LUKE’S POINT OF VIEW:
Kinagabihan ay tumila ang ulan ngunit malakas at malalaki pa din ang alon ng dagat, naisipan kong maglakad-lakad muna dahil gumugulo sa isip ko ang mga sinabi sa akin nila Francis kanina, lalo na yung sinabi ni Eunice. Marahil ay masiyado nga akong nagpapadala sa mga bagay na iniisip ko, hanggang sa mapabuntong hininga na lamang ako.
Naupo ako sa buhanginan at tinignan ang kalangitan na wala akong makita ni isang bituin at kahit na ang buwan, ramdam ko din ang malakas at malamig na ihip ng hangin.
“Pwede bang maupo sa tabi mo?” ang tanong ni Kaloy na sumunod pala sa akin.
“Sige ayos lang.” ang sabi ko at naupo naman siya.
“Bakit nag-iisa ka na naman?” ang tanong ni Kaloy.
“Ah wala naman, gusto ko lang makapag-isip.” ang sabi ko naman na nakatingin pa din sa langit.
“Ah Luke...” ang sabi ni Kaloy at napatingin ako sa kanya.
“Ano yon Kaloy?” ang tanong ko sa kanya.
“Ah Luke ang totoo kasi ay...” ang sabi ni Kaloy na tila nahihiya at nag-aalinlangan pa sa sasabihin nito sa akin.
“May gusto ka bang sabihin Kaloy?” ang tanong ko sa kanya at napatingin ako sa kanya.
“Luke, maaari mo ba kong hayaan na mahalin ka? Maaari mo ba akong papasukin sa puso mo?” ang tanong sa akin ni Kaloy at nagkatinginan kami ni Kaloy.
“Kaloy...” ang tangi kong naging sabi.
“Luke, kung hahayaan mo lang ako ay pinapangako ko na mamahalin kita ng tapat, alam ko nabigla ka dahil hindi pa naman talaga tayo ganoon katagal na magkakilala pero alam ko na mahal kita Luke dahil iyon ang nararamdaman ko.” ang sabi ni Kaloy sa akin.
“Kaloy pasensiya na pero hindi ko magagawa na pagbigyan ka sa hiling mo.” ang sabi ko at hinawakan ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Arwin at tumingin ako sa kalangitan.
“Bakit Luke? Dahil ba kay Arwin?” ang tanong ni Kaloy.
“Oo Kaloy dahil kay Arwin, dahil mahal ko pa din siya, siguro nga magulo ang relasyon namin ngayon pero hindi ibig sabihn nito ay sumusuko na ako sa amin, hindi ibig sabihin na dapat ko nang tapusin ang lahat sa amin. May pangako kaming dalawa sa isa’t isa at naniniwala ako na hindi din nakakalimutan ni Arwin iyon.” ang sabi ko habang nakangiti ako dahil iniisip ko si Arwin habang sinasabi ko iyon.
“Kung ganon, umaasa ka pa din na magkakaayos kayo ni Arwin?” ang sabi ni Kaloy at nakangiti akong tumingin sa kanya.
“HIndi Kaloy, hindi ako umaasa, naniniwala ako na magkakaayos kami. Napag-isip ko na hindi naman talaga kasi si Arwin ang may problema, ako, masiyado akong naging mapaghinala at seloso nitong mga nagdaang araw, masiyado ako nagpadala sa iniisip ko at hindi ko na siya naunawaan, hindi ko napansin na ako pala ang nagbago at hindi siya.” ang sabi ko kay Kaloy at tumingi ulit ako sa langit.

BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...