Chapter 78: TAO

15 0 0
                                    

Natapos na yung meeting namin at balak kong bumalik sa dorm kasama si Lay hyung may kukunin daw kasi siya dun. Kukunin ko din yung bear na binili namin ni Kris hyung sa China. Hindi ko kasi nadala e. Habang tahimik kami ni Lay hyung na naglalakad sa hallway napaisip ako. Halos lahat sila ilalabas sa pasko ang girls. Samantalang ako walang balak sa pasko. Hmm paano ba kami nagkakilala ni Jenny? Ah oo nung iniwan ako nila hyung sa CR nun nauna na pala silang pumunta ng field nun. Bilang bawi ano bang magandang iregalo sa babae?

"Hyung!" tawag ko kay Lay hyung

"Uhhh bakit?" sabi niya habang may dinudukot sa pantalon niya

"Ano ba magandang regalo sa babae? tanong ko sakanya

"Ewan" sagot naman niya at pumasok

"Hindi ba kayo lalabas ni Maureen?" tanong ko sakanya

"Akin na lang yun tao" sagot naman niya. Ang damot naman nito ni hyung humihingi lang ng konti idea e. Teka matext nga si Jenny

To: Jenny-panda

Uy ano ba magandang regalo sa babae?

*Send*

[Buzz] *One Message Received*

Fr: Jenny-panda

 Kahit ano basta galing sa puso mo magandang regalo na for a girl

Aish. Bat ba walang sumasagot ng matino sakin ngayon? Hmm alam ko na. Hahanap nalang ako sa internet. Habang nagse-search ako may nakita akong promo  ng isang restaurant. Hmm macheck nga.

"Hyung di na kita masasamahan sa dorm may dadaanan ako e pero saglit lang puntahan nalang kita sa dorm" paalam ko tumango naman siya kaya nagpababa na ako sa susunod na kanto at binuksan ang GPS ko. Hinanap ko yung pangalan ng restaurant. Nalaman kong hindi siya kalayuan. Sa may bandang kanang ko siya kaya naglakad na ako.

"Anneyong-haseyo!" bati nung babae sa may counter

"Uhm excuse me. Nabalitaan ko lang na may promo kayo for this coming Christmas pwedeng macheck?" tanong ko.

"Ah yes sir!" sabi naman niya at dinala ako sa isang table.

"Here it is sir" sabi niya sabay about nung coupon.

"Ganito po yan Sir, hindi po talaga dito sa restaurant gaganapin yung date. We occupied the Open space of namsan tower for this activity. 10 lucky couples lang po ang pipiliin namin. We will be having games, prizes and a firework display. May give away din po kami" paliwanag niya

"Games? Prizes? What kind of prizes?" tanong ko naman

"Dahil po 100th anniversary na ng company the owner decided to give a free two-way ticket sa mananalong couple a trip to China" Wow! Ang yaman ata ng may-ari?

"Bat parang ang yaman naman ata ng may-ari ng resto niyo?" tanong ko

"Uhh hindi naman po pero Chinese siya and nabasa daw niya ang horoscope niya na this coming year swerte siya kaya po naisipan niyang lakihan ang prize" paliwanag niya

"Ilan ang kasama dun sa trip?" tanong ko naman sakto. Masaya to.

"12 po. If may barkada kayo much better dahil pati ang girlfriends nila pwedeng isama dahil private plane po ang sasakyan niyo" sabi niya. Wow talaga

"Papareserved sana ako" sabi ko naman

"What's your name sir?" tanong niya

"Huang Zi Tao" sabi ko naman

"Member ka po ng EXO di ba?" tanong niya. patay ako nito

"Shh" sabi ko

"Pasensya na po. Pakipirmahan na lang po to" sabi niya. pinirmahan ko na.

"Huwag niyo po iwawala yung coupon. First come first served po yan kaya dapat po agahan niyo. Good luck!" sabi niya. Kinuha ko na yung coupon at umalis na agad. Kailangan maaga kami? Dapat mga 4 andun na kami para sigurado. Kailangan kong makuha yung prize na trip to China. Gusto ko ng umuwi namimiss ko na yung pamilya ko.

[Buzz]

Fr: Lay-hyung

Pabalik ka na ba?

To: Lay-hyung

Oo hyung.

*send*

Mabalikan na nga. Hmm, kailangan nakapants siya. Isusurprise ko nalang siya about dito sana naman magustuhan niya to. Di naman ako nagtagal at nakarating na rin ako sa dorm

"Lay hyung!" tawag ko sakanya sa loob.

"Tao may sinabe ba sayo so Kris hyung?" tanong niya agad sakin

"Sinabe? Na?" tanong ko naman.

"Ah wala nevermind nakalimutan ko" sabi naman niya. Aish itong si hyung talaga.

"Ano yang hawak mo?' tanong niya

"Wala coupon lang hyung tara na" sabi ko sabay kuha ng ibang dala ni hyung.

*After 1 hour*

"We're home" sabi ni Lay hyung. Nakita ko naman na ang mga girls ang nagluluto at naglilinis ng bahay. At yung mga hyungs ko may ginagawa din. Andito din si Sir Hao

"Hello sir!" bati ko.

"Oh kumpleto na tayo tara na't magbunutan" sabi nito

"Ha? Para saan?" tanong ni lay hyung

"Mageexchange gift tayo" paliwanag ni Suho hyung

"Masaya yan! sige sige!" sabi ko naman

"Sige na pumila na kayo" sabi ni Sir Haio. Kaya naman pumila na kami at nagstart ng bumunot ang mga girls. Pagkatapos ay sumunod naman kaming boys ang natitirang papel ay ang nabunot ni Sir Hao.

"Girls, starting from Marsha please state who did you pick" sabi ni Sir Hao.

"Ang nabunot ko ay si..."

~

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon