SpLaSh: 02

2.7K 129 4
                                    

ARWIN’S POINT OF VIEW:

        Gabi na nang makauwi kami nila Mommy ng bahay, kami ang kahulihulihang hinatid nila Chini. Pagkatapos naming magpasalamat ay hinintay muna namin silang makaalis bago kami pumasok ni Mommy ng loob ng bahay.

        “Oh Win mag gagayak ka na ba ng mga gamit mo?” ang tanong sa akin ni Mommy nang makapasok na kami ng bahay.

        “Ah opo Mommy, mukha po kasing madami dami pa po ako kailangan na ayusin na gamit.” ang sagot ko naman na nasa hagdan na paakyat ng kwarto.

        “Ah sige, mag gagayak na din ako ng mga gamit ko.” ang sabi ni Mommy.

        Nasa kwarto na ako noon at nag-umpisa na akong mag-ayos ng mga gamit ko at ng duwende, ang totoo puro para kay Luke ang pinamili ko noong nasa MOA kami kanina kasi naman ang weird ng mga choices niya para sa summer vacation namin. Naisipan ko siyang tawagan para i-check kung naggagayak na din siya.

        “Hello?” ang bungad niya agad na sagot sa akin.

        “Hello Drip. Naggagayak ka na ng gamit?” ang tanong ko sa kanya.

        “Oo Drop, ikaw ba naggagayak na?” ang tanong niya sa akin.

        “Oo, naggagayak na din ako, mukhang excited ka na ah.” ang sabi ko naman sa kanya dahil halata sa boses niya ang excitement, actually doon pa lang sa Adobo Connection ay halatang halata na ang excitement sa duwendeng to.

        “Oo excited na ako, kasi makakatikim na naman ako ng mga freshly picked strawberries, kaya heto ginagayak ko na lahat, kaya kanina talagang pumili ako ng mga magagandang sweaters at panlamig.” ang sabi ni Luke at noong madinig ko iyon ay hindi ko naiwasang matawa.

        “Oh bakit ka biglang natawa?” ang tanong niya sa akin.

        “Ha-ha wala lang baka nagdala ka pa ng bonnet ah.” ang sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko ang matawa kasi mukhang walang kaide-ideya kung saan kami magbabakasyon akala ko pa naman alam niya na kaya excited siya ngayon pala mukhang iba ang nasa isip ng duwendeng to, buti na lang talaga at napansin ko na agad na kakaiba yung mga pinipili niya.

        Nagpatuloy ang pag-uusap namin sa cellphone ni Luke at pigil akong tumatawa dahil sa mga sinasabi niyang mga dadalhin niya. Halos sabay kaming nakatapos na mag-ayos ng mga gamit namin, pagkatapos noon ay nagkwentuhan pa kami pero mukhang napagod sa pag-aayos ng mga nakakatuwang gamit niya para sa summer vacation ang duwende kaya tinulugan na ako.

        Kinabukasan ay maaga na akong gumising para tulungan si Mommy sa mga gawaing bahay, pagkatapos ay chineck na din namin ang mga dapat i-check tulad ng kuryente, gas, at pati yung mga locks na din ng bahay. Pagkatapos namin ay naisipan kong tawagan ang duwende dahil baka tulog pa kaya wala pang text o tawag.

        “Good morning!” ang masiglang bungad sa akin ni Luke.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon