SpLaSh: 13

1.9K 98 0
                                    

LUKE’S POINT OF VIEW:

        Hapon na ng magising ako habang yakap ko si Arwin, pinunasan ko ang mga luha sa mata niya, tulog na tulog pa din siya. Hindi ko pa din makalimutan ang mga nangyari parang sa isang iglap lang ay ang dami agad nabago. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang mahimbing na natutulog, naramdaman ko ang humihigpit na yakap niya sa akin na tila nagsasabing huwag akong aalis sa tabi niya. Siguro nga ay hindi ko din kaya talaga na kahit makipag-cool off lang sa kanya, dahil isipin ko pa lang ay nahihirapan na ako, siguro ay magagawa naman naming ayusin ang lahat ng di nagku-cool off, kung paano ay hindi ko alam.

        Makalipas ang ilang sandali ay nagising na si Arwin at agad na akong bumangon, nagpapakiramdaman kaming dalawa pero alam namin na masmabuti na wag muna ang mag-usap kaya lumabas kami ng kwarto ng walang imikan o kibuan, lumabas kami ng hindi magkahawak ng kamay. Pareho kaming nahihirapan pero kung ayaw namin pareho na mag-cool off ay kailangan namin na pahupain na lamang ang lungkot na pareho naming nararamdaman.

        Lumabas kami ng cabin ng hindi pa din naghahawak ng kamay, nakita ko na padating si Justine kaya naman mabilis akong bumalik sa loob ng cabin hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko. Nanatili ako doon ng ilang minuto nang maramdaman ko na hindi naman sila pumasok ay lumabas na ako agad ng kwarto at nakita ko na wala din sila sa sala kaya naman lumabas na ako ng cabin, paglabas ko ay wala na sila doon. Hindi ko alam kung malulungkot o maiinis ako dahil sa hindi ko na sila nakita doon, pero ako din naman ang nag-inarte di ba? Kaya bakit ako maiinis, tiyaka mabuti na nga iyon kasi di ba yun naman ang gusto ko ang magkaroon kami ng space ni Arwin.

        Nagpunta ako sa tabing dagat at doon ay naupo ako, pinagmasdan ko ang magandang paglubog ng araw ng mag-isa habang dumadampi ang tubig sa mga paa ko sa bawat pag-alon ng dagat. Napakagandang pagmasdan ng paglubog ng araw, kasabay nito ang pagpatak muli ng luha ko. Hay naku Luke sobrang drama mo na naman tama na nga para ka ng tanga.

        Sa paglubog ng araw ay ang pagdilim ng paligid at paglabas ng mga bituin sa kalangitan, naisipan ko na bumalik sana ng cabin at magpahinga na lang hindi din naman kasi ak nakakaramdam ng gutom at wala rin akong gana na kumain pa ng hapunan.

        “Oy girl!” ang dinig kong sigaw ni Kris sa akin at napalingon naman ako sa direksiyon nila at nakita ko sila na patakbo sa akin.

        “Oh bakit?” ang tanong ko sa kanila nang makalapit na silang lahat.

        “Ayain ka sana naming mag girls night out, di ba hindi ka nakasama sa videoke kaya naisip namin na mag girls night out tayo.” ang sabi ni Francis.

        “Seryoso? Girls night out talaga ang term ha.” ang sabi ko sa kanila.

        “Oo naman girl sa mukha pa ba namin ni Francis na to ay magbibiro pa kami? Tiyaka pansin namin na masiyado ka nagpapakalonely girl, haler bakasiyon po pinunta natin dito.” ang sabi ni Kris sa akin at medyo nangiti ako sa sinabi niyang yun.

        “Tama si Kris Luke, dapat magsaya tayo bawal muna ang pagmumukmok.” ang pagsang-ayon ni Sarah.

        “Ano join ka girl ha.” ang sabi ni Francis at tumingin muna ako sa kanila at ngumiti.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon