LUKE’S POINT OF VIEW:
Nang magpasiya na magpahinga na ay sabay-sabay na kaming umalis ng covered court, nagpasalamat din ako kay Kaloy na siyang nakalaro nila Arwin at siyang nagpanalo kila Papa. Pero hindi ko pa din siya kayang kausapin ng matagal kaya naman pagkatapos namin magpalitan ng simpleng usapan ay tumabi na ako kay Arwin at hinawakan naman agad ni Arwin ang kamay ko, at masaya kaming naglakad habang pinupunaspunasan ko pa din ang mukha niya.
Pagdating namin ng cabin ay pinagpahinga muna namin sila Arwin bago sila paliguin dahil alam naming pagod pa sila, pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni Arwin para ihanda ko yung damit niya na susuotin niya pagkatapos niyang maligo.
Nang matapos ko na igayak ang mga susuotin ni Arwin ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko sila na kumakain ng mga natirang pagkain kanina, siyempre papahuli ba naman ba ako siyempre hindi. Naupo ako sa tabi ni Arwin sabay kuha ng isang sandwich.
Inilabas nila Sarah yung laptop at makikipag-video chat ulit kami kila Russel at Clarence. Ilang sandali pa ay naayos na namin ang connection ng internet, at agad na nag-log in sa Skype, after a few minutes ay nakita na namin ulit sila Russel at Clarence.
“Hello!!!” ang sabay sabay naming bati with matching kaway pa at todo ngiti yung dalawa noong makita nila kami.
‘Uy daya gawa ba yan nila tita?” ang tanong ni Russel ng makita niya na kumakain kami ng sandwich.
“Oo, gusto niyo?” ang tanong ni Chini sabay alok ng kinakain niya.
“Grabe tong baboy na to mag-aalok ka na lang may kagat mo pa.” ang sabi ni Clarence at nagtawanan kami.
“Umuwi na kasi kayo para makakain na kayo.” ang sabi ko.
“Oh sige girl wait niyo kami diyan gagawa kami ng balsa at magsasagwan papunta diyan.” ang sabi ni Clarence at tawanan na naman kami.
“Eh kamusta naman kayo diyan?” ang tanong ni Russel.
“Heto kakatapos lang maglaro ng basketball, ang nakalaro namin ay yung pinsan nitong si Drip tapos kalaban namin ay si Papa at Tito Henry.” ang sagot ni Arwin sabay kagat sa sandwich na hawak niya.
“Woah, ang daya talaga dami na namin namimiss masiyado ah.” ang sabi ni Russel.
“Okay lang yun talo naman sila, magaling kasi sila Papa at yung nakakampi nila Papa.’ ang sabi ko.
“Ha-ha akala ko naman ay nanalo kayo kung makakuwento ka naman Arwin.” ang sabi ni Russel.
“Wooh inggit ka lang ha-ha. Heto namang si Drip sinabi pa yon.” ang sabi ni Arwin sabay halik sa akin at sinampal ko naman siya ng patapik.
“Ang sweet pa din ninyong dalawa ha.” ang sabi ni Clarence.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...