Chapter 44: Xiumin's Past

31 3 2
                                    

Andito ako ngayon sa park. Pinili ko munang mapag-isa. Mejo naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa school namin at sa feelings ko. Nagulat ako sa naramdaman ko. Bakit ako natakot? Bakit ako nag-alala? Naalala ko nung nagmamahal pa ako. Sobrang mahal ko siya. Hindi ko alam pero pag tumitingin ako kay Marsha hindi ko nakikkita yung babaeng minsan ko ng minahal. Oo nung una aaminin ko hindi ako makamove-on sakanya, hanggang ngayon suot ko pa rin yung kwintas na binigay niya, at hanggang sa pagtulog hinihiling ko na sana bumalik siya pero ngayon iba na. Hindi ko na naiisip yung mga ganun bagay. Siguro napapalapit na nga talaga ako kay Marsha. Mag-iisang buwan pa lang ng makilala ko siya pero parang kilalang-kilala ko na siya. Hindi ko alam pero siguro masasabi ko ng nakapagmove-on na ako sakanya. Unti-unti na kitang nakakalimutan Park Myeon.

Naglagay ako ng headset at nakinig ng kanta.

*Please play the song Broken Vow*

*Flashback*

Mag-isa ako sa coffee shop ngayon, lahat kasi ng tao dito nagpahinga kaya ako nalang naglinis ng shop ng biglang tumunog ang wind chime ibig sabihin may pumasok. Nagpunas ako ng kamay at lumapit agad.

“Annyeong-haseyo” Xiumin
“Annyeong! Table for 1” sabi nung babae pumasok basa siya, malakas siguro yung ulan. Mapahinaan nga yung aircon para di siya lamigin.
“This way ma’am” Xiumin

Habang inaantay ko yung order niya napansin kong namumula yung pisngi niya, umiyak ba siya?

“One coffee na lang sakin” sabi niya mejo basag ang boses niya kaya alam kong umiyak nga siya.

Habang hinahanda ko yung order niya tinignan ko siya, maganda siya, pwede ng pangmodel kahit mejo maliit, payat at bilugin ang mata.

*Ting*

Tapos na pala yung order niya.

“Here’s your order ma’am” sabi ko habang papalapit. Nakakaawa naman siya ang ganda ganda niya tapos papaiyakin lang siya.

*Next day*

Day off ng best bud ko na si Chen at as usual andun siya sa girlfriend niya, lagi naman ganun yun pag day off niya dun siya lagi. Narinig ko ulit na tumunog yung wind chime.

“Annyeonghaseyo!” bati ko habang papalapit dun… Teka siya yung babae kahapon ha? Namamaga nanaman mga mata niya, ano kaya nangyari? Makausap nga.

“One frappucino please” sabi niya hindi ko pa nga nabibigay yung menu namin nagorder na siya.

Ginagawa ko na yung order niya at nakita ko yung mini cake sa counter bigyan ko na lang kaya siya nun? Baka sakaling gumaan pakiramdam niya? Kakausapin ko na rin siya sabi nga nila “When you have a problem, talk to a stranger it will make you feel better”

*15 minutes after*

Here’s your order ma’am” abot ko sakanya.
“Frappe lang order ko” sabi niya mejo masungit pala siya
“Bigay ko na yan, malungkot ka kasi kahapon pa” sagot ko
“Eh ano bang pake mo?” sabi niya
“Ayaw ko kasi ng may babaeng malungkot. Ang ganda mo tapos umiiyak ka lang?” sabi ko naman. Ngumiti siya. Maganda siya pag nakangiti

“Ako pala si Xiumin. Ikaw?” tanong ko sakanya.
“Park Myeon” sabi niya

Araw-araw ganun ang scenario namin ni Myeon. Pupunta siya ng bandang alas-tres tapos mag-uusap kami minsan nga hindi na siya oorderr e mag-uusap lang kami. Hindi ko namalayan na unti-unti na akong nahuhulog sakanya. Dumating ung isang gabi na nalate ako ng pag-sasara ng coffee shop dapat kasi til 7 lang kaso nagextend ng isang oras.

Habang papauwi na ako napadaan ako nun sa park, at nakita ko na may babaeng sumisigaw, nilapitan ko nung malapit na ako narinig ko boses ni myeon.

“Ano ba! bitawan mo nga ako! Tapos na tayo db?!” sigaw niya dun sa lalaki.
“I want you back” sabi nung lalaki
“Ayaw ko na! pagod na ako” sabi niya

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon