SpLaSh: 05

2K 101 0
                                    

KALOY’S POINT OF VIEW:

        Maaga akong pumunta sa beach resort na pinapasukan ko upang magpraktis ng fire dancing, isa lang sa pagpa-fire ang trabaho ko dun sa beach resort sabihin na nating multi-talented ako na tao. Maaga din akong pumasok kasi may inaaral kasi akong bagong istilo na gusto ko sanang maperpekto dahil mamayang gabi kasi ay may performance kaming gagawin ng mga kagrupo ko, dumating kasi galing sa ibang bansa yung anak ng may-ari ng beach resort at may mga bisita din ito na dumating kaya naman dapat talaga na pagbutihan ko. Hindi naman sa pagmamalaki ay ako kasi ang pinakamagaling kaya madalas nila akong gawing pang pukaw ng aliw kaya naman para mas makapag praktis ako ng maayos ay naisipan ko na pumunta sa hide out ko sa resort na yon, sa may bandang dulo kasi ay may mga batuhan at medyo mapuno pa na parte at halos wala talagang tao ang pumupunta don.

        Tahimik pa ang buong dalampasigan noon dahil marahil ay tulog pa ang mga guests, kaya naman mas nakakarelax mag lakad sa tabing dagat noong mga oras na iyon habang sukbit ko ang isang pulang backpack na naglalaman ng mga gamit ko at damit. Malapit na ako noon sa sinasabi kong hide out ng biglang makarinig ako ng tila boses ng humihingi ng tulong sa direksiyon na pupuntahan ko, ewan ko kung guni-guni ko lang pero patakbo na akong nagpunta sa parteng iyon ng resort.

        Nang makarating ako doon ay nakakita ako ng tsinelas sa may buhanginan ngunit wala akong makitang tao sa paligid. Hindi na ako nagdalwang isip pa at inilagay ko ang backpack ko sa buhanginan at hinubad ko agad ang suot kong t-shirt na puti at agad na nilusong ko at lumangoy para sisidin kung sino man yung nadinig ko na humihingi ng tulong. Dahil madalas na ako sa parteng iyon ng resort alam ko na kung saan ang malalalim na bahagi doon at ilang sandali pa ay may nakita akong lalaki na nakalubog na at wala ng malay, agad ko siyang kinuha at iniahon. Buhat buhat ko siya na iniahon sa dagat at ng makarating sa dalampasigan ay maingat ko siyang ibinaba sa buhanginan. Nang maihiga ko na siya ay agad ko ng isinagawa ang CPR sa kanya.

        “Gising.” ang sabi ko noong hindi pa rin nagkakamalay yung lalaki.

        “Gumising ka!” ang sabi kong muli sabay diin sa bandang dibdib nito upang mailabas niya ang mga nainom nitong tubig, pero hindi pa din siya gumigising kaya sinubukan ko ulit siyang i-mouth to mouth resuscitation.

        “Gumising ka!” ang muli kong sabi at bumulwak mula sa bibig niya tubig at paubo-ubo pa ito, unti-unting dumilat ang lalaki pero parang wala pa sa sarili niya dahil pupungay pungay pa ang mata nito.

        “Salamat!” ang sabi ng lalaki at nabigla ako noong bigla niya akong halikan at yakapin, hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong naramdaman na nagpatigil sa akin nagpabilis ng puso ko bigla noong hinalikan niya ako at niyakap.

         Hindi pa rin ako makagalaw at makapagsalita sa pagkabigla nang mukhang nahimasmasan yung lalaki ay tinignan niya ako, sa mga sandaling iyon ay mabilis ko siyang napagmasdan at don ko napansin na cute at maganda ang mga mata niya pati ang labi niya, nang bigla niya akong tinulak dahil doon ay napaupo ako at mabilis naman siyang tumayo at dinampot ang tsinelas niya at mabilis na kumaripas ng takbo. Marahil ay nahiya o nabigla din siya sa ginawa niya sa akin tulad ko dahil kahit gusto ko siyang pigilan noon ay di ko nagawa ang tangi ko na lang nagawa ay pagmasdan siya palayo.

        Nang makaalis na yung iniligtas ko at hindi ko na siya makita ay doon ko pa lang nagawang maigalaw ang sarili, pero muka akong tanga na sinalat ko ang labi ko na hinalikan niya, bakit ganun nung ginawa ko ang CPR sa kanya ay okay naman pero nung hinalikan niya ako ay nakaramdam talaga ako ng kakaiba sa sarili. Halos wala ako sa sarili ko noong mga oras na iyon kaya hindi ko nagawang makapagpraktis.

        Nang makabalik na ako totally sa sarili ko ay nagsimula na akong magpraktis, kinuha ko ang poy sa bag ko at sinindihan ito, poy ang tawag sa gamit naming mga fire dancer ito yung may tali o chain tapos sa dulo nito ay may parang bola na tela na siyang sinisindihan para mag-apoy. Nang masindihan ko na ito ay nag simula na ako sa pag-eensayo ng bago kong trick, pero pag gagawin ko na yung trick ay bigla biglang pumapasok sa isip ko yung mukha nung lalaki na tinulungan ko pati yung ginawa nitong paghalik at pagyakap sa akin. Ilang subok pa ang ginawa ko ay talagang hindi ko magawa ng mabuti ang pagpapraktis ko kaya minabuti ko na mag-pack up na.

        Nang maayos ko na ang gamit ay lumakad na paalis sa hide out ko, akala ko naman makakapagpraktis ako ng maayos pag doon ako nagpraktis pero okay lang ang mahalaga ay nakapagligtas ako ng buhay, at siguro nakatadhana lang din talaga na magtagpo kami, ang sabi ko sa isip ko sabay salat sa labi ko. Putek ano na ba tong nangyayari sa akin, hay naku Kaloy mag-focus ka hindi pwedeng mapahiya ka sa performance mamaya.

        Ilang sandali pa habang naglalakad ako ay may nakita ako na mga grupo ng guests sa di kalayuan mula sa kinalalagyan ko na naglalakad papuntang banquet hall at isa sa kanila ang nakapukaw ng pansin ko, hindi ako pwedeng magkamali na yung maliit na lalaki sa grupo na yon ay yung lalaking iniligtas ko kanina. Balak ko sanang lumapit kaso naisip ko na nakakahiya at baka mahiya o matakot din sa akin yung lalaki kaya minabuti ko na lang na magtanong sa isang empleyado na napadaan din sa lugar.

        “Ah excuse me, pwedeng magtanong?” ang sabi ko sa babaeng empleyado noong makalapit ako sa kanya.

        “Ah ano yun?” ang tanong niya sa akin.

        “Ahm pwedeng malaman kung alam niyo po kung sino po yung mga grupo ng guest na iyon na papuntang banquet hall?” ang sabi ko sabay turo sa grupo na sinasabi ko.

        “Ah yun ba, ayun po ay yung guests ng anak ng may-ari nitong beach resort, at kasama din nila ngayon yung anak ng may-ari, bakit mo natanong?” ang sabi ng babaeng empleyadong kausap ko.

        “Ah wala naman, naitanong ko lang, salamat.” ang sabi ko at tinanaw ko muli yung lalaki, kung ganon isa pala siya sa manonood mamaya sa performance ko. Hindi ko alam pero bigla akong nangiti noong nalaman ko yun kaya naman nagdecide ako na bumalik sa hide out ko para magpraktis, hindi ko alam pero parang gusto mapalapit at makilala siya at naisip ko kung sakaling galingan ko mamaya ay baka magka-chance ako na makilala ko siya.

        Patakbo akong bumalik sa hide out ko para mag-praktis at tiyaka ko lang napansin yung beach ball na lumulutang lutang sa dagat, marahil ay ito yung dahilan bakit muntikan ng malunod yung lalaki kanina. Ibinaba ko muli yung bacpack ko at hinubad yung t-shirt kong suot at dali dali akong lumusong sa dagat at nilangoy ko yung beach ball, at nang makuha ko na ay mabilis din akong bumalik sa dalampasigan. Pagkaahon ko dala ang beach ball ay naupo ako sa tabi ng bag ko at tinitigan ko ang bolang hawak ko.

        “Makikilala din kita.” ang nakangiti kong sabi, pinagmasdan ko muna ang dagat noong umagang iyon habang iniisip ko pa din yung lalaki.

        Tumayo ako at inilagay sa tabi ng bag ko ang bola na hawak ko at kinuha ko mula sa bag ko ulit ang poy, pero bago ko ito sindihan ay nagpraktis muna ako ng ilang beses na walang apoy. Nang masiguro ko na okay na ang movements ko ay sinindihan ko na ito, inisip ko ang mukha ng lalaki na iniligtas ko, sa isip ko ay masaya niya akong pinapanood at dahil tila parang pakiramdam ko ay mas nagawa ko ng maayos ang trick na gagawin ko para mamayang gabi. Ilang ulit ko pa muli ginawa yung trick at naisagawa ko ito ng mabuti ng walang aberya, kaya naman super ngiti ang nagawa ko noon, sana lang talaga mapasaya ko siya mamaya sa performance.

        Nang matapos akong magpraktis ay inayos ko na yung mga gamit ko, pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ay isnukbit ko na yung bag ko at kinuha ko na yung bola. Habang naglalakad ako ay palinga-linga ako at nagbabakasakali na makita ko yung lalaki ulit, pero nakakadismaya na hindi ko siya nakita. Pero siyempre pinalakas ko ang loob ko dahil sigurado naman akong makikita ko siya mamayang gabi sa performance at talagang gagalingan ko.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon