SpLaSh: 15

1.9K 102 0
                                    

ARWIN’S POINT OF VIEW:

        Nagising ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Luke, hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa mukhang hindi pa din kami pala talaga maayos ni Luke. Namimiss ko na ang mga paghampas at pananampal sa akin ni Luke, namimiss ko na yakapin siya at halikan siya, at namimiss ko na ang makasama siya na masaya kami, oo magkasama kami pero hindi kami masaya, magkasama nga kami pero parang wala din.

        Bumangon ako at lumabas ako ng kwarto, nakita ko ang lahat na nandoon sa sala na nagkukumpulan sa tapat ng laptop pero napansin ko na may kulang, wala ang duwende, wala si Luke.

        “Gising ka na pala Arwin.” ang bungad na bati sa akin ni Von.

        “Ah oo, good morning sa inyo.” ang sabi ko naman.

        “Good morning din sayo Arwin, Mabuti pa ay maghilamos ka na para makapag almusal ka na.” ang sabi ni Eunice sa akin.

        “Huh? Bakit? Tapos na ba kayo kumain ng almusal?” ang tanong ko.

        “Ah oo maaga kaming nag-almusal lahat, dapat gigisingin ka na namin pero...” ang sabi ni Chini na biglang tinakpan ni Sarah ang bibig niya.

        “Ah naisip kasi namin na baka napagod ka sa pagpasan kagabi kay Luke kaya naman hindi ka na namin ginising.” ang sabi ni Sarah.

        “Truelagen! Kaya naman naisipan na lang namin Papa Arwin na ipagdala ka ng lafangs ditey.” ang sabi ni Francis.

        “Itey yung lafangs mo Papa Arwin, kami na ni Francis ang nagtabi dahil kung si Chini ang nagtabi nito ay naku for sure plato na lang ang aabutan mo ngayon.” ang sabi ni Kris.

        “Naku maraming salamat sa pag-aalala niyo, teka bakit parang kulang kayo?” ang tanong ko sa kanila na ang tinutukoy ko na kulang sa kanila ay ang duwendeng si Luke.

        “Ah si Luke ba? Kasama sila Tita gusto daw niya munang makipag bonding sa kanila eh.” ang sabi ni Von sa akin.

        “Alam mo mabuti pa maghilamos ka na Arwin para makakain ka na.” ang sabi ni Eunice at tumango ako. Naghilamos ako agad at nagmumog nang matapos ay sa halip na makiupo sa kanila ay diniretso ko tunguhin ang pinto ng cabin, pero bago pa man ako makarating sa pinto ay hinarang na ito nila Kris at Francis at pinigilan naman ako ni Von.

        “Hopia, mani, popcorn! Ice tubig, Yelo water! San ka pupunta Papa Arwin?” ang tanong ni Francis.

        “Oo nga san ka gogora di ba dapat kumain ka muna ng almusal mo?” ang sabi ni Kris.

        “Pupuntahan ko lang si Drip.” ang sabi ko sa kanila.

        “Kung gusto mo talagang mapuntahan si Luke ay dapat kumain ka muna. Ano sasayangin mo na lang ang effort namin na ipagtabi ka ng breakfast?” ang sabi ni Von.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon