LUKE’S POINT OF VIEW:
Kinabukasan ay tuluyan na ngang bumuti ang panahon, pagsikat pa lang ng araw ay natanaw na namin ang ilang mga bangka na papalapit sa isalng kinaroroonan namin. Sakay ng isa sa mga bangka ang mga parents namin, agad kaming nagsitakbo sa dagat, magkahawak kami ni Arwin na lumusong sa dagat at sumigaw kaming lahat at kumaway. Nang makalapit sa amin ang mga bangka ay mabilis na lumapit sa amin ang mga parents namin at niyakap kaming lahat.
Nang makabalik kami sa resort ay halos para kaming mga naubusan ng lakas kaya naman lahat kami ay dumiretso sa cabin namin at nagpahinga, pumasok kami sa kwarto namin at agad na nahiga sa kama.
“Namiss ko na kayakap ang mahal ko.” ang sabi ni Arwin at niyakap niya ako at pinaunan niya ang braso niya sa akin.
“Namiss ko din ang lambingan nating ito.” ang sabi ko at marahan niyang hinalikan ang aking labi, naging matamis at mahinahon ang aming halikan,nagdulot ito ng kakaibang saya, tila pinawi ng mga halikang ito ang lahat ng oras na nawala sa amin, ang mga panahon na pinaghiwalay kami ng hindi pagkakaintindihan ay nawala ng parang bula.
“Mahal na mahal kita Drip, mahal na mahal!” ang sabi ni Arwin habang nakatingin ito sa mga mata ko at nakangiti.
“Mahal na mahal din kita Drop, mahal na mahal, pangako na hindi na ko mag-iisip ng di maganda, pangako na pakikinggan na kita, maniniwala at magtitiwala ako sayo dahil ikaw ang mahal ko at dahil mahal mo ko.” ang sabi ko at hinalikan ko siya at humigpit pa ang mga yakap namin sa isa’t isa.
Magkayakap kaming nakatulog noon, magkayakap na natulog tulad ng dati. Sa sobrang pagod ko ay mahimbing ang aking naging tulog. Hapon na nang magising ako pero noong magising ako wala na si Arwin sa tabi ko, nakaramdam ako ng lungkot, maaari kayang panaginip lamang ang nangyari? Tahimik ang buong cabin, malamang panaginip nga lang ang lahat at bumalik ako sa kwarto namin at naupo sa kama, nang biglang pumasok sila Kris, Francis, Sarah, at Eunice na nagmamadali.
“Teka lang anong ginagawa niyo dito.” ang tanong ko sa kanila.
“Nandito kami para sa iyong major make-over.” ang sabi ni Sarah.
“Huh? At para saan naman?” ang tanong ko sa kanila.
“Basta sumunod ka na lang para hindi ka masaktan girl.” ang pabirong sabi ni Francis.
“Pero siyempre maligo ka muna bago iyon.” ang sabi ni Kris at mabilis niya akong hinila papunta ng banyo at wala naman akong nagawa, binantayan din niya ako kaya di na din ako makalabas.
“Pagkatapos mo diyan girl ay magpunas ka ng mabuti, nakikita mo ba yung naka-hang na damit diyan? Isuot mo yan ha.” ang sabi ni Kris habang nakabantay sa pinto.
“Ano ba kasing meron?” ang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...