Chapter 64: Abegail

19 1 1
                                    

Mag-isa ako dito sa kwarto. Ano bang magandang gawin? Uminom kaya ako? Hmmm pwede naman siguro. Habang pababa ko ng hagdanan napag-isip isip ko na hindi pala talaga sila ganun kaaarte na tao. Nagluluto, naghuhugas at kung anu-ano pa. Kahit mga sikat na sila. Simpleng buhay pa rin ang ginagawa nila.

“Saan ka pupunta?”
“AY ASWANG!” sigaw ko kasi naman ginugulat ako ni D.O e
“Saan ka pupunta? Nagulat ba kita? Pasensya na” sabi ni D.O sakin
“Ah sa kusina kukuha ng maiinom” sabi ko
“Ah. Tubig ba?” tanong niya
“Hindi. Alak. Hindi kasi ako makatulog e” sabi ko naman
“Ah ganun ba? Sige wag kang magpapakalasing ha?” sabi niya naman. Tumango na lang ako at dumiretso na sa kusina. Hmmmm. Ano ba yung pampa-antok dito? Kinuha ko yung isang alak na hindi pamilyar sakin. bahala na basta yung makakatulog lang ako.

Umupo na ako at nagsimulang maglagay sa baso.
“Pwe! Ano ba naman to ang tapang” sabi ko. Wala na kasing ibang pwedeng inumin.Tinuloy ko nalang ang pag-inom dun sa alak.

*After 30 minutes may tama na siya*
*Si Author ulit magkwkwento dahil lasing na si Abegail*

Hindi na alam ni Abegail na napadami yung inom niya kaya nalasing siya. Hindi na niya alam ang pinagsasabi niya at wala a siyang makita dahil mejo nakapikit na siya. Hindi niya napansin na nilapitan siya ni D.O

“Abby tama na yan” sabi nito ngunit nagpumiglas si Abegail
“Ano ba! Sino ka ba?!” sigaw ng dalaga
"Si D.O to” sabi ni D.O at inagaw ang bote pero hinawakan ito ng mahigpit ng dalawa
“Bakit mo ba ako pinipigilan? Ano ba kita? Bakit andito ka sa bahay namin!? Magnanakaw ka no!” sabi ng dalaga at pinisil-pisil ang pisngi ng binate
“Aray abby naman e. Tama na” sabi ni D.O at inalis ang mga kamy ni abby
“MAMA! MAMA! MAY MAGNANAKAW NA NAKAPASOK SA BAHAY NATIN! WAAAAAAAAH! UWAAAAAAAAAAAAAAAH!” nagsisisgaw si Abegail na parang bata at biglang umiyak.

“D.O dalhin mo na yan sa kwarto niyo. Mamaya ay magising pa niya ang mga bata” sabi ni Kris na sakto naman napadaan sa kusina dahil hinahanap niya ang nag-iingay
“Pasensya na hyung sige papatahimik ko na siya” sabi naman ni D.O
“Abegail tara na” sabi nito ngunit bigla siyang sinampal nito

*PAK*

“Walang hiya ka! Manloloko! Wala akong iba pero niloko mo ako! Mamatay ka na Christian dapat sayo masunog sa impyerno HUHUHUHU” umiyak si Abegail ng pagkalakas-lakas
“Masakit yung sampal mo ha” sabi ni D.O naaawa siya kay Abegail dahil nakikita niyang ngayon lang nalabas ni Abegail yung sakit na nararamdaman niya.
“Tara na abby” pilit ni D.O pero ayaw magpahawak ni Abegail. Tuwing hahawakan niya ito bigla itong iiyak o mangangagat. Kaya inantay muna ni D.O na makatulog ito. Nang alam niiyang hindi na ito makagalaw binuhat niya ito

“Aish ang bigat mo naman” sabi ni D.O

Inihiga niya ang dalaga sa kama nito at bumalik sa kusina para magpakulo ng tubig. Naglabas siya ng isang malinis na bimpo at inihanda ang mga ipapalit niyang damit kay Abegail.

Pag akyat niya ay sinara niya ang pinto at ni-lock ganun ang napag-usapan nila. Pag nasa loob na ng kwarto ang dalawang magkapares ilolock ang pinto. Habang pinupunasan niya si Abegail ng maligamgam na tubig. Naisip niyang tinignan ito ng malapitan. Hindi sanay si D.O sa ginagawa niya ngayon pero gusto niya talagang makita ng malapitan si Abegail.

“Mmmmm” narinig niyang sabi ni Abegail.

Binilisan niya ang pagpunas rito at dumating na sa puntong dapat niyang palitan ng damit ang dalaga. Tulog na ang lahat kaya nakapikit niyang ginawa ang pagpapalit ng damit.

“Yan. Malinis ka na. Goodnight Abby” sabi ni D.O at tinabi ang plangana sa may banyo. Humiga na rin siya at natulog.

“… Ang ganda pala niya pag malapitan” bulong ni D.O sa kanyang sarili at tuluyan ng nakatulog

*Morning. back to Abegail’s POV*

“Aray ang sakit ng ulo ko. Teka mada.. Di ba nakashort ako kagabi? Bat ako nakapajama ngayon?” tanong ni Abby sa sarili niya habang tinitignan ang paligid niya. Mataas na ang sikat ng araw.
“Oh gising ka na pala. Sakto kakain na tayo ng breakfast”
“AY IPIS! Ano ba D.O sabing wag mo na akong gugulatin e” sabi naman nito at inalis ang kumot sa kanyang katawan
“Sinong nagbihis sakin?” tanong ko kay D.O
“Uhm Ako?” sagot ni D.O
“Ah ikaw. Sal… ANONG SABI MO?! IKAW ANG NAGPALIT NG DAMIT KO?!” sigaw ko sabay yakap sa katawan ko.
“Anong nakita mo?” ulit ko pang tanong. hindi pwede to. May body, may beau…
“Wala nakapikit ako nun” sabi ni D.O bute naman
“Siguraduhin mo lang kung hindi lagot ka sakin” banta ko sakanya.

Nagsimula ang araw namin na boring at natapos din itong boring. Kinwento na ni D.O lahat ng nangyari kagabi habang nalasing ko. grabe nasampal ko siya ng bongga.

“Pasensya ka na talaga D.O ha?” sabi ko ulit.
“Okay lang sige na pumasok ka na may bibilhin lang ako” sabi naman niya. Nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko. Babawi na lang ako sakanya.
~

Here’s the update sorry if its too short. Hinati ko talaga para may moment sa DEC 25. Christmas Day ang title and in one CHAPTER point of views na ng magkapartner ang nandun so sobrang haba talaga nun. Please wag kayong mag-sawang basahin ang book ko dahil may plot twist na lalabas! Thank you! Please VOTE guys!

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon