ARWIN’S POINT OF VIEW:
Noong hapon na magising kami ay malamig ang naging mga tugon sa akin ni Luke, ni hindi niya ako tinitignan, maging ang dumikit sa akin ay tila iniiwasan niya kaya naman hindi ko maiwasan na malungkot dahil doon. Pakiramdam ko ay hindi pa din niya ako napapatawad sa mga nangyari. Gustong gusto ko na talagang maayos kaming dalawa pero alam ko na ngayon ay hindi ko ito maaayos ng mga simpleng halik at yakap lang dahil ramdam ko na sobra na siyang naguguluhan at ayoko na pag nagpumilit ako na ayusin ay sa halip na maayos ay mas magkalayo kami.
Lumabas kami ng cabin pero ganon pa din walang pansinan at kibuan, nang makalabas kami ay nakita namin si Justine na palapit at nagulat ako ng biglang pumasok ulit sa loob ng cabin si Luke, marahil ay galit o gusto niyang iwasan ang pinsan niya kaya niya ginawa iyon.
“Ah Arwin kamusta na si Insan?” ang tanong sa akin ni Justine.
“Ah sa tingin hindi pa siya okay eh.” ang sabi ko sa kanya.
“Gusto mo, ako na ang kumausap sa kanya? Hayaan mo magpapaliwanag ako sa kanya.” ang sabi ni Justine sa akin na halatang nag-aalala.
“Naku wag muna ngayon, sa tingin ko lalala lang pag ngayon mo siya kinausap, pabayaan muna natin siya, kahit ako nga ay ayaw niya kausapin. Pahupain muna natin ang sumpong niya.” ang sabi ko naman bilang pagpigil kay Justine.
“Pero kasi...” ang sabi ni Justine.
“Huwag kang mag-alala magiging okay din ang lahat. May kasalanan din naman ako kaya wag ka na mag-alala.” ang sabi ko at pilit akong ngumiti sa kanya.
“Sige, sige sabi mo eh.” ang sabi ni Justine.
“Sandali lang nakita mo ba sila Kris?” ang tanong ko sa kanya.
“Ah oo nandoon sila ngayon sa restaurant na pinuntahan natin.” ang sagot naman ni Justine sa akin.
“Ah ganon ba, sige pupuntahan ko na muna sila.” ang sabi ko sa kanya.
“Sige, sige puntahan ko na din muna sila tita na nasa banquet hall.” ang sabi naman ni Justine.
Sabay na kaming umalis ng cabin dahil alam ko na hindi lalabas si Luke hangga’t nandoon kami, gusto ko man na suyuin siya ay natatakot ako na mas mapalala ko pa. Naghiwalay na kami ng daan noong malapit na si Justine sa banquet hall at ako naman ay mag-isang naglakad papunta sa restaurant na kinainan namin.
Nang makarating ako sa restaurant ay agad ko silang hinanap, nang hindi ko sila makita sa first floor ay umakyat ako sa second floor at doon ko sila nakita na nakaupo sa pwesto noong una kaming pumunta doon.
“Oh guys heto na pala si Arwin eh.” ang sabi ni Von ng makita ako na palapit sa kanila.

BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...