Splashing Thank You!

2.7K 96 25
                                    

DEAR READERS,

        Maraming maraming salamat sa pagbasa hanggang sa wakas nitong ikatlong libro ng kwento nila Luke at Arwin at ng iba pang mga tauhan sa kwentong ito, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo, at nawa’y nagustuhan niyo ito at nagbigay ng saya, inspirasyon, o ngiti sa inyong mga labi.

        Maraming salamat din sa mga pumuri sa akin at sa aking mga likha pero ang tunay na papuri ay mas nararapat sa inyo na bumabasa dahil ang isang kwento ay nagiging kwento lamang dahil binasa niyo ito, nagkakaroon lamang ito ng kabuluhan dahil sa inyo, at nabubuhay ang mga tauhan sa kwento dahil sa inyo. Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa inyo.

        Muli ay maraming maraming salamat sa inyo!

        Sana ay hindi kayo magsawa sa pagbasa ng mga kwentong likha ko at maging ng iba pang manunulat. Salamat.

Sincerely Yours,

Adamant

P.S. Ang bawat kwento o libro ng Rain.Boys ay may sinasalamin na mahahalagang bagay sa buhay natin o sa buhay pag-ibig: Rain.Boys (Love is sacrificial and unconditional), Rain.Boys II (Love is happiness and the thing that makes this life wonderful), Rain.Boys: Sunny Love Story (Life is too short, never get tired of loving) & Rain.Boys III (Love is trusting, believing and faith).

MARAMING SALAMAT READERS!

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon