SpLaSh: 12

1.7K 113 2
                                    

ARWIN’S POINT OF VIEW:

        Masaya kaming nagkukulitan noon sa sala ng cabin habang kausap namin sila Russel at Clarence nang biglang dumating si Justine para hingin ang tulong ko. Nagpaalam si Justine kay Luke noon bilang paghingi ng permiso sa akin at pumayag naman si Luke. Dahil pumayag naman si Luke ay di na ako tumanggi pa at sumama na ako palabas kay Justine.

        “Ano ba yung ihihingi mo ng tulong?” ang tanong ko kay Justine habang naglalakad na kami palayo ng cabin.

        “Ah, yung sa mga pailaw at dekorasyon na ikakabait ko sa mga halaman at puno garden.” ang sagot naman niya.

        “Ah ayun ba sige, sige tutulungan kita.” ang sabi ko naman.

        Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa garden ng resort kung saan nagkakabit ng mga ilaw si Justine. Pagdating doon ay nag-umpisa na kaming magkabit ng mga dekorasyon at pailaw, nakakalimang puno na kami na nakakabitan ng pailaw at dekorasyon noon, may kababaan ang mga puno doon pero kailangan pa din akyatin. Sa ikaanim na puno ay si Justine ang umakyat habang ako naman ang mag-aabot sa kanya ng dekorasyon at pailaw na ilalagay niya.

        “Okay Arwin paabot na sa akin ng lights.” ang sabi ni Justine ng makaakyat na ito.

        Iniabot ko ang lights at kinuha niya naman ito agad, medyo gumalaw pa sa kinatatayuan niya si Justine at pilit na inaabot ang isang parte sa puno para mailagay ang pailaw pero ng biglang ma-out of balance si Justine at bumagsak sa akin, sa di sinasadya dahil sa pagbagsak na iyon ay pumaibabaw sa akin si Justine at nagtama ang mga labi. Nagulat na lamang ako ng mabanggit ni Justine ang pangalan ni Luke at halatang gulat siya sa nakita. Oh great patay ako nito. Bago pa kami makatayo ni Justine ay mabilis na tumakbo palayo si Luke at siyempre ako naman ay mabilis din na iniwan si Justine para habulin ang duwende para makapagpaliwanag.

        Nililingon ko siya habang tumatakbo ako sa buong resort baka sakali na makita ko siya pero hindi ko siya makita, kaya sinubukan ko na bumalik sa cabin namin. Patakbo akong pumunta ng cabin pero bago ko pa marating ang cabin ay nakita ko si Kaloy na nakalaro namin na papunta sa parte ng resort na di ko pa nasusubukang i-check kaya naman biglang pumasok sa isip ko na marahil ay makita ko dun si Luke, dahil kung ako siya ay doon ako pupunta sa hindi ko iisipin na pupuntahan niya.

        Hinayaan ko munang makalayo si Kaloy bago ko siya sinundan. Mga ilang minuto din ako naglakad napansin ko na parang tagong paraiso sa resort ang part na iyon kasi wala na kong matanaw na cabin kundi puro puno at halaman at mula sa posisyon ko ay natanaw ko na si Kaloy at nakaramdam agad ako ng selos noong makita ko na katabi ito ni Luke kaya minabuti ko na bilisan ang paglapit. Nang makalapit ako ay tila hindi nila ako napansin hanggang sa nadinig ko na nahalikan ni Luke si Kaloy, oo alam ko hindi sinasadya ni Luke iyon pero dahil sa selos ko ay di ko napigilan ang sarili ko at nasapak ko si Kaloy.

        Ang sumunod na eksena ay nauwi sa pagtatalo namin ni Luke, nangingilid na ang luha ni Luke pero dahil sa inis niya sa akin ay napipigilan niya itong pumatak. Pareho kaming inis sa mga oras na iyon kaya hindi namin maiwasan na magtaas ng boses sa bawat isa, hanggang sa matahimik na lang ako sa mga huling sinabi ni Luke. Hinila niya si Kaloy palayo at iniwan ako doon, hindi ko naiwasang maluha habang nakikita ko sila na naglalakad palayo sa akin habang hawak ni Luke ang kamay ni Kaloy. Naiinis ako sa sarili ko noon, naasar ako sa sarili ko.

        Para akong nawalan ng lakas noong hindi ko na matanaw sila Luke at Kaloy, napaluhod ako sa buhanginan hanggang sa mapaupo na ako. Idinukdok ko ang mukha ko sa mga braso ko na ipinatong ko sa mga tuhod ko at hindi ko ng mapigilan ang maiyak. Ano ba itong nangyayari sa amin, we supposed to enjoy this summer together pero bakit ganito, hindi ganito ang gusto kong mangyari para sa unang summer namin.

        Matagal din ang inilagi ko sa lugar na yon, iniisip ko kung paano ko kakausapin si Luke para ayusin ang lahat, hindi ko tinatanggap ang mga huling sinabi niya sa akin at kahit kailan ay hindi ko ito matatanggap. Tumayo ako at naglakad ng halos maiyak-iyak pa din habang ang hangin ay tahimik na umiihip. Nang makarating ako sa cabin ay tahimik lamang dito kaya naman naisipan ko na pumasok sa kwarto namin upang i-check kung nandoon si Luke.

        Hindi naman ako nabigo, noong buksan ko ang pinto ng kwarto ay nakita ko na agad si Luke na nakahiga sa kama at nakatakip ang mukha ng unan. Pumasok ako at isinara ko ang pinto at lumapit sa kanya at naupo ako na nakatlikod sa kanya.

        “Drip...” ang sabi ko bilang pagtawag sa kanya pero hindi ito kumkibo.

        “Drip... Kausapin mo naman ako.” ang sabi ko.

        “Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?” ang sabi ni Luke.

        “Madami Drip, ayusin naman natin to Drip. Makinig ka muna sa akin, hayaan mo naman ako magpaliwanag.” ang sabi ko sa kanya.

        “Sige Drop, sige lang magpaliwanag ka.” ang sabi nito pero hindi namin tinitignan ang isa’t isa.

        “Yung nakita mo kanina sa amin ng pinsan mo, hindi iyon tulad ng iniisip mo Drip, nagkataon na bumagsak siya mula sa puna at sa akin siya bumagsak, aksidente lang ang nangyari Drip maniwala ka sa akin.” ang sabi ko.

        “Pasensiya na rin kung nagpadala ako sa emosiyon ko kanina, alam ko na hindi mo din sinasadya na mahalikan si Kaloy, patawadin mo ako Drip kung napagtaasan kita ng boses.” ang sabi ko.

        “Alam mo Drop, napag-isipan ko na masiyado na tayong nagiging mahigpit sa bawat isa, parehas na nating nasasakal ang isa’t isa, lalo na ako sayo, you’re doing so many things to me pero parang all I am doing is maging pabigat lang sayo.” ang sabi ni Luke at humarap ako sa kanya at nakita ko siya na wala ng takip na unan ang mukha niya at nakatitig siya sa akin at halatang umiyak siya.

        “Mag-cool off muna tayo Drop.” ang sabi ni Luke at hindi na namin napigilan ang maiyak.

        “No Drip, hindi naman natin kailangan na humantong sa ganito, Drip please, i-settle natin to.” ang sabi ko sa kanya at niyakap ko siya.

        “No Drop, bigyan na muna natin ng space at time ang mga sarili natin, masiyado na natin ikinukulong ang sarili natin, bigyan natin na magkaroon muna tayo ng freedom.” ang sabi ni Luke.

        “No Drip, ayoko, please don’t tell me this.” ang sabi ko at niyakap niya ako.

        “Ayoko ng saktan ka, ayoko na mapagod ka sa akin.” ang sabi ni Luke at narinig ko ang pag-iyak niya, alam at ramdam ko na ayaw din niya ang mga sinasabi niyang iyon, alam ko na katulad ko ay nasasaktan siya.

        “Let’s just settle this Drip, hindi ako papayag na mag-cool off tayo, hindi ako papayag.” ang sabi ko at niyakap ko lang siya ng mahigpit at ganon din siya sa akin. That day was a day of tears and sadness for both of us, pareho kaming nahihirapan pero hindi ko isusuko si Drip, hindi ako papayag na mabuwag kami. Binalot ng katahimikan ang buong kwarto naming iyon, wala sa amin ang nagsalita at nagtangkang bumasag sa katahimikan, magkayakap pa din kami hanggang sa paglipas ng oras ay pareho na kaming nakatulog sa bisig ng isa’t isa na may luha sa mga mata na may kalungkutang dinadala.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon