SpLaSh: 06

2.3K 107 2
                                    

LUKE’S POINT OF VIEW:

        Lumipas ang maghapon namin noong araw na iyon ng masaya. Naglibot libot ulit kami sa mga shops sa loob ng beach resort para tumingin ng mga souvenirs na pwedeng iuwi, may nakita akong isang magandang phone chain na seashell at isang pares lang ang meron kaya noong makita ko iyon ay lumapit ako sa isang sales lady na naroon habang hindi pa nakatingin sa akin si Arwin na busy sa pagtingin sa mga shirts na nandoon kasama si Justine at Von.

        “Ah miss bukas po ba kayo mamayang gabi?” ang tanong ko sa sales lady.

        “Ah opo bukas po kami hanggang als-diyes ng gabi sir.” ang sagot naman sa akin ng sales lady.

        “Ah pwede ko po bang ipa-reserve yung pares ng seashells na phone chain na nakadisplay pa po doon?” ang sabi ko sabay turo sa shelf na pinaglalagyan ng pares ng shells na nakita ko.

        “Sandali lang po sir.” ang sabi ng sales lady at iniwan ako at pinuntahan ang shelf na itinuro ko.

        “Heto po ba sir?’ ang tanong ng sales lady at ipinakita sa akin ang sea shells.

        “Opo yan nga po ate.” ang sabi ko naman.

        “Sige po sir, ire-reserve ko na po ito para sa inyo, pwede po bang malaman yung name niyo sir?” ang sabi ng sales lady.

        “Ah Luke David po ang pangalan ko, pinsan po ako ni Justine.” ang sabi ko sabay turo kay Justine.

        “Ah isa po pala kayo sa guest ni sir, sige po ipapareserve ko na po ito agad.” ang sabi ng sales lady.

        “Ate if nag gi-gift wrap po kayo pwede po ba na pakibalot po siya sa plain blue or green na gift wrapper.” ang sabi ko.

        “Sige po sir ako na pong bahala dito, iingatan at ibabalot ko po ito ng maganda.” ang sabi ni ateng sales lady at nakangiti.

        “Salamat ate.” ang sabi ko sabay ngiti din kay ate.

        Iniwan ko na si ateng sales lady at nakigulo kila Francis at Kris na ang tinitignan ay yung mga swimsuit mukang gusto pa ata mag two piece ng mga pasaway. Tinanaw ko sila Arwin at busy pa din sila sa pagtingin ng mga shirts habang sila Sarah, Eunice at Chini naman ay nagsusukat ng mga sumbrero na pang beach. In fairness ang daming magagandang souvenir ang mabibili sa shop na iyon kaya naaliw din kami kakatingin.

        Nang mapagod kami sa kakatingin ay lumabas na kami ng store na iyon at pumunta naman kami sa isang restaurant para kumain, niyaya kami ni Justine sa isang restaurant na naka-locate malapit sa banquet hall. Umakyat kami sa second floor sa may veranda ng restaurant kami humanap ng pwesto at mula doon ay mas kita namin ang mas magandang view ng lugar natatanaw din namin yung ilang isla sa kalayuan.

        “Grabe girl, ang ganda dito.” ang sabi ni Francis habang nakatanaw sa view.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon