Alam mo na yung mga gagawin mo ha?" sbi ni Chanyeol sakin.
"Oo na" sabi ko naman. Iritable kasi ako. Ano ba..

"Chanyeol! Anak kamusta ka na? Iniinom mo ba yung mga gamot mo? Sino yung babaeng kasama mo?" sabi ng isang babae.. Teka tinawag niya si Chanyeol na anak?
"Eomma! Appa! Noona! Annyeong!" sigaw ni Chanyeol habang hatak hatak ako. Aba magaling nakalimutan ata niyang nakaheels ako. Ipupukpok ko to sakanya mamaya paguwi.
"Kamusta ka na anak? Ang laki laki mo na. Ang tagal natin di nagkita" sabi nung papa niya.
"Okay lang po ako. Kayo?" tanong niya habang hinatak yung isang upuan.
"Upo ka" sabi ni Chanyeol sakin. Ibang iba yung nakikita kong Chanyeol
"Sa.. salamat" sabi ko naman at umupo na.
"Kamusta na ang EXO? Balita ko pinapasok daw kayo ni President Jung sa isang school ah?" tanong ng ate niya habang nakatingin sa menu
"Ah oo noona" sabi ni Chanyeol at nilagay yung piraso ng tela sa may lap ko.
"Binata ka na iho. Sino ba itong dalagang kasama mo?" tanong ng mama niya.
"Annyeong-haseyo madam, Im Antoinette bayalas, Chanyeol's ...."
"Soon to be girlfriend eomma" singit ni Chanyeol wala naman sa usapan namin to ah.

*Flashback. Naglalakad sa hallway ng school*

"Ganito pag tinanong ka nila kung ano pangalan mo sasabihin mo lang yung pangalan mo" sabi ni Chanyeol sakin.
"Ha bakit?" tanong ko sakanya
"Basta." sabi niya naman
"Teka sabi mo tayong dalawa lang" sabi ko naman
"Oo nga. I mean yung mga fans syempre pag namukhaan nila ako pagkakaguluhan ako kaya pag nakita ka nila sasabihin mo lang pangalan mo kahit alyas mo lang sabihin mo mamaya mabash ka" sabi niya at binuksan yung pintuan ng taxi

*End of flashback*

"Ang ganda mo iha. Magaling bang mangligaw itong anak ko?" tanong ng mama niya. Ano isasagot ko.
"Ah o.. Opo tita" sabi ko naman at tinapakan siya sa paa
"Anong kukunin mong course?" tanong sakin ng ate niya. HUHUHU bakit parang galit yung ate niya.
"Ahm, eh reporter po" sabi ko naman.
"Good" sabi ng ate niya at ngumiting tumingin sakin.
"Maganda ka at mukhang mabaet... Sana huwag kang magsawa kay Channie. Makulit yan" sabi ng ate niya. Baka sinusubukan lang ako ng ate niya.
"Opo. Hindi ako magsasawa sakanya" sabi ko naman. Ano ba tong pinaggagawa ni Chanyeol? Humanda talaga to sakin.

"Thank you for waiting.. here's your order and Merry Christmas!" bati nung isang lalaking waiter.
"Thank you" sabi nung papa ni Chanyeol. Nagkwentuhan lang silang magpamilya, minsan natatanong ako about sa studies. Hindi pala nila alam na hiwalay ang klase ng ibang estudyante samin. Madami din akong nalaman tungkol kay Chanyeol. Hindi nagtagal umuwi na rin kami.

"Osha magiingat kayong dalawa. Sana ay magkita pa tayo muli iha" sabi ng mama niya.
"Sige po tita susubukan ko pong makabisita" sabi ko naman. Nakipagshake-hands naman ang ate niya sakin. Pinauna na namin silang umalis. At ng malayo na ang kotse...

"Hoy! Anong soon to be girlfriend! Gusto mong masipa sa mukha?!" sigaw ko sakanya.
"Shhh tara maglakad tayo pauwi" sabi niya. Aba't
"Ayoko." sabi ko at tumayo lang sa pwesto ko.
"Bahala ka jan" sabi ni Chanyeol at naglakad. Aba't tignan mo to iniwan lang ako.
"Antayin mo ko! Napaka-ungentleman mo talaga!" sabi ko at naglakad na. Naabutan ko naman siya.
"Ready ka na bang makinig sa sasabihin ko?" tanong niya sakin.
"Ano ba kasi yung sasabihin mo" tanong ko sakanya.
"Shh sasabihin ko na.." sabi naman niya
"Antoinette.. Ang babaeng minsan hyper minsan tamad. Ang babaeng matakaw sa pagkain at maingay. Ang babaeng kahit ilang beses kumaen di tumataba..." sabi niya aba't nanlalait ba to?! >.<
"Oh wag ka muna sisingit" sabi ni Chanyeol. Napansin ko nasa isang tulay kami.
"Asan tayo?" tanong ko sakanya.
"Tulay." sabi niya.
"Oo alam kong tulay to Chanyeol, I mean asan na ba tayong lugar" sabi ko naman sakanya. Babatukan ko to e.
"Makinig ka na muna dahil minsan ko lang sasabihin to" sabi naman niya sakin. Naglalakad lang kami at ang tahimik niya akala ko ba may sasabihin siya sakin? -____________-

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon