Chapter 35

34 0 0
                                    

Please listen to EXO-K's The Star while reading this. Thankyou!
~

Kris POV

Nauna na kami ni Suho bumalik dito sa school. Hindi ko napigilan kanina yung sarili ko. Masyado akong nagpadala sa sarili kong emosyon. Ayaw ko kasi na pumapasok sa ospital. Naaalala ko lang yung gabing halos ikamatay ko. Halos madurog yung puso ko nun. Bakit ganun? Hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng nakaraang matagal ko ng natakasan. Natakasan ko nga ba? Tuwing pumapasok ako sa ospital naaalala ko yung ginawa kong desisyon. Masakit para sakin pero alam kong hindi na tama ang nangyayari. Masyado akong natakot nun kaya bumitaw ako. Masyado ng masakit nangyayari sakin. Sa totoo lang ayaw ko tong project namin. Bata? Not my style. Artist kami kaya dapat pagaartista ang inaatupag namin hindi ang mag-alaga ng bata. Masyado siyang matalino para gawin to. Pinapangako ko matatapos tong problema ng hindi nila nalalaman na ako ang anak ni President Jung. Pero una kailangan kong maging matigas, ayaw ko ng maging malambot. Alam kong mali na kay Geraldine ko ibuhos ang galit ko pero hindi naman niya pwedeng makita ang kahinaan ko baka gamitin pa niya ito laban sakin.

“Ang lalim ng iniisip mo. Siya nanaman ba?” for the first time nagsalita si Suho. Kilalang kilala talaga ako ni suho
“Ha? Hindi. Mejo? kailangan kong humingi ng sorry kay Chen.” sabi ko naman habang nagttype ng text sa cellphone ko.
“Alam mo hindi ka talaga matatahimik hanggat tinatakbuhan mo siya. Try to face it Kris, andito kaming EXO sa likod mo. Kaya mo yan. Osha una na ako baka gising na ang baby namin” sabi naman ni suho habang… namumula? Namumula siya? Bakit? Napangiti na lang ako.
“Oo sige kita na lang sa practice” sabi ko naman at binuksan ko yung pinto pero nagulat ako sa nangyari.

“Okay ka lang? May masakit ba sayo? Ano? Kamusta ka? Magsalita ka. Kris” sabi ni Geraldine habang umiiyak. Teka bakit to umiiyak?
“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sakanya.
“Nabalitaan ko kasi na nagkainitan daw kayo ni Chen sa ospital at sinuntok mo daw siya.” sagot niya habang nilalabas ang medical kit? Teka wala naman akong sug..
“Araaay! Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sakanya
“Nasugatan ka oh. Amin na nga yang kamay mo.” sabi naman niya
“Wag na maliit lang to. Sige na magpapahinga muna ako” sagot ko sakanya at dumiretso sa kwarto ko. Teka siya na nga tong concern ako pa tong nagmamatigas. Aish masyado akong natrauma sa babae ah. Itutulog ko na nga muna to ng makapagpahinga na ako.

*After 2 hours. Kris wokes up*

Ang gaan ng pakiramdam ko ay wait may sugat pala ako makaligo na nga muna ng malinis ko naman sugat ko mamaya mainfe..  |Les napatingin sa sugat/

“Bakit may bandage na tong kamay ko?” tanong ko sa sarili ko. Hindi kaya nilagyan to ni Geraldine ng bandage habang tulog ako? Aisha ng tigas ng ulo ng babaeng yun. |Les napangiti/

May nakita akong sulat. Galing ata kay Geraldine? Wait mabasa nga.

“Kris oppa, lumabas lang ako saglit. Mamamalengke muna ako. Nagluto ako ng meryenda nasa oven yun initin mo nalang ha? –Geraldine”

Ang thoughtful naman niya ako na nga tong nagalit sakanya dapat magalit din siya sakin di ba? Pero nilutuan pa niya ako ng pagkain. Ay wait? Dala ba niya yung baby? Baka mahirapan siya. Aish dapat iniwan na lang niya yung baby. Makaligo na nga.

Geraldine’s POV

“Ale magkano ho dito?”
“Jan? 100 won kalahating kilo.”
“Ah ganun po ba? Walang tawad?”
“Osige ija gagawin ko 10,000 won ang 3 kilo”
“Sige salamat ho”

Uhmm ano pa ba kulang? May pagkain naman na yung baby namin. May baboy, baka, isda at gulay na din ako. Uuwi na ako sakto na to para sa dalawang linggo. Sana hindi siya magalit na ginamot ko yung sugat niya. Ai.

“Ang cute naman ng baby mo. Ano pangalan niya?” tanong sakin ng isang babaeng maganda mukha siyang dyosa.
“Alexander pangalan niya” sagot ko naman san ko nakuha yung name na yun?
“Ang gwapo naman niya.” sabi niya ulet pero napapansin kong nasasaktan na ang anak ko teka anong..
“Teka miss nasasaktan na yung bata sa hawak mo” sabi ko naman sabay ginilid ko si alexander.
“Pasensya na pinanggigigilan ko lang siya dapat kasi may anak na din ako e” sabi niya.
“Osige uuwi na ako” sabi ko naman at pwersahang naglakad paalis dun sa babaeng yun bakit parang nagagalit siya? Hindi ko nga siya kilala e.

*Arrives at their home*

“Andito na ako” sigaw ko para naman malaman ni..
“Sa susunod iwan mo si alexander dito baka mamaya magkasakit pa yan” sab… Teka tinawag niyang alexander yung anak namin?
“Alexander?” tanong ko para masigurado ko
“Oo yang baby na.. Yan yung bata ang tinatawag kong Alexander” sabi naman niya habang kinukuha ang bata sakin
“Gusto mo yung name db? Parehas kayo ng kuya Ace mo letter A din siya” narinig kong sabi ni Kris dumiretso siyang sala kasama si alexander napangiti na lang ako kasi ang cute niya. Makapagluto na nga ng makapaggabihan na kami.
~

Tada! Wala pong gusto si Kris kay Graciella. Bow.

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon