SpLaSh: 07

2K 105 1
                                    

LUKE’S POINT OF VIEW:

        Nang matapos na ang show ay sabay sabay kaming umalis lahat sa event hall, may ilan ding kaming mga nakakasabay na ibang guests ng resort sa paglalakad na pinag-uusapan ang kakatapos lang na show. Talaga nga namang nakakaaliw na panooring ang mga performance sa palabas na nasaksihan ko din na pumawi kahit paano sa inis ko.

        Tahimik lang ako habang magkahawak kamay kami ni Arwin habang naglalakad. Pasimple kong tinitignan sila Justine at Arwin na magkausap din noong mga oras na iyon, pero hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila dahil parang ang basketball ata ang pinag-uusapan nila kasi may naririnig pa akong pangalan ng mga basketball players ng NBA. Nagtataka ako dahil wala akong makitang shirt na dala dala ang dalawa, siguro naitago na nila bago pa sila bumalik sa event hall at dahil sa ideya na iyon ay mas nairita ako.

        “Oh bakit parang kanina ka pa tahimik Drip diyan?” ang biglang tanong sa akin ni Arwin.

        “Oo nga insan, may problema ba?” ang dagdag na tanong ni Justine.

        “Ah wala naman, nakikinig lang ako sa usapan niyo kaso di ko naman hindi din naman ako makarelate.” ang palusot kong sagot sabay ngiti.

        “Ah iyon ba, pinag-uusapan kasi namin yung NBA, mahilig din pala kasi tong si Justine manood ng basketball.” ang sabi naman ni Arwin, oh ngayon gusto mong i-congratulate ko kayo na pareho kayong mahilig sa basketball?

        “Ah mukhang magandang usapan yan ah.” ang sabi ni Papa na nakikinig pala sa usapan nila Arwin at Justine.

        “Kayo din pala tito mahilig mag basketball?” ang sabing nakangiti ni Justine.

        “Oo naman, nakalaro ko na si Papa at magaling siyang magbasketball.” ang sabi naman ni Arwin.

        “Eh di isaksak niyo sa baga niyo yung bola.” ang sabi kong pabulong.

        “Ano yun Drip?” ang tanong ni Arwin.

        “Ah sabi ko bakit hindi tayo magkaroon ng basketball game bukas para may young and adults bonding tayo di ba?” ang sabi ko sabay ngiti.

        “Ay napakagandang ideya niyan insan, ang galing mo talaga insan.” ang sabi ni Justine sabay gulo sa buhok ko, kailangan talaga ginugulo buhok ko?

        “Galing ng Drip ko mag-isip ah.” ang sabi ni Arwin.

        “Sige call kami diyan kami ng tito Henry mo kampi, two on two tayo.” ang sabi ni Papa.

        “Aba gusto ko yan sige game ako diyan.” ang sabi naman ng papa ni Chini.

        “Ay sayang gusto ko pa naman po sana sumali tito sa game.” ang sabi ni Von.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon