LUKE’S POINT OF VIEW:
Kinabukasan ay nagising ako sa mga halik sa akin ni Arwin, mukhang bumabawi talaga ang mokong kaya naman kahit gising na ako ay nagtulogtulugan pa din ako at sinusulit ko ang halik niya sa noo ko, mga mata ko, noo, pisngi, ilong, baba, at nang hinalikan na niya ako sa labi ko ay niyakap ko na siya ng mahigpit.
“Good morning!” ang bungad kong bati nang nakangiti at dahan dahan akong nakangiti.
“Naks gising na ang prinsesa ko.” ang sabi ni Arwin.
“Eh ang dami ba naman ng kiss ng prince charming ko.” ang sabi ko naman at ngumiti ito at muli akong hinalikan.
Tinulungan akong bumangon ni Arwin at ng pagkabangon ko ay nagulat ako sa nakita ko, may mga iba’t ibang petals ng bulaklak ang nakakasabog sa sahig ng kwarto namin may isang table na nakaayos na at may pagkain na rin.
“Ano na namang pakulo to?” ang tanong ko.
“Hmm sabihin na lang nating bumabawi ako sa mahal ko dahil sa pinasakit ko ang ulo niya kahapon kaya naman naghanda ako ng special breakfast para sa atin.” ang sabi niya sabay ngiti.
“Ikaw talaga hanggang dito sa Palawan may mga pakulo ka pa din.” ang sabi ko na nakangiti.
“Siyempre naman, para sayo kahit nasaan tayo hindi ako mauubusan ng pakulo para sayo.” ang sabi ni Arwin.
“Eh paano yung basketball game niyo? Tiyaka baka magtaka sila na hindi tayo sumabay sa kanila mag-breakfast.” ang sabi ko pero ngumiti lang ito sa akin at niyakap ako.
“Pinakiusapan ko na sila na mamayang hapon na lamang gawin yung game at pumayag naman sila Papa, tapos siyempre sinabi ko din sa kanila na tayong dalawa lang muna ang magbe-breakfast ng sabay ngayong umaga, tiyaka nagpatulong din ako sa kanila sa pagpe-prepare nito.” ang sabi ni Arwin habang nakayakap pa din siya sa akin at hindi ko naiwasan ang kiligin sa ginawa niyang surpresa para sa akin sa umagang iyon.
Lumabas ako sandali ng kwarto namin para gawin ang morning rituals ko tulad ng paghihilamos, napansin ko na wala na ang iba sa cabin marahil ay nasa banquet hall na sila at nag-aalmusal na, kaya naman bumalik ako ng kwarto pagkatapos ko sa morning rituals ko. Pagbukas ko ng kwarto ay bumungad sa akin si Arwin na nakatayo sa tapat ng sa tapat ng glass sliding door ng kwarto naman ng nakangiti at nagsimulang kumanta ng ‘A Thousand Years’ at dahan dahan na lumapit sa akin at isinayaw niya ako.
Habang sumasayaw kami ay patuloy pa din siya sa pagkanta at sinabayan ko siya, napayakap ako sa kanya sa sobrang saya na nararamdaman ko pero patuloy lang siya sa pagkanta at sumayaw pa din kami ng magkayakap.
Pagkatapos naming sumayaw ay inaya na niya ako na kumain, inalalayan niya ako na makaupo na para bang isang tunay na babae at prinsesa ako noong mga sandaling iyon. Nang makaupo ako ay inalis na niya ang mga nakatakip sa breakfast namin at nagulat ako dahil halos puro paborito ko ang nakahain at nangiti siya ng makita niya ang halos abot tenga kong ngiti.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...