Chapter 53 Chanyeol

33 3 0
                                    

Nakita ko si Lay hyung na humiga sa sala, malapitan nga. Mukhang problemado siya e.

“Hyung” sabi ko sakanya.
“Hmm?” sabi niya habang nakapikit pa rin ang mga mata niya.
“Inlove ka na ba sakanya?” tanong ko
“Ha?” sabi niya
“Eh bat parang iwas ka?” tanong ko ulit. Wala ng paliguy-ligoy pa.
“Kanino?” sabi niya at humarap sakin.
“Dun kay Maureen. Halata naman nag-aalala ka, nagagalit at natatakot” sabi ko naman. Yun naman talaga ang nakita ko kanina sa mga mata ni Hyung. Alam niyo paano ko nalaman? Ganun na ganun din kasi yung mata ko nung nainlove ako. Nag-aalala ako tuwing gabi siya uuwi galing trabaho, nagagalit ako pag hindi siya kumakaen at natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw pag-gising ko wala na siya. Alam na alam ko yung mga ganun tingin. Si Chen? Dinadaan lang niya sa pang-aasar para mapansin siya, sus Gawain ng mga lalaki yan. Kunyari tuwang tuwa siyang asarin yun pala nagpapapansin pa. Si Luhan hyung? Kunyari pang ayaw mainlove, sus nung nadisgrasya nga si Fabien, akalain mo tinakbo ba naman yung pagkalayo-layong hospital. Tapos si D.O naman kunyari pang galit nag-alala naman nung napaso si abegail, nainis pa nga siya nung si Chen na yung naggamot. Mga kunyari pa. Si Sehun naman nagbibinata na. Akala namin dati puro bubble tea at si Luhan hyung lang alam niya, ngayon may padeli-deliver pa ng pizza. Si Suho hyung naman ayun akala mo nanalo sa lotto madalas na siyang ngumiti. Kelan kaya ako maiinlove ulit? Kelan ba ako ngi-ngiti ulit? Yung tipong magagalit ako kasi hindi pa siya kumakaen, yung magtetext sakin ng good night texts saying how much she misses me. Hindi ko alam kung kelan pero sana dumating na. Yung magbibigay sakin ng kaba kahit makita ko lang siya. Ready naman akong magmahal, nangako ako kay Hyeon na yung babaeng sunod kong mamahalin ay iingatan ko at pro-protektahan ko. Si Hyeon….

Kamusta na kaya si Hyeon? Kamusta na kaya yung anghel ko? Alam kong mahal ko pa rin siya pero kailangan kong tanggapin na wala na siya. Na ala-ala nalang niya yung tangi kong panghahawakan. Yes, time did take her away from me, but our memories will stay as it is. I may never see her again, but I know deep down in my heart she’s there. Hyeon, how I miss to say that name again. When will I ever see you? I know it’s impossible. I hope you’re safe wherever you are. And please guide me wherever I go or whatever I do. Guide me as if you’re alive. Sino si Hyeon? Si hyeon yung babaeng una kong minahal.

*Flash back*

“Hi! My name is Kim Hyeon. Im new here. Let’s be friends” sabi nung babae sa harapan. First day of class, kaya naman walang humpay na “INTRODUCE YOURSELF” ang nais ng mga teacher namin. Naiinis na ako that time dahil pang-anim na namin subject to.

“Sit between Mr. Byun and Mr. park” narinig kon.. Teka between me and baek? No tha…

“Hello! Byun Baekhyun is the name” sabi ni baek. Hay wala na akong magagawa nakaupo na siya. May tatlong subject pa kami tapos uwian na ang tagal.

Natapos yung class na puro Introduce yourself.

“Tara na Channie!” masayang sabi ni baek inantay ko kasi siya dun sa may tapat ng locker namin. Habang naglalakad kami nakita namin si Hyeon na naglalakad sa may gilid ng kalye.

“Hyeon! Hyeon!” sigaw ni baek. Aisha no ba yan akala ko naman makakasama ko na si baek.
“Anong ginagawa mo mag-isa?” tanong ni baek, minsan masarap batukan tong si baek, malamang uuwi na si Hyeon.
“Pauwi na ako. Kayo?” nahihiyang sagot ni Hyeon.
“Pauwi na din. Taga-saan ka pala? Sabay ka na samin” sabi ni baek, Aish balak ko pa man din na ayain si baek kumaen sa labas. Nakakatamad kasing magluto sa dorm e.
“Ah jan lang ako, unang kanto.” turo niya. Ah magkalapit lang pala kami.
“Hatid ka na namin” sabi ni baek, may gusto ba si baek kay Hyeon? Bakit ganito kabaet si baek sakanya?
“Ah wa..”
“I insists” sabi ni baek hindi na niya pinatapos si Hyeon sa pagsagot. Minsan talaga masarap batukan tong si baek e. Bahala na nga.

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon