02

254 9 2
                                    

"Ang sakit naman." 

Kami na ang magprepresent dahil tapos na si Stephanie at Ron. Sumunod na kami at kinakabahan kami sagad dahil baka magloko loko itong si Jhed. Turns out to be opposite. Seryoso siya at hindi tumatawa. Ang plastic ha!

Magaan ang kamay niya sa pag tuturok at hindi masakit. Nagulat ako at yung iintramscular injection niya hindi rin masakit. Nung ako na ang magtuturok nagkakandarapa ako at ang init ng kamay niya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Medyo namaga ang gawa ko sakanya dahil naloloka ako kanina. Pinagsabihan pa ako ni doc Juarez na kumalma. Nang matapos na kami, sinabi na ang score at hindi ako natuwa sa resulta.

"Tranez 100, Vasquez 92."

Bakit siya perfect? ako hindi? I realized that it was my fault na nagpapanic ako pero kasalanan din ni Jhed at ang init niya. Ano ba iyon? gayuma sa pag bagsak? plinano niya ba to?

"Nice." Masayang sabi niya. "Sakit mo magturok." Hinaplos haplos niya ang parte na tinurukan ko.

Tinignan ko siya ng masama at umirap. "Kasalanan mo to! minus 8!" Dinabog ko ang libro namin sa nursing practicum.

"Sorry na babe." Malambing na sabi niya at humagikgik pa. Gosh! he's not even remorseful!

"Ew! umalis ka nga! shuta eh." Inis na sabi ko at lumabas ng room kasama si Stephanie.

Nakakrus ang braso ko habang naglalakad at nakasimangot. "Lagi kana lang galit! bad days ka talaga!" Natatawang sabi ni Stephanie. "Hay nako, siya naman ata endgame mo."

Tumigil ako sa paglalakad t tinakpan ang bibig niya gamit panyo. "Wag ka maingay! pag narinig niya iyon, panigurado lalaki ang ulo niya! saka isa pa, hindi ko siya type!" I sighed. "Eh bakit ikaw? parang retdem with landian kanina with Ron ah!" Pang aasar ko.

"Ano ba!" Nahihiyang sabi niya at tumawa. "Shush ka lang! pogi niya kaya! jusko, sino hindi mafafall sa matangkad na mullet ang buhok jusko! Nakatanggap nga ako ng 'Ron Craig Santos' sent you a friend request. Saka isa pa, nasa matatangkad na gwapo at matalino ang true love!" Kilig na sabi niya.

Ew! not Jhed, nakakaloka! tatanda lang ako sa lalaking iyon! bwisit! puta siya, sagad.

After school ay papunta ako sa bahay ni Azariella at makikitambay, ayoko umuwi at panigurado ayaw naman ako dun. Naglalakad ako nang makita ko ang isang lalaki papunta sa direksyon ko.

"Alora right? Kim's squadmate?"

"Uh yes? bakit?" Tanong ko sa lalaki. Matangkad ito at may itsura, medyo kahawig ni Kim at may kasama pang babae, jowa niya ata?

"Felix, pinsan ni Kim." He offered his hand. "Have you seen her? hindi ko kasi macontact?"

"Hindi eh, baka nasa school nila Aira, andun yun palagi." Sabi ko. Napatingin ako sa babae at mukhang nangungulit na parang bata. "Babe, cheesecake." 

Nagpasalamat ang pinsan ni Kim saakin kaya tumango nalang ako. Pag dating ko sa bahay ni Azari, sinalubong ako ng dalawa niyang husky na si Jerry at Naomi. Ang ingay nito at nilawayan pa ang shoulder bag ko.

"Oh my, Naomi and Jerry, you make usog muna. Tita Alora will come." Hinawakan ni Azariella ang mga aso at pinasok sa loob.

"Girl, your bag!" Pagpapanic niya. "Sorry, my dogs are hyper talaga when they see strangers." Paghihingi niya ng tawad.

"Sira, it's fine lang naman." Humagikgik ako. Pumasok na kami sa bahay ni Azariella at ang ganda talaga ng mansion nila. Modern na modern ang design tapos hightec ang mga kagamitan. Dumiretso kami sa room niya at nagtambay kami dun.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon