Special SpLaSh

2K 109 4
                                    

Special SpLaSh

LUKE’S POINT OF VIEW:

        Pagkalipas ng limang araw nang matapos ang anniversary namin ay umuwi na kami, dahil kailangan na din nila Mama at Papa na bumalik sa Canada. Masayang masaya akong umuwi dahil sa napakagandang blue and green checkered shirt na binigay sa akin ni Arwin, tapos may teddy bear pa, at yung bola na strawberry na muntik ko ng ikalunod na ibinigay naman sa akin ni Kaloy but bukod doon alam niyo ba kung alin pa ang mas masaya? Kasama namin na umuwi sila Justine, Kaloy, at Orly.

        Yup kasama namin sila, naisipan kasi nila Mama at Papa katulong na din ang parents ni Justine na  kinausap nila Mama at Papa na maging sponsored nila Kaloy at Orly para makapagpatuloy sa pag-aaral. Si Justine naman ay dito na din sa Pinas mag-aaral dahil gusto daw niya na mas makasama pa kaming lahat. Kaya naman ang ending ay naging magkaka schoolmate na kami, di ba ang saya? After naming maihatid sila Mama at Papa sa airport ay inasikaso naman namin ang lahat ng kailangan sa pag-eenrol nila Justine, Kaloy at Orly sa university na pinapasukan namin nila Arwin.

        Ilang araw na natili sila Justine, Kaloy at Orly sa bahay pero after nun ay nabili na nila Justine yung bahay na dating tinitirhan ni Nicco, kaya naman nagtulong tulong kami sa pag-aayos nito dahil suportado naman si Justine nila Tita at Tito ay di naging problema ang mga pambili ng kailangan sa bahay, nirentahan pa nga namin yung jeep ni manong na suki namin. Bukod doon ay nakilala na din namin ang anak niyang si Sunny pati ang partner nitong super bait na Korean na si Siwon, nag-offer pa nga ito ng ilang gamit bilamng tulong. Nalaman din namin na si kuya Siwon din ang may-ari nung restaurant na kinainan namin nila Chini na Korean Restaurant.

        Hanggang sa pag-aayos ay tinulungan kami nila manong, Kuya Sunny, at kuya Siwon kaya naman parang ang laki bigla ng samahan namin, masaya kaming nag-ayos na parang mga naglalaro sa bagong bahay nila Justine.

        Bago magpasukan ay nagkaroon ng house blessing ang bagong bahay nila Justine, siyempre kumpleto ang barkada, oo kumpleto kasi naka-Skype kami noon kaya parang kasama na din namin sila Russel at Clarence, imbitado din siyempre sila manong, Kuya Sunny, at Kuya Siwon na nag-sponsor ng ilang handa, nagpadala din ng pagkain yung Japanese restaurant na pagmamay-ari ng pumanaw na partner ni Kuya Sunny na si Kuya Yamato, simula kasi daw ng pumanaw si Kuya Yamato ay naging mabuti sa kanya yung Papa nito at itinuring siyang anak, teka masiyado na akong nagiging tsimoso ha-ha. Kasama din namin si Mommy Lucy na siyang nagluto pa ng ibang putahe na inihanda, si tito Henry, pati yung mga kaibigan ni John na naging ka-close na nila Francis at Kris.

        Kami ni Arwin? Ayun madalas pa ding naghaharutan, kung magkatampuhan man ay hindi na grabe at pilit naming inaayos, Naging masaya kaming lahat, we are like a one big happy family, nadadalas na din ang pagkikita naming lahat simula noong doon tumira sila Justine dahil ang hilig ni Justine mag-aya ng bonding.

        If life can give me a chance to change a thing in my life to make it perfect, I will not change a thing, duh boring kaya ang buhay pag sobrang perfect, sa mga down moments tayo kasi natututo at sa mga moments naman masaya tayo doon natin nagagamit yung mga natutunan natin, and that’s the way of life so with the love as well. Kaya kung malungkot ka ngayon tiwala lang magiging masaya ka pa din basta pakatatag ka lang at kung loveless ka ay i-enjoy lang ang buhay dahil marami tong surpresa para lang sa atin.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon