Chapter 42

26 1 0
                                    

Kai’s POV

Andito ako ngayon sa C.R sa kwarto ko hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko simpleng pasok lang ang gagawin ko dito pero mukhang hindi. Alam kong natatakot na si Hershe sa mga nangyayari so far si Chen, Chanyeol, Lay at Tao palang ang may karanasan ng mga ganyan what if…

“AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH! KAIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!” napatayo ako at napalabas ng kwarto.

“Hershe! Hershe?! HEEEEEEEEERSHEEEEEEEEEEEEEE!”sigaw ko asan na ba yung baba..

*Dingdong*

When I hear the doorbell rang I stood frozen between in my room and in the stairs balcony. Sino ang uunahin ko? Yung nagdoorbell or si Hershe?

“Kaaaaaaaaaaai! Kaiiiiiiii! KAAAAAAAAAAAAIIIIIIIIIIII?!” sigaw ni Hershe

*Dingdong* *Dingdong* *Dingdong*

Fuck, mas importante si Hershe kesa sa siraulong nagdodoorbell.

“Asan ka hershe?!” sigaw ko pero hindi na sumagot si Hershe, ano ng gagawin? Binuhat ko agad si Louise at hinanap si Hershe pero doorbell ng doorbell yung siraulo. Napansin ko na habang hinahanap ko si hershe pabilis ng pabilis yung pagpindot niya ng doorbell. Subukan ko kayang lapitan ito?

Nung nahawakan ko na yung door knob hindi na siya nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto wala naman tao dun. Sabi na e. Pero may nakita akong pic… Si Hershe?! Nas… Nasa… Nasa bodega nakatali?! Sana inuna ko na lang tong nagdoorbell ang tanga mo Kai! Psh hinanap ko sa likod ng hagdanan yung pintuan pero wala dun. Asan si He..

*Dingdong*

Binuksan ko agad yung pintuan at nakita ko na may tumakbo pababa ng hagdanan ang bilis niyang tumakbo Fuck! Teka may dinikit siyang envelope

Im watching you”

Aba’t ako pa ang tinakot niya?! Letche, mahanap na nga si Her.. teka kung wala kaming bodega ehdi nasa kwarto si Hershe?! Tumakbo ako ng napakabilis si Louise naman hinawakan ko ng mahigpit.

Binuksan ko yung pintuan ng kwarto niya at tada! Si Hershe andun nakatali sa kama na walang ibang harang kundi kumot niya. Paano ko alam? Halata kasi… O tama na di ko na dapat ikwento pa.

“Kai tulong” sabi ni hershe
“Pano nangyari to?” tanong ko habang nilalapag si Louise sa gilid niya. Shit paano ba to?
“Kanina habang nagaayos kasi ako may nagtakip ng bibig ko kaya ayun pagising ko nakaganito na ako” sabi niya nakatangal na yung lubid.

“Suotin mo muna to.” sabi ko sabay abot nung damit ko, di bale ng nakahubad ako wag lang siya. Habang tinatapos niya yung pagliligpit nakatanggap ako ng tawag

*Yo! Ok..*

“Hello hyung?”
“Kai, dalian mo andito na kami”
“Oo sige hyung” sabi ko naman

“Hershe di ka pa tapos?” tanong ko
“Tapos na kai tara na?” tanong niya.
“Oo sige ako na magdadala niyan ikaw na sa bata” sabi ko naman gentleman pa rin naman ako e.

“Magdamit ka baka isipin nila ano..” nahihiyang sabi ni Hershe. Oo nga pala nakahubad ako di ko namalayan yung ah.

Nagdamit na ako at pumunta na kami sa dorm nila Chanyeol. Nilock ko yung bawat kwarto pati bintana at sinigurado kong ayos ang lahat para kung may magiiba man alam kong may nakapasok dito.

Hershe’s POV

Naglalakad kami ni Kai ng tahimik. Natatakot na ako. Matatakutin ako mahina ako pagdating sa ganitong bagay. Sa totoo lang alam ko yung amoy nung nagtakip sa bibig ko. Pero baka guni-guni ko lang yun. Hindi ko alam pero ayaw ko naman sabihin kay Kai. Babae yung amoy, panigurado ako babae yun, malambot yung kamay niya. Hindi ako mauuto ng babaeng yun. Lumaki ako sa mayamang pamilya tinatago ko lang. Kaya alam ko ang pabango ng mayaman sa hindi at tansyado kong mayaman nga ang gumawa nun sakin. Malaman ko lang kung sino yun todas sakin yun. Hindi ba niya ako kilala?! Isa kami sa pinakamayamang pamilya. Alam ko ang bawat history ng mayayaman at alam kong si Graciella ang pinakamayaman saamin. Hindi lang ako nagsasalita na may alam ako dahil pinangakuan ko si ang papa ko. Sana lang makayanan ko tong ginagawa samin kun..

“Andito na tayo Hershe” sabi ni Kai habang nakatingin sakin. Ngumiti na lang ako.

“Oh ang tagal niyo mag-ayos ng mga gamit ah?” birong sabi ni Chen. Pakiramdam ko yung babaeng nagpatulog sakin may kinalaman sa EXO. Baka EX ng isa sakanila?

“Okay ka lang Hershe? Namumutla ka” sabi ni Abegail
“Ah oka…” hindi na ako natapos dahil sinabi agad ni Kai ang nangyari
“HA?! Sobra na yang gumagawa na yan. Hindi tayo laruan para ganituhin niya.” Sabi ni Suho kung titignan mukhang wala pa silang clue pero ako at si Graciella? Mukhang nakukuha na ang ibig sabihin nito. Nagkakatinginan kami ni Graciella. Hindi ko alam pero mukhang may binabalak tong lokong to. At sasama naman ako dahil balak kong gumanti…

“Tara kumaen muna tayo ng dinner” sabi naman ni Baek. Sila pala ang nagluto pagkatingin ko may dalawang lamesa na. Mejo Malaki kasi ang napunta kanila Chanyeol.  Kanila Graciella yung pinakamalaki pero ayaw namin dun. Delikado ang daan dun dahil One-way out lang yun. Kanila Chanyeol pwede pa. Pero ang pinakasafe na dorm ay kanila Kris andun lahat ng hidden cameras kaya kitang kita lahat ng dadaan papasok man o palabas.

“Kanina ka pa tahimik okay ka lang?” tanong sakin ni Flo
“Ah oo mejo di lag ako makaget over sa nangyari sakin” palusot ko sa totoo lang nag-iisip na ako ng plano. Hindi ako matatakasan ng siraulong yun. Humanda sakin yun.

~

Tada sorry lame. Babawi ako promise.

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon