LUKE’S POINT OF VIEW:
Lumipas ang maghapon na hindi kami nagkikibuan ni Arwin, sa tuwing papasok siya sa kwarto ay lumalabas ako at sa tuwing lalabas naman ako at kasama namin siya ay hindi din ito nagsasalita tulad ko, tila ba pinapakiramdaman namin ang bawat isa.
Nasa sala kami noon, magkatabi kami ni Armin pero may distansiya pa din sa pagitan namin at hindi namin tinitignan ang bawat isa, siguro nga matatawag tong battle of prides, o ako lang talaga ang ma-pride? Hindi ko alam pakiramdam ko ay ang gulo ng isip ko, kahit na sinabi na sa akin ni Arwin na hindi sadya ang paghalik sa kanya ni Justine na kahit ako din naman ay nagawa kong mahalikan si Kaloy ng di sadya ay pakiramdam ko pa din ay may hindi sinasabi sa akin si Arwin, kaya siguro kahit gusto ko na siya kausapin ay di ko magawa.
“Siya nga pala Luke gusto mong sumama sa amin mamaya?” ang biglang tanong sa akin ni Von pero hindi ako nakasagot sa kanya dahil sa para lang akong natulala.
“Uy Luke? Hello calling Earth to Luke.” ang sabi ni Von at sabay flick ng mga daliri niya sa harapan ng mukha ko.
“Oh ano yun? Bakit?” ang bigla kong sabi.
“Hay naku lutang ka na naman girl.” ang sabi ni Kris.
“Ah bakit, ano nga ba ulit yon?” ang tanong ko.
“Sabi ko, gusto mo bang sumama sa amin mamaya?” ang tanong muli ni Von.
“Ah saan naman?” ang tanong ko sa kanya.
“Mamaya kasi lalabas kami ng resort pupunta kami ng bayan para maglibot, bisperas pala ng fiesta dito eh.” ang sabi ni Von noong una ay akala ko na niyaya din sila ni Kaloy kaya sasagot na sana ako ng oo nang biglang magsalita si Kris at sabihing si Justine pala ang nag-aya sa kanila.
“Pasensiya na guys ah, hindi ako makakasama sa inyo.” ang sabi ko at tinginan sila sa akin maliban kay Arwin.
“Oh bakit naman hindi ka makakasama? Wag mong sabihin na maaga ka matutulog mamaya?” ang sabi ni Chini.
“Hindi naman, nakapangako na kasi ako na may sasamahan ako mamaya sa bisperas ng pista na maglibot sa bayan.” ang sabi ko.
“At sino naman yan girl aber?” ang usisa ni Francis na nagdadalawang isip pa ako na sagutin.
“Si...” ang sabi ko.
“Si Kaloy, sino pa nga ba.” ang sabi ni Arwin sabay tayo at labas ng cabin, natigilan ako ng makita ko ang ginawang iyon ni Arwin, nakaramdam ako ng guilt noong nakita ko siya na tumayo at umalis sa tabi ko.
“Teka lang guys ha, susundan ko lang si Arwin.” ang sabi ni Von at mabilis itong lumabas ng cabin. Gusto ko sanang sundan sila pero bakit nga ba ako magpapaliwanag sa kanya wala akong ginagawang masama, at tama ba na umalis siya ng ganun na lang? Grrr nakakainis ka talaga Arwin.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...