LUKE’S POINT OF VIEW:
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko noong mga oras na iyon dahil sa nakita ko kanina ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahagi ng resort kung saan ako muntikan ng malunod, walang tao doon kaya naupo ako sa buhanginan at doon na ako nag-umpisang umiyak. Hindi ko pa din alam ang iisipin ko sa nakita ko, basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako at nasaktan ako sa nakita ko.
Halos tulala lang ako noon at pinagmamasdan ko ang dagat, nang tumahan ako ay tahimik ko na lamang pinagmasdan ang alon ng dagat. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay parang tinatangay ang utak ko, tulala lang ako hanggang sa maramdaman ko na may naglalakad papalapit sa akin, akala ko noong una ay si Arwin pero nang tumingin ako ay nabigla ako na si Kaloy pala ang papalapit, nakasuot siya ng parang pedal na puti basta yung tipong pang beach at sandong puti at may sukbit na backpack.
“Ah pasensiya na nakaistorbo ba ako?” ang sabi ni Kaloy ng mapansin niyang parang tatayo ako pero hindi ko na tinuloy at nanatili na lang akong nakaupo.
“Ah hindi, hindi.” ang sagot sa kanya at tumingin ulit ako sa dagat.
“Pwedeng makiupo?” ang tanong ni Kaloy sa akin, tumango lang ako pero sa dagat pa din ako nakatingin kaya nabigla ako noong naupo siya sa tabi ko at sobrang dikit namin sa isa’t isa at dahil natense ako ay pasimple akong lumayo ng pagkakaupo at alam ko na napansin pa din niya.
“Bakit mukhang mag-isa ka yata dito, nasaan yung mga kasama mo?” ang tanong niya sa akin.
“Ah wala lang, gusto ko lang muna magpahangin mag-isa, at busy sila ngayon eh.” ang sabi ko na iniiwasan tumingin sa kanya.
“Teka may problema ka ba? Bakit parang umiyak ka? May nangyari ba?” ang usisa niya sa akin habang nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin.
“Ah wala, wala naman masiyado lang ako nagandahan sa view at napuwing lang ako kanina nung biglang umihip yung hangin.” ang sabi ko bilang palusot, ayoko din kasi sabihin sa kanya ang totoo dahil hindi ko pa naman siya ganoon kakilala.
“Ah ganon ba, nakakarelax talaga dito no?” ang sabi ni Kaloy at tumango naman ako sa kanya.
“Eh ikaw ano nga pala ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya.
“Ah ako, hide out ko kasi tong lugar na to.” ang sabi niya.
“Hide out?” ang patanong kong sabi.
“Oo, hide out, pag gusto ko kasi mapayapa ang kalooban ko, pag nalulungkot ako, o kaya naman ay magpapraktis ako ng pag-fire dance ko ay dito ako laging pumupunta. Wala kasing tao ang pumupunta dito, kaya naman heto na ang nagsilbi kong hide out.” ang sabi ni Kaloy sa akin.
“Naku pasensiya na ah nag-trespass ako sa hide out mo.” ang sabi ko at napatingin siya sa akin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...