LUKE’S POINT OF VIEW:
Nagising ako kinabukasan na medyo masakit ang ulo ko, nabigla pa ako ng makita ko na kayakap ko si Arwin. Wala akong maalala sa mga nangyari kagabi, hindi ko din alam kung paano ako nakapunta dito sa kwarto. Maingat at tahimik akong bumangon, dahan dahan at tahimik akong lumabas ng kwarto namin, pag labas ko ng kwarto ay siya ding paglabas ni Kris sa kwarto nila.
“Good morning girl!” ang bungad na pagbati sa akin ni Kris.
“Good morning din.” ang sabi ko sa kanya at ngumiti ako.
“Kamusta naman pakiramdam mo? Wala ka bang hangover?” ang tanong agad sa akin ni Kris habang sabay kami na naglalakad papunta sa banyo ng cabin para gawin ang morning rituals namin.
“Medyo masakit ang ulo ko pero kaya pa naman.” ang sabi ko.
“Ayan kasi, gawin daw ba kasing juice ang alak.” ang sabi ni Kris na siyang unang nakapasok sa banyo at sabay tapat sa sink.
“Kung ganon nalasing ako kagabi?” ang tanong ko.
“Korekek ka diyan girl, ang hirap mo kayang alalayan.” ang sabi ni Kris sabay bukas ng gripo at sinahod ang kamay niya at binasa ang mukha niya.
“Ibig sabihin kayo ang naghatid sa akin dito?” ang tanong ko.
“Ay wit girl, tinawagan namin si Papa Arwin para sunduin ka at parang si the Flash na dumating si Papa Arwin kagabi para sayo.” ang sabi ni Kris. Hindi ko alam ang sasabihin ko noong nalaman ko yun at ilang sandali pa ay parang bigla kong naalala na para ngang naramdaman ko na may nagpasan sa akin kagabi at naalala ko ang mukha ni Arwin na nakita ko bago ako makatulog.
“Oh girl natulala ka na diyan?” ang tanong sa akin ni Kris.
“Ah wala naman.” ang sagot ko habang naghihilamos.
“Asus kinilig ka no? Kung ako naman kasi sayo kakausapin ko na si Papa Arwin para magkaayos kayo, alam niyo walang maitutulong ang pataasan ng pride niyo.” ang sabi ni Kris habang nagsasabon na ng mukha.
Sabay kaming lumabas ni Kris ng banyo nang pareho kaming matapos sa morning rituals namin ay naupo na kami sa sala para magkwentuhan pa. Ilang sandali pa ay nagising na din ang iba naming kasama at nang matapos na sila sa morning rituals nila ay nakiupo na din sila sa amin sa may sala.
“Oh bakit wala pa si Arwin? Dapat gisingin na natin siya para naman magkasabay sabay na tayo na kumain ng almusal.” ang sabi ni Von.
“Wag na Von, hayaan na muna natin siyang magpahinga napagod yon kagabi dahil sa pagpasan niya sa akin. Hayaan natin siyang makapagpahinga ng mabuti.” ang sabi ko at napansin ko na nagngitian silang lahat.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...