Chapter 59: Baekhyun

17 2 2
                                    

Nagkaayaan ang EXO na magbastketball kaya andito kami ngayon sa basketball court ng  school. 6V6 ang labanan. Ang magkakampi ay EXO-K at ang kalaban ay EXO-M tinatamad kami ng rock paper scissors. Lamang ang EXO-M unfair si Chanyeol at Kai lang matangkad samin. Sakanila si Kris, Tao at mejo si Chen at Lay. Tapos magaling pa magshoot si Luhan hyung kaya talagang luge kami.

“Time out muna!” sigaw ni Suho dahil siya ang leader siya na rin coach.

“Baek tubig oh” abot sakin ni Chanyeol ng mineral water.
“Salamat Channie. Punasan ko na yung pawis mo sa likod” sabi ko naman. Ganito kami kaclose ni Chanyeol. Kaya minsan napagkakamalan kaming bakla. Ako? Bakla? Sa gwapo kong to. Psh. Insecure lang sila, kasi ako gwapo na magaling pang kumanta. Kaya wafakels sa iba.

Kamustahin ko kaya si Floresel? Kaso baka tulog yun. Puyat pa naman yung kagabi. Ang ingay kasi nung baby e. Kahit ako napuyat din.

“Start na ng game” sabi ni Suho at nagsipuntahan na kami sa gitna ng court. Hindi ko sinilent phone ko baka sakaling tumawag si Floresel, baka kasi balikan sila nila Min Joo at Park Hyun mahirap na. Binigay ko din number ko para patas lang. Kaso sa kalagitnaan ng laro namin

*RING RING*
*RING RING*

Pagkatingin ko umiilaw yung cellphone. baka si Floresel.

“Saglit lang guys!” sigaw ko sabay takbo papuntang bench.

*Calling: Floresel*

Si Floresel??? So bumalik nga sila Min Joo?

“Hello?” sabi ko
“baek tulong! andito sila” sigaw niya sa kabilang telepono. Shit!
“Ha? oo sige anjan na” sabi ko naman sabay baba ng cellphone ko.

“Guys! Sila Minjoo! Bumalik “ sigaw ko sabay takbo sunuran naman sila. Ang layo ng dorm namin sa court wala bang shortcut dito? Yung mapapadali kami?  Shit baka saktan nila si Floresel o yung mga bata. Baka saktan nanaman nila ang mga girls. Kailan ba sila titigil? Ano ba talaga ang gusto nila? Ang gumanti? Pero bakit sila gaganti? At bakit parang walang pakialam samin si President Jung? Makausap nga si Manager Kim pag may time. Andito na kami sa North side ng building it mean pag sumilip kami kita agad yung pintuan. Nakita kong bumukas yun, shit mukhang makakatakas nanaman sila. Kaya ko to. Kailangan ako ni Floresel. Takbo lang kami ng takbo ng EXO

“Pag may nangyaring masama sa girls humanda sakin yang dalawang yan” sabi ni D.O. Siya talaga yung galit na galit. Si Chen kasi walang pake basta hindi damay si Graciella okay siya pero pag dinamay mo na ay kala mo katapusan mo na.

Pagka-akyat namin nakita namin sila Minjoo na pababa
“Hoy! Bumalik kayo!” sigaw ni Kai at hinabol sila. Dumiretso na ako sa dorm.

“FLO?! FLORESEL?!
“FLORESEL?!”
“SUMAGOT KA!”
“FLORESEL?!” sigaw ko sabay bukas ng mga kwarto napansin kong wala ang mga girls kaso pagkabukas ko ng pintuan sa kwarto namin….

“Floresel?” Nahuli ako. Nasaktan nila si Floresel. Bugbog ang katawan niya, dumudugo ang ulo niya. At puro siya pasa pumutok pa yung labi niya.

“Floresel? Naririnig mo ba ako?” tanong ko habang papalapit sakanya. Nang makalapit na ako sakanya hinawakan ko siya. May pulso pa siya it means hinimatay lang siya.

“Nakatawag na ako ng ambulansya”
“Salamat” sabi ko ng hindi tinitignan kung sino yun. Binuhat ko si Floresel. Sumusobra na sila. Hindi ko na kaya to kailangan malaman na to ni Manager Kim

*ospital*

Nagaantay kami sa result ni Floresel. Habang naghihintay pinapakalma ko ang sarili ko. Huwag ko lang talaga maabutan yang sila Minjoo kundi lintik lang ang walang ganti.

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon