SpLaSh: 04

2.2K 111 2
                                    

LUKE’S POINT OF VIEW:

        Kinabukasan ay maaga akong nagising, noong nagising ako ay tulog na tulog pa si Arwin kaya naman bago ako bumangon ay ginawa ko na ang nakagawian kong pagdama sa mukha niya, pero mukhang super tulog pa talaga siya kaya naman marahan at maingat akong bumangon upang maiwasan na magising siya.

        Nang makabangon ako at masiguro na hindi nagising si Arwin ay tahimik din akong lumabas ng kwarto para gawin ang morning rituals ko, mukhang tulog pa din ang mga kasama namin noon kaya naman pagkatapos ko gawin ang morning rituals ko ay naisipan ko na munang lumabas para maglakad lakad sa tabing dagat.

        Malamig pa ang hangin na umiihip dahil sa maaga pa din naman, narerelax ako habang pinakikinggan ko ang alon at nadadama ko yung malamig na tubig dagat na tumatama sa paa ko habang naglalakad ako, sa sobrang pagkalibang ko ay hindi ko na napansin na napalayo na pala ako ng paglalakad ko at nakarating ako sa part ng resort na medyo mapuno na at wala na akong cabin na makita mula dito kaya naisipan ko na bumalik na din baka mamaya ay nagising na yung kapre at hinahanap na ako.

        Naglalakad na ako pabalik ng makakita ako ng isang beach ball na may strawberry design na lumulutang sa dagat, at dahil sa tuwa ko ay naisipan kong kunin iyon, naisip ko din na pwede naming gamitin iyon para makapaglibang mamaya. Kaya naman iniwan ko ang tsinelas ko sa buhanginan at nilusong ko ang dagat, malamig pa ang tubig pero okay lang, pero ang pasaway na beach ball medyo pakipot dahil na din sa alon ay lumalayo ito pero sinundan ko pa din siya tutal ay mababaw lang naman, at nang maabot ko na sana yung beach ball ay bigla na lang akong lumubog, hindi ko na namalayang malalim na pala yung parteng iyon.

        “Tu-tu-tulong!” ang sabi ko habang nalulunod ako, doon ko naalala na liblib na parte ito ng resort at maaga pa kaya tiyak wala pa makakakita sa akin at dahil doon ay mas kinabahan ako at mas nahirapan ako, pakiramdam ko ay hinahatak na ko ng dagat pababa, tinatawag na ba ko ng mga kapwa ko sirena? Ay putek wag po muna hindi pa ko handang magkabuntot ng isda pero wala na akong nagawa, tuluyan na akong lumubog at napipikit na din ang mata ko, madami na din akong nainom na tubig dagat, hanggang sa nagdilim na nga ang paningin ko.

        “Gising!” ang sabi ng boses ng lalaki na nadinig ko.

        “Gumising ka.” ang sabi muli nito habang nakakaramdam ako ng diin sa chest part ko at kasunod noon ay ang pagdampi ng labi sa labi ko na may kasamang pagbuga ng hangin.

        “Gumising ka!” ang sabi nito at kasabay noon ay ang pagbulwak ng tubig dagat na nainom ko, dahan dahan kong iminulat ang mata ko at pakiwari ko ay nakikita ko si Arwin.

        “Salamat!” ang sabi ko sabay halik at yakap, pero ilang sandali pa ng mahimasmasan ako tila nabigla ako dahil iba ang pakiramdam ko, parang hindi si Arwin itong yakap ko, kaya naman dumilat akong muli at nang tignan ko ulit ay hindi nga si Arwin at dahil sa gulat ko ay naitulak ko yung lalaki sabay tayo ako ng mabilis at dinampot ko agad sa buhanginan yung tsinelas ko at mabilis na tumakbo palayo.

        “Nakakahiya ka Luke, ano yung ginawa mo.” ang sabi kong pabulong habang tumatakbo dahil naalala ko yung ginawa kong pagyakap sa lalaki at ang malala ay hinalikan ko siya sa pag-aakalang si Arwin ang sumagip sa akin. Halos mamula ako sa sobrang hiya ko sa sarili, hindi ko na nakuha pang lingunin ang lugar na pinanggalingan ko ang alam ko lang ay diretso takbo ako sa loob ng cabin namin.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon