LUKE’S POINT OF VIEW:
Nagsimula ng mapasigaw sa takot sila Sarah at Eunice, ganon din sila Kris at Francis. Habang ako ay nanatiling kalmado lang kahit na may takot na ding nararamdaman. Hindi na namin mapaabante pa ang bangka dahil sa lakas ng alon at hangin.
“Guys pinapasok ng tubig yung bangka!” ang sabi ni Francis, dahil na din sa pinagsamang malakas na ulan at matataas na alon na humahampas sa bangka ay unti-unti ding nagkakatubig ang bangka na sinasakyan namin.
“Guys madedeads na ba tayo?” ang biglang sabi ni Kris.
“Bakla wag kang ganyan ayoko pa matsugi.” ang sabi naman ni Francis.
“Kumalma lang kayo guys walang mangyayari sa atin, hindi tayo mamamatay, basta wag kayong magpanic.” ang sabi ni Arwin.
Sinubukan naming kumalma lahat sa gitna ng ganoong sitwasyon, pilit kaming nag-isip ng paraang kung paano kami makakaligtas.
“Guys itali natin sa baywang ng bawat isa yung lubid na iyon para kung sakali man na mapataob itong bangka ng alon ay hindi tayo magkahiwahiwalay.” ang sabi ko sabay turo sa lubid na malapit kay Justine.
Agad na kinuha ni Justine ang lubid at pinaunang pinagtali si Sarah, nang matapos ay si Eunice, sumunod ay sila Kris at Francis, at pagkatapos nila ay si Justine, Arwin at Kaloy at tiyaka pa lang ako pero noong ako na ang magtatali ay isang malaki at malakas na alon ang humampas sa bangka namin sa part kung saan ako nakapuwesto kaya naman nahulog ako sa bangka pero nakakapit ako sa kawayan na parte nito.
“Luke!” ang sabay sabay na sigaw nila Francis.
“Drip kumapit ka lang, Drip kumapit ka lang wag kang bibitaw.” ang sabi ni Arwin.
“Tulong!” ang sigaw ko dahil takot na ako noon dahil bukod sa mga alon na humahampas sa akin na sa pakiramdam ko na sa bawat hampas ay inaagaw din ang lakas ko ay alam ko na wala akong magagawa dahil sa hindi ako sanay lumangoy.
“Drip abutin mo yung kamay ko.” ang sabi ni Arwin habang pilit na iniaabot ang kamay niya sa akin.
“Sige na Drip abutin mo ang kamay ko.” ang sigaw ni Arwin ulit.
“Hi-hindi ko kaya, natatakot ako.” ang sabi ko at isang malakas na alon na naman ang humampas sa akin na muntik ng maging dahilan ng pagkakabitiw ko pero mabuti na lang ay nakakapit ako.
“Sige na Drip abutin mo ang kamay ko, wag kang matakot di kita pababayaan.” ang sabi ni Arwin.
“Sige ganyan nga Drip, pilitin mo abutin, sige malapit na Drip.” ang sabi ni Arwin habang pilit ko ding inaabot ang kamay niya, pero noong maabot ko na ito ay tila galit sa akin ang dagat ay hinampas na naman ako ng malakas na alon at tuluyan na akong nakabitaw sa pagkakakapit ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...