LUKE’S POINT OF VIEW:
“Welcome to Palawan!” ang bigla kong sabi nang makalabas na kami ng airport at dahil sa malakas ang pagkakasabi ko ay napatingin ang mga tao na nakadinig ng sinabi ko sa akin, at dahil sa hiya ay nagtago ako sa likod ni Arwin habang natatawa sila sa akin.
Mayamaya pa ay may itinuturo na si Papa na lalaki na kumakaway sa amin, ayun daw ang pinsan ko na si Justine na susundo sa amin, mula sa likod ni Arwin ay sinilip ko siya baka sakaling mamukhaan ko, chinito, maputi halatang sa ibang bansa na lumaki, halos kasing tangkad siya ni Arwin, sa hubog ng katawan dahil sa suot niya na damit na halos magfit sa kanya ay masasabi ko na maganda ang katawan niya, at ang mukha? Oo na gwapo pero mas gwapo pa din ang Drop ko siyempre.
Lumapit kami sa kinaroroonan ng pinsan kong si Justine, at agad na niyakap ni Papa at Mama si Justine bilang pagbati dito. Halos mawala na yung mata niya dahil pag ngumingiti ito ay kasama ding ngumingiti ang mata niya.
“Oh heto na ba ang pinsan kong si Luke?” ang bigllang sabi ni Justine, nang marinig ko yun ay nabigla ako kasi nasa likod pa din ako ni Arwin noon at nagtatago pero mas nabigla ako ng si Arwin ang yakapin ni Justine sa halip na ako.
“Grabe ang laki mo na Luke, akala ko di ka na lalaki pa kasi naman napag-iiwanan na kita dati sa height.” ang sabi ni Justine habang todo smile pa.
“Ahh, Justine, ijo.” ang sabi ni Mama.
“Ah ano yun tita?” ang tanong ni Justine sabay bitaw sa yakap kay Arwin.
“Hindi kasi yan ang pinsan mo, yung nasa likod niya.” ang sabi ni Papa na medyo natatawa, sabay silip sa akin ni Justine noong ituro ako ni Papa.
“Ay pasensiya na po masiyado kasi ako na-excite akala ko siya na si insan.” ang sabi ni Justine at mayamaya ay bigla akong niyakap at dahil sa bigla ko ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
“Naku insan hindi ka pa din pala lumalaki ah, pero ang cute mo pa din tulad pa din ng dati. Kaya paborito kita sa lahat ng mga pinsan natin eh.” ang sabi ni Justine sabay gusot sa buhok ko na parang ang kausap lang ay ten years old na bata. Sigurado ba sila Mama at Papa na ka-close ko tong pinsan kong to eh halos kumulo na dugo ko sa ginagawa sa paggulo ng buhok ko eh.
Pagkatapos ng ilang minuto na paggulo sa buhok ko ni Justine ay isa-isa namang pinakilala nila Mama at Papa ang iba pa naming kasama at pinakahuling pinakilala nila Mama at Papa si Arwin, nang makilala niya si Arwin ay agad na humingi ng dispensa si Justine sa nangyari, well mukha namang mabait itong si Justine siguro masiyado na lang talagang matagal ang panahon na lumipas kaya di ko na siya matandaan.
Nang matapos na kaming magkamustahan at magpakilanlanan ay nagdesisyon na kaming umalis ng airport, naglakad na kami patungo sa parking area kung saan makikita ang sasakyan namin.
“Insan ako na diyan.” ang sabi ni Justine sa akin bilang alok ng pagtulong sa pagbuhat ng dala ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys III
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan. Marami ng pagsubok at problema silang pinagdaanan at nalampasan ng magkasama. Pinatunayan nila na an...