SpLaSh: 18

2K 101 2
                                    

ARWIN’S POINT OF VIEW:

        Pagbalik ko ng cabin kasama si Von ay nalaman ko na umalis na si Luke para mag-gala sa bayan kaya naman nagmadali akong gumayak at niyaya agad sila na samahan akong sundan si Luke. Wala akong tiwala sa Kaloy na yon, mamaya ay pumoporma na pala siya kay Luke ng di ko alam kaya naman dapat ko siya na mapigilan, hindi ako papayag na maagaw niya si Luke sa akin.

        Kasama na din namin noong mga oras na iyon si Justine na siyang tumulong sa amin na mahanap sila Luke, dahil alam niya ang bahay nila Kaloy ay doon kami unang pumunta at di nagkamali si Justine, nandoon nga si Luke, nakita namin sila Kaloy at Luke na pumasok sa bakuran nito.

        “Oh, oh, saan ka pupunta?” ang sabi ni Von habang pinipigilan niya ako.

        “Saan pa eh di pupuntahan ko si Drip, hindi ko pwede hayaan na magsama silang dalawa ng matagal.” ang sabi ko.

        “Sira ka ba, gusto mo bang mas magkagulo kayo ni Luke? Alam mo namang galit pa din sayo si Luke tapos bigla kang susulpot dun, ano para hilahin siya at awayin si Kaloy?” ang sabi ni Von.

        “Oo bakit, aba hindi ko hahayaang maagaw sa akin ng ungas na yon si Luke.” ang sabi ko naman.

        “Naku Papa Arwin, iwasan mo pagkabasagulero mo, kalma kalma din pag may time. Ang mabuti pa ay matiyagan na lang natin sila, hanggang wala namang ginagawang masama ay kumalma lang tayo.” ang sabi ni Francis at wala na nga akong nagawa kundi ang makinig sa kanila.

        Para kaming mga ispiya na tahimik na naglakad palapit sa bakuran nila Kaloy, nang makarating doon ay maingat kaming sumilip sa bakuran nila at nakita namin silang pumasok sa bahay.

        “Oy guys baka naman mapagkamalan tayong akyat bahay gang na to ah, naku hindi pang baranggay hall ang beauty ko.” ang pabirong sabi ni Kris.

        “Luka ka tatakbo tayo bakla pag nagkahulihan.” ang gatong ni Francis hindi tuloy namin naiwasan ang matawa sa dalawa.

        “Pumasok na sila sa loob ano na gagawin natin ngayon?” ang tanong ko na hindi na ako mapakali at gustong gusto ko ng pumasok at hilahin na lang palabas ng bahay si Luke.

        “Eh di ano pa maghihintay tayo dito na lumabas sila.” ang sabi ni Von.

        Lumipas ang ilang sandali ay hindi pa din lumalabas ng bahay sila Luke at Kaloy. Nagdilim na at nagsi-ilaw na ang mga ilaw sa poste ay di pa sila lumalabas.

        “Grabe ha ang tagal lumabas ni girl at Papa Kaloy ha, nagiging diyosa na ko ng puno dito dahil sa ugat na tumutubo sa akin.” ang pabirong sabi ni Kris.

        “Buti ka nga bakla ugat lang ako mamumunga na.” ang sabi ni Francis.

        “Eh baka naman kasi...” ang putol na sabi ni Chini.

        “Uy hindi pwede yan naku papasok na talaga ako.” ang sabi ko at sabay sabay nila akong hinila pabalik.

Rain.Boys IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon