09

209 6 1
                                    

"Volleyball tayo hoy!"

Today is our intramurals for this school year. Intramurals is an event we do every school and this event is games or sports based. Every year or level should compete with other levels by playing a specific type of game and the most level with the highest number of points during the intramurals week, are awarded as the winner of the event. Sa school namin, may ganito pa din dahil para hindi daw puro academics ang inaatupag. Bago ako pumasok sa kolehiyo, akala ko sa highschool na ang last intramurals pero hindi pala. Good thing, our school has this event.

Pipili na kami ng players and games para sa bawat category na magaganap. Hindi ko alam kung saan ako sasali dahil hindi naman ako active na sa mga ganitong games. 

"Dali na volleyball na tayo!" Pamimilit ni Stephanie. "Lima pa lang ang sumasali sa buong fourth year ng nursing." 

I've played volleyball before. Pero ngayon, wala na yata akong alam doon at hindi ko na alam ang gagawin. Ayoko naman ipatalo ang year namin. 

"Chinese garter nalang tayo." I suggested. "Mas madali pa iyon kesa volleyball."

Hindi kami nagkaintindihan ni Stephanie at mag sasignup na for games pero hindi ako makadecide. I ended up joining volleyball kahit hindi ako marunong. Kulang kulang rin kasi ang players. 

Jhed had joined the volleyball boys team too at madami sila. Though, hindi sinama lahat ng varsity dahil unfair daw sa ibang levels. Nagjoin din ako sa chinese garter dahil ayoko naman na puro volleyball lang.

Planned na din ag jersey namin at bukas makukuha. It was a combination of red and yellow. Hindi ko masiyado nagustuhan ang kulay pero sa iba, maganda daw ang itsura nito. Unpopular lang siguro ang opinyon ko.

During break time, gumawa kami ng banner as a support. Bumili si Stephanie ng tela na malaki at si Ron naman ay bumili ng maliit na sewing machine. Medyo natagalan kami kasi madami ang gagawin na banner at madami dami din ang mga idedesign. Our design has the color of red and yellow with the design of nursing cap, stethoscope, pulse oximiter and a BP monitor as the sign of nursing. 

Bumili sina Macy ng balloon at suplada pa ang mukha habang gumagawa sila ng balloons. 

Ako ang nagtahi at sa kasamaang palad, tumama ang daliri ko sa talim ng karayom at natusok. Napasigaw ako sa sakit at hinawakan agad ito. 

"Nako girl! hindi ka maingat! kakalandi mo yan, charot! nako idisinfect mo yan." Sabi ni Stephanie.

Lumabas ako ng room namin at nakita ko si Jhed sa gilid, kasama ang tropa niya. Umiinom sila n buko juice saka may mga kwek kwek. Maingay sila at natahimik si Jhed ng makita ako. Nilapitan niya ako kaagad at inakbayan ako.

"Ano nangyari diyan? sino nanakit sayo?" Pagaalalang tanong niya at hinawakan ang daliri kong nasugat. His jaw clenched at hinawakan ang palapulsuhan ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, sinusundan ko lang siya at dapat sa restroom kami.

"Nilagpasan na natin yung CR." Turo ko sa restroom. "Saan ba tayo pupunta ha? pinapatagal mo lang lahat, babasain ko lang naman ng tubig to."

Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ang mukha ko. "Para kang hindi nag aral ng nursing. Sigurado ka bang walang rust yung karayom? hindi ba dapat, dinidisinfect mo ang sugat? bakit tubig lang?" Panenermon niya at nagsungit pa.

Tumawa nalang ako kasi he somehow made a point pero the way he got grumpy made my day. Nakakatawa ang itsura niya kapag masungit, hindi bagay at jolly person talaga siya.

Nang dumating kami sa clinic, nilisan agad ng school nurse ang sugat ko. "Hay nako Aloranna! kakajowa mo iyan naku po! hindi ka nag ingat." Tumawa siya at minasahe niya ang kaniyang sentido. Medyo malaki ang cut sa daliri at masakit ito nung nilinisan. Sinumbong pa ako nito ni Jhed sa nurse na hindi ko daw alam yung mga kailangan ilinis. I gave him a furrowed look at tinawanan niya ang itsura ko.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon