04

190 10 5
                                    

"Hoy ano yan?!"

It was a light rainy day ngayon, moist had passed through the windows. I was wearing my jacket since malamig ang room. Naka 18 na ang temperature ng aircon at halos lahat na ay nakajacket. 

Tahimik lang ako at nakikinig sa discussion sa nursing disaster class dahil quiz namin kinabukasan. Hindi muna ako umuwi sa bahay for 2 days dahil mukhang galit sila lahat saakin. 

Sinilip ni Stephanie ang ang palapulsuhan ko at may kaonting sugat at pamamaga ito. I remembered the night na sinaktan ako ni mama dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Hindi pa din ako pinapansin ni Jhed, somehow I felt guilty. I lied to him na may jowa ako kahit wala. My everyday life became quiet at hindi ko maramdaman ang kulay nito. Hindi ko rin alam kung ano ang kulang bakit na=lo-lousy ako. 

Tahimik lang siya magdamag at mukhang ang lamig ng vibes na binibigay niya saakin. Nakikita ko naman siya na masaya sa tropa niya, maingay at magulo. Ang unfair! bakit siya ganiyan? Damn him!

Nang matapos ang klase, hindi na kami lumabas dahil sumunod na ang 'Art Appreciation' na subject. In this subject, we usually study arts, methods, and yung history tapos madami pa .Madali lang naman ang subject na ito pero nakakaloka minsan dahil paintings, makalat pa naman ako.

"by partners tayo, poster making and dapat paint ang gamit. Ang theme natin ay 'Gender Equality." Sambit ng prof namin nang makapasok na siya sa room. "Ako ang mag a-assign ng partners at ang deadline, next week."

Damn! poster nanaman.

"Tranez at Vasquez."

Si Jhed? partners nanaman kami? Oh my! galit ba siya saakin? alam niya ba nagsisinungaling ako? somehow natakot ako. Baka hindi ko nanaman siya makausap ng maayos dito. Wala akong balak bumagsak at pumangit ang gawa namin dahil lang sa lack of communication. Hindi naman valid ang rason kung iyon ang sabihin ko at nang hindi kami nakapagpasa.

"You may now go to your respective partners and start the planning." Sabi ng prof namin saamin. Sumunod naman ang iba samantalang ako, hindi ko alam kung siya ba ang lalapit o ako. 

I thought he would already go at my spot but turns out, he just gave me a damn attitude glare. Wala akong choice kung hindi lumapit sa 'kanya. It was so awkward at hindi siya nagsasalita. 

"A-ano gagawin?" Dahan dahan kong tanong sa 'kanya. Tinignan niya lamang ako saglit at seryoso ang mga mukha nito. "Nakikinig ka?" Supladong tanong niya. 

Sungit ampota.

I didn't push myself to communicate with dahil hindi ko alam kung paano. Is he having a bad mood towards me? galit siya sa 'akin. Problema ko naman kung paano ko siya makakausap at graded task ito. 

"S-saan ba natin gagawin yung project?" I tried to act calm but it wasn't even evident on my actions. Tinignan niya ako ng seryoso at kinabahan ako dahil baka patayin ako ng wala sa oras. He's dark gaze had passed through my soul. To the fact that, I was terrorized with his look. The hell!

"Ewan." Malamig na sabi niya. I couldn't understand his vibe, naninibago ako at ang tahimik niya pag sa 'akin. Nakakaasar at sa ibang babae, nakakausap niya at may pa tawa pa siyang nalalaman. This guy is a bitch! I hate him.

Umirap na lamang ako at hindi siya pinansin. Pinagkrus ko ang braso ko at binti. Hindi kami pinansin at bahala siya. Ano siya gold? The audacity! hindi ko siya susuyuin! bahala siya bumagsak mag-isa. Kasalanan niya naman iyon. Gosh, hindi ba siya nag-aral ng oral communication? or communication rather. Lahat ng iyon, wala siya.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon