SpLaSh: 01

4.5K 135 6
                                    

LUKE’S POINT OF VIEW:

        “Inaantok ka pa?” ang tanong sa akin ni Arwin ng mapansin niya akong naghikab. Nasa sa sasakyan kami noon nila Chini, susunduin kasi namin sil Mama at Papa sa airport? Bakit namin susunduin? Malamang uuwi na sila ha-ha charot, summer na kasi at bago kasi matapos ang huling linggo ng klase namin ay ipinaalam na nila Mama at Papa na uuwi sila dito sa Pinas sa bakasyon kaya naman heto madaling araw pa lang ay nasa biyahe na kami para sunduin sila.

        Kasama rin namin sa biyahe sila Mommy Lucy, Kris, Francis, Von, Sarah, at Chini. Mukhang kulang ang barkada no? Two days before ang pagsundo namin kila Mama at Papa na ito ay siya namang alis nila Russel at Clarence papuntang London, balita nga namin ay nagkakamabutihan ang dalawa don. Si Eunice naman ay nagkataong may lakad din sa araw na ito kaya hindi na siya nakasama pa.

        “Mukang inaantok ka pa nga ni hindi ka man lang sumagot sa tanong ko.” ang sabi ni Arwin sa akin at tinapik niya ang balikat niya upang sabihin sa akin na sa balikat ko isandal ang ulo niya, eh aarte pa ba ako siyempre go na, antok na antok pa kasi talaga ako.

        “Mukang hindi talaga sanay na gumising si Luke ng maaga ah.” ang sabi ni Tito na papa ni Chini.

        “Naku tama po kayo Tito, siguro kung hindi ako natulog sa kanila, naku tiyak tanghali na bago tayo makabiyahe.” ang sabi ng kapreng hilaw kaya naman isang kurot sa tagiliran ang ginawa ko sa kanya.

        “Aray Drip ah.” ang sabi ng kapre.

        “Pano naman kasi tito, pinuyat po ako nitong si Arwin, mantakin niyo po gawin daw ba akong baby sitter hindi daw siya matutulog hanggang di ko siya kinankantahan.” ang sabi ko naman.

        “Ay sus baka ibang pinagpuyatan niyo girl ha.” ang biglang sabad Francis at nagtawanan silang lahat.

        “Oy grabe hindi kaya.” ang sabi ko.

        “Uy defensive siya.” ang gatong ni Kris at nagtawanan ulit sila hanggang sa nawala na ang antok ko.

        “Mga pasaway kayo pinagtutulungan niyo ko magkano ba ang ibinayad sa inyo nitong si Drop?” ang tanong ko sa kanila dahil pakiramdam ko ay ako ang pinagtitripan nila.

        “Char lang girl masiyado ka naman kasing defensive ha-ha.” ang sabi ni Francis.

        Ilang sandali pa ay muling tumahimik sa loob ng sasakyan at muli akong nakaramdam ng antok, napansin ko na tulog na rin ang mga hyper kaninang sila Kris at Francis. Naphikab na naman ako dahil sa antok, napansin muli ni Arwin ang paghikab ko at niyakap niya ako at isinandal namin sa isa’t isa ang ulo namin.

        Gusto ko mang matulog ng tuluyan ay hindi ko naman magawa, para bang dahil sa excitement ko na makita ulit sila Mama at Papa ay nawawala ang antok ko pero at the same time dahil sa katahimikan sa loob ng sasakyan ay nakakaramdam ako ng antok, ang hirap ng kalagayan ko ‘no? Pero malakas ang kapangyarihan ng antok kaya ending ay nakatulog ako.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon