Chapter 83: Luhan and Fabien

7 0 0
                                    

Note: Please play the video on top or on the left side when you've reached where Luhan is standing across fabien. Thanks hope you like the song.
-------------------------------------------------------------


Fabien's POV

"Luhan saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Luhan habang sinusundan yung boses niya. Nakapiring kasi ako.
"Basta, shh okay last step na" sabi ni Luhan sakin.
"Bat parang ang tahimik naman dito at bakit parang mabato?" tanong ko ulit. Kanina kasi nadapa ako kaya nahawakan ko yung sa.. I mean yung mga bato.
"Basta huwag ka na nga mareklamo jan" sabi niya pa. Saan ba kasi kami?
"Okay huwag kang gagalaw. Jan ka lang teka lang" sabi niya sakin. At bigla niya akong iniwan. Putcha saan pupunta yun?
"Hoy! Luhan!" sigaw ko pero di ako gumalaw dahil biglang may tunog akong naririnig.

"Fabieeeeeeeen! tangalin mo na yung piring mo" sigaw ni Luhan. Bigla akong kinabahan. Alam ko yung kantang yun.. Actually lagi kong pinapakinggan yun bago ako matulog kasi pangarap ko talagang makita yung prince charming ko. Pangarap ko na isasayaw niya ako sa ilalim ng puno na puro makukulay na ilaw, tapos may maliit na tela sa damuhan at may pagkain. Simple lang naman ang gusto ko e. Pero bakit hirap na hirap si GOD na ibigay sakin. Hindi ko naman hiniling na ibigay niya sakin si Luhan e. Sapat na yung lalaking mahal ako. Ayaw ko matulad sa mommy ko na single-parent. Nakita ko yung hirap ni mommy habang pinapalaki niya ako. Hindi madaling mag-isang magpalaki ng anak.

"Fabieeeeeeeeeeen! natanggal mo na ba yung piring mo?!" pasigaw na tanong ni Luhan. Oo nga pala nakalimutan ko yun ah.
"Oo! Asan ka ba?!" tanong ko habang hawak hawak ko yung tela na pinangtakip niya sa mata ko.
"SUNDAN MO YUNG MGA MALILIIT NA ILAW"!" sigaw niya, tumingin ako sa tinatapakan ko at may maliliit na Christmas lights. Sinusundan ko lang yun hanggang sa wala na akong makita sa harapan ko dahil mejo malayo na ako dun sa Christmas lights.
"Luhan! Asan ka ba?!" sigaw ko.
"Kapain mo yung switch jan sa tinatapakan mo" sabi niya mejo malapit na yung boses niya. Baka nasa likod ko siya? Kinapa ko yung switch at may nahawakan akong matigas na bagay.
"Nahawakan mo na ba? Ngayon pindutin mo" utos ni Luhan. Pinundot ko nga yung at biglang nagliwanag yung buong paligid..

Hinanap ko si Luhan. Nakita ko siyang nakatayo dun sa may puno na may hawak-hawak na bulaklak. Tinignan kong mabuti yung paligid. Ilaw na nababalot ng iba't ibang kulay ng Christmas light. May nakahanda rin na basket at tela sa may damuhan. Puro ilaw ang paligid. Naging makulay yung lugar dahil sa mga ilaw. Tapos may tunog pa. Ito yung pangarap ko. Ito yung matagal ko ng hinihiling. Pero.. Paanong....

"May I have this dance?" nagulat ako kasi nakalapit na pala si Luhan sakin.
"Uh... eh..... ah....." hindi ako makapagsalita dahil sa nakikita ko. Wala naman akong pinagsabihan na ganito ang gusto ko.
"Fabien.." tawag ni Luhan sakin.
"Ah oo, yes" sabi ko ng mabilis at hinawakan yung kamay niya.
"HAHAHA huwag kang kabahan." sabi ni Luhan at inabot niya yung isang rose na hawak niya sakin.

[Les plays Can I have this Dance}

"Uh Luhan.." tawag ko sakanya.
"Shhh just cherish the moment. Mamaya na tayo mag-usap" sabi ni Luhan at nakatingin lang siya sakin. Tumango naman ako. Ang gwapo ni Luhan ngayon. Bumagay sakanya yung black suit na suot niya and match siya sakin dahil white laced dress ang suot ko.

"Fabien do you trust me?" tanong ni luhan out of nowhere.
"Ha? Ba.. Bakit naman Luhan? Syempre oo" sagot ko. Bat ganun tanong niya.
"Do you think kaya kong kalimutan si Min Hyo?" tanong niya sakin.
"Ofcourse Luhan." sagot ko naman. Mejo disappointing na ngayon pa niya tinanong sakin to
"Fabien can you help me out?" tanong niya.
"Ha? Saan?" tanong ko sakanya Mejo naguguluhan na ako sakanya. Seriously
"Can you... help me forget about her?" tanong niya sakin. At this point nakatayo na lang kaming dalawa sa gitna. What?! Paano ko siya matutulungan?
"Uhm Luhan... how.. I mean what should I do?" tanong ko naman sakanya. Hindi ko alam kung paano T.T
"Can you stay... by my side?" tanong niya at tumingin sa langit.
"O..Okay" sagot ko naman at mejo yumuko. Panakip butas lang ba ako? Nagulat ako nung inangat ni Luhan yung ulo ko...

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon