11

184 11 21
                                    

"How dare you cheat in my class Ms Vasquez!"

"Po?" Bigla akong napatigil sa pagsasagot at tumingin sa teacher namin ngayon habang nag eexam ang lahat. I couldn't understand what she was saying. Nagcheat ako? huh saan naman?

"To the office now! Ms Vasquez!" Sigaw ni Doc Kristine at tinuro ang pintuan. Nagtinginan ang lahat saakin at gulat na gulat sila. Sumunod naman ako at namutla kaagad ako. I didn't understand what was happening. "Bring your bag with you." Saad niya at magkasabay kami lumabas ng room. 

Nang makarating kami sa principal ay andun ang principal sa room at pinaupo na ako. "What's the matter po, Doc Kristine?" Tanong ng principal saamin.

"Ma'am! this student from 4A nursing is caught cheating on my class! look at her bag now!" Inis na saad ni Doc at tinuro ang bag ko. Kumunot ang noo ko at tinignan ang bag ko. "A student reported to me na kinuha niya ang exam sa office at nilagay sa bag niya! ganiyan kaba kadesperada Ms Vasquez?"

"Po?" Kumunot ang noo ko. "Never ko po yun ginawa at never din po ako pumunta sa office." I defended myself. The situation was chaotic. Ang gulo ng nangyayari at wala na ako maintindihan.

"Then why is the exam on your bag?!" Sigaw niya. Binuksan ko naman ang bag ko at sinilip iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang makapal na exam sa bag ko. Paano ito nangyari?! "See! principal, we shouldn't tolerate students like her!" 

"Oh my Ms Vasquez!" Gulat na saad ng principal. "Paano mo nagawa 'iyan? you were one of the dean's lister in fourth year at nagcheat kapa talaga? why?" 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nawalan na ako ng salita. I don't know what to say. I have no idea what's going on. "Ma'am, hindi ko pa alam bakit nasa bag ko. I really don't know po." 

"Stop lying Alora Vasquez! huling huli kana, magdadahilan kapa." Inis na sambit niya at tinignan ako ng masama.

"Ma'am please, maniwala po kayo saakin. Hindi ko po alam 'iyan. I don't know po, hindi ko po magagawa iyan." I defended.

"Stop it Ms Vasquez, nagdadahilan kapa. Puro ka rason! halatang guilty ka!" Sabi naman ng principal. "With that, 0 kana sa exam, please list that Professor Kristine and suspended ka for one week! affected din ang standing mo sa dean's list!"

"Po?!" I my voice raised. "Ma'am! Hindi po talaga ako nagcheat, maniwala po kayo saakin. Please po, it wasn't me." Tears started to fall from my eyes. "Let me take the exam again please! wag niyo po ako isuspend." I begged. 

"I've said what I have said Alora, that's my decision. You should reflect on what behavior  you have done." Magsasalita pa dapat ako pero hinatak na ako palabas ni Doc Kristine. Nang makalabas na kami ng room nakatingin pa din siya saakin. "Suspended kana Alora, you should have thinked the consequences before doing that. Kuhanin mo na ang iba mong gamit at umuwi kana."

"Ma'am......" My voice cracked. "Hindi ko po talaga ginawa iyon. Why wouldn't you let me explain?" I asked. 

"Alora please....Stop. Caught in the act kana." Sambit niya at bumalik na sa room. Humikbi ako sa iyak sa hallway at nilipad na ang buhok ko. Nanghihina ako sa nangyari. I was accused of something I didn't even do. Who did this to me.

Tahimik akong bumalik sa classroom at lahat nakatingin saakin. I was crying continuously pero hindi na malakas dahil tinakpan ko ang ilong hanggang bibig ko ng panyo. Namumula na ang mata ko kakaiyak at ang bigat ng dibdib ko. 

Tahimik kong kinuha ang gamit ko at humihikbi pa sa iyak. Kitang kita ko ang pag aalala na tingin ni Jhed pero hindi ko na pinansin. Ang bigat ng ulo ko at dibdib. Wala na akong oras kumausap ng kahit sinong tao. I got a 0 on my exam, I'm suspended. Sino naman ang gagawa saakin nito? why?

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon