SpLaSh: 19

1.9K 95 1
                                    

LUKE’S POINT OF VIEW:

        Hindi ko maiwasang hindi mainis kay Arwin noong napanalunan niya yung teddy bear sa peryaan, eh kasi naman yung hilaw na kapre ay kay Justine ibingay sa halip na sa akin, eh ano bang pakiaalam ko isaksak nila sa puso, baga, lalamunan, atay, sikmura, at balunbalunan nila yung teddy bear na iyon, grrr, sana hindi ko na lang hiniling na sana si Arwin ang makakuha ng teddy bear na iyon. Pero ang totoo hindi naman yung teddy bear ang dahilan eh, pakiramdam ko ay nabalewala ako noong oras na iyon, pakiramdam ko ay talagang wala ng pakialam sa akin si Arwin.

        Noong makauwi na kami ay agad ko ng ginawa ang mga rituals ko sa gabi, kahit maglupasay siya sa harapan ko hinding hindi ko siya kakausapin at papansinin bahala siya sa buhay niya. Nang matapos ako sa mga rituals ko sa gabi ay agad akong pumasok sa kwarto namin naglagay ako ng division na unan sa pagitan namin at tiyaka ako humarap sa wall at nang marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ay nagtulugtulugan ako, natulog kaming dalawa na magkatalikod noong gabing iyon at natulog ako ng inis na inis kay Arwin.

        Kinabukasan ay naramdaman kong maagang nagising si Arwin, bumangon ito at agad na lumabas ng kwarto, naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na ito bumalik at mukhang wala ng balak pang bumalik kaya naman nagdesisyon na akong bumangon na din.

        “Nakakainis ka talagang hilaw na kapre ka.” ang sabi ko at napansin ko na pumihit ang doorknob kaya agad akong nahiga ulit at nagtulugtulugan. Naramdaman ko na pumasok si Arwin ulit at naupo sa kama, hinihintay ko ang mga susunod na mangyayari pero naramdaman ko na tumayo ito at lumabas ulit. Nang marinig ko na sumara na yung pinto ay mabilis akong dumilat at bumangon.

        Lumabas ako sa kwarto na halos salubong ang kilay nakita ko sila ni Justine na naghaharutan kasama ang iba pa sa sala, hindi ko sila pinansin at diretso lang ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko pagkatapos ko ay diretso labas na ako.

        Naglakad lakad ako sa tabing dagat at naisipan ko na pumunta sa hide out ni Kaloy, nagbabaka sakali ako na mapayapa ako kung doon ako pupunta, sinisipa ko ng malakas ang buhanginan habang naglalakad ako hanggang sa mapuwing ako, aray ko naman ay pesteng umaga to.

        “Magandang umaga Luke.” ang bati ng isang lalaki mula sa likuran ko habang ako ay nagkukusot ng mata dahil sa pagkapuwing.

        “Walang maganda sa umaga!!!! Wala!!!” ang sigaw ko pero ng dumilat ako makita ko na si Kaloy pala yung bumati sa akin ay di ko napigilang mahiya.

        “Pa-pasensiya na Kaloy.” ang sabi ko at tatakbo na sana ako pabalik sa cabin ng hawakan niya ako sa kamay ko para pigilan at dahil doon ay napahinto ako.

        “Ayos lang Luke, naintindihan ko kung masama ang pakiramdam mo o wala ka sa mood, lahat naman ng tao ay nararanasan yan.” ang sabi ni Kaloy sabay ngiti sa akin.

        “Pasensiya ka na talaga.” ang sabi ko ulit bilang paghingi ng pasensiya sa kanya.

        “Ano ka ba ayos lang yon, wag ka mag-alala naiintindihan ko.” ang sabi ni Kaloy.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon