Chapter 52 Lay

20 4 2
                                    

Please play The Script- For the First Time
~

Inlove na ata si Sehun, kung yakapin niya kanina yung kaklase namin halatang kinabahan siya. Ako? HAHAHA no way, makakalimutin man ako sa ibang bagay, sa love hindi… Hindi ko makakalimutan yung sakit na mawalan ka ng taong mahal mo, yung ibinigay mo lahat, alam mong bawal pero gumawa ka ng paraan para lang patunayan na ikaw ang para sakanya. Masakit, sobrang sakit, yung tipong alam mo sa sarili mo na binigay mo lahat pero iniwan ka niya. Masakit na ipagpalit ka niya. pero sa tuwing nakikita ko si Graciella, naaalala ko lahat, parang siya yung eksaktong replica ni Jung Min. Sino nga ba si Jung Min sa buhay ko?

*Flash back*

I was walking in the busy street in my hometown ng may makita akong babaeng nawawala.

“Uh excuse me saan yung pinakamalapit na sub-way dito?” tanong niya sakin. Subway? ang layo niya naman ata. Saan ba nanggaling to?
“Ah ang layo mo naman sa bayan yung sub-way mejo malayo pa lalakbayin mo” sabi ko probinsya kasi to.
“Ganun ba? Sige salamat, ano pala mga sasakyan ko?” tanong pa niya at naglabas ng maliit na notebook at ballpen.
“Ihahatid na lang kita baka mapahamak ka pa” sabi ko.

Madami kasing loko-loko dito samin, kala mo matitino yun pala nagbabalat-kayo lang.
“Nakakahiya naman” sabi niya.
“Ayos lang yun.” sabi ko at tinulungan siyang buhatin yung mga gamit niya, mabigat pero kaya naman.

*Sa may sakayan*

“Salamat ha. Jung Min pala. Anong pangalan mo?” tanong niya at nilahad yung left hand niya for shakehands
“Zhang Yixing, pero Lay nalang” sabi ko. Ayaw na ayaw ko pag tinatawag akong Yix or Yixing naiimbyerna ako.
“Ohh sige andito na pala yung taxi. Thankyou ulit” sabi niya at kumaway.

Kumaway na rin ako, hindi siya nagsub-way madami siyang dala nagtaxi nalang siya. Saan kaya pupunta yun?

Natapos ako sa pag-aaral ko, nakagraduate at mag-aartista na dapat ako kaso biglang nagbago ang lahat…

*Another flashback*

“Magkano ho dito?” Lay\girl

May nakasabay akong babaeng bibili din ng pepero nag-iisa nalang yun gutom na rin ako bilang gentleman bibigay ko na lang sakanya to.

“Lay?”
“Lay! Ikaw nga, kamusta ka na?” nagulat ako nung tinawag niya ako sa pangalan ko, teka kilala niya ako? Eh hindi ko naman siya kilala.

Tinignan ko siyang mabuti. Hindi ko talaga siya kilala. Baka stalker? o baka kidnapper? Hala baka mamamatay ta..

“Si Jung Min to” sabi niya habang nakangi.. Jung Min? Jung Min?

Ah tama naalala ko na yung babaeng tinulungan ko.

“Minnie! Kamusta na?” sabi ko wala akong maisip na itatawag sakanya kay Minnie na lang tsaka maliit siya hahahaha.
“Ganyan na ba ang tamang pagbati?” tanong niya at nagPOUT. Aww ang ganda ganda niya e.
“HAHAHA pasensya na mejo makakalimutin kasi ako. Okay lang ako. Ikaw?” tanong ko sakanya sabay abot nung bayad ko sa nagtitinda ng pepero.

Umupo kami sa may park at nagkamustahan di ko namalayan na maggagabi na pala. Lagot sila lola aish. Nagkayayaan na kaming umuwi tapos naghingian na rin kami ng number.

Dun nagsimula yung pagkagusto ko sakanya, maalaga siya, malambing, maaalalahanin, at magaling magluto. Siya ang kasama ko sa pag-aalaga kay lolo at lola. Gustong-gusto siya nila lola mabaet daw kasi. Kaya niligawan ko na at mahal ko na talaga siya. Sinagot niya ako at tumagal kami ng 4 na taon. Kaso dumating sa point na kailangan kong mamili. Ang pag-aartista o siya.

*Flashback ulet*

“Mr. Zhang tinatanggap mo ba?” tanong nung lalaki sakin.
“Opo” sabi ko. Natanggap na ako bilang Trainee, kaso sa Korea daw nila ako ipapadala. Bat dun? Kaya nga dito ako sa China nagaudition para andito ako e.
“Bawal ang may karelasyon, focus dapat sa career” sabi niya napatingin ako sakanya. Bawal ang relasyon? Paano kami ni Minnie? Paano na yung pinaghirapan namin relasyon?

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon