KALOY’S POINT OF VIEW:
Nang matapos performance namin ay agad kong hinanap yung grupo ng mga guests kung kasama yung lalaki na iniligtas ko, napansin ko din kasi siya na hindi siya makatingin sa akin habang nanonood pero nung ginawa ko na yung bago kong trick ay napansin ko na nakuha ko din ang atensiyon niya tulad ng ibang guests. Pilit ko siyang hinahanap noon pero hindi ko na siya makita marahil ay kasama na nitong umalis agad ang mga kasama niya pagkatapos na pagkatapos pa lang ng performance. Nanghinayang ako noon dahil pagkakataon ko na sana na makausap siya at malaman kahit ang pangalan niya pero mukang hindi sumang-ayon sa akin ang pagkakataon, pero ayos lang masaya naman ako na nakita ko na natuwa siya sa performance ko.
Nakapagbihis na ako noon at pauwi na ng mapadaan ako sa videoke place ng resort at don ay nakita ko ang mga kasama ng lalaki na iniligtas pero hinahanap ko siya ay hindi ko pa rin siya makita.
“Kaloy!” ang tawag sa akin ng isang lalaki at napatingin naman ako.
“Ah sir bakit po?” ang tanong ko ng makalapit sa akin ang lalaki na pamilyar sa akin.
“Ano ka ba grabe ka naman maka-sir diyan, hindi mo na ba ako nakikilala? Si Justine to.” ang sabi ng lalaki na bigla ko natandaan. Grade five noong makilala ko si Justine at lumipat sila dito sa Palawan pamahalaan itong resort at since hanggang grade six ay naging mabuti ko siyang kaibigan pero after maka-graduate ay sa ibang bansa na ito nanirahan kaya naman halos hindi ko siya nakilala sa laki ng pagbabago niya.
“I-ikaw pala yan.” ang sabi ko.
“Oo ako nga. Oh ano kamusta na ba? Ang galing mo kanina ah.” ang sabi ni Justine.
“Naku salamat, alam mo naman kailangan ko pagbutihan para mas madami tayo maging guests. Eh ikaw kamusta naman ba? Masaya ko na nakauwi ka na dito.” ang sabi ko naman.
“Heto ayos naman, nag-e-enjoy kasama ng relatives ko at mga kaibigan nila na kaibigan ko na din ngayon. Ano gusto mong maki-join sa amin?” ang aya ni Justine sa akin.
“Ay naku hindi na medyo napagod din kasi ako sa show kanina kaya kailangan ko na din umuwi ng bahay para makapagpahinga, siguro sa susunod na lang.” ang sabi ko bilang pagtanggi sa alok ni Justine dahil totoo namang napagod ako noon.
“Ah ganoon ba, sayang naman, para kang yung pinsan ko, hindi din sumama ngayon na mag-videoke dahil sa inantok na dahil sa pagod.” ang sabi ni Justine.
“Pinsan mo? Sinong pinsan?” ang usisa ko.
“Yung maliit pero cute na lalaki na kasama namin kanina, isa siya sa nakaupo sa harap na nanood ng show, hindi mo ba napansin?” ang sabi ni Justine. Bigla ako nakaramdam ng saya nang malaman ko na pinsan ni Justine yung lalaki kaya naman naisip ko na mas makikilala ko ito dahil magkaibigan lang kami ni Justine.
“Ah pinsan mo pala siya.” ang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...