22

292 12 5
                                    

"Ay tanginang malalanding marurupok! Hay jusme!"

Two weeks na ng magkabalikan kami ni Jhed at sinabi ko naman 'yon sa mga kaibigan kong malalapit sa'kin. 

Kumakain kami ngayon sa Alabang Town Center, sa may TGIF. Libre ni Aira tapos kasama rin si Kim pero wala ang mga asawa nila kaya kaming tatlo lang.

"Gago ka may pa comeback ang taray!" Pang aasar nanaman ni Aira sa'kin. "Ang rupok kalokohan 'yan!"

"Maka rupok naman 'to, hiyang hiya naman ako sa karupokan mo kay Kaisel." Si Kim. "Alam mo Aira, bagay sayo 'yong '24/7 thinking about you' simula noong nakilala mo si Kaisel."

"Ay 'wag ako girl! Nagmamalinis 'yarn? Hala siya! If I know, binalikan mo rin 'yang boy bestfriend mo! Kaloka 'to! Ako pa ang marupok, hoy! Lahat tayo dito marupok at lalo na 'tong nasa harapan natin." Turo ni Aira sa mukha ko kaya nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga.

"Huh?! Nanahimik ako dito tapos dadamay niyo ako sa mga kalokohan niyo d'yan?!" Inis na sabi ko sabay irap at uminom sa iced tea.

"One plate of baby back ribs po." Sambit ng waiter at nilapag ang pagkain sa table. Matagal na nakatitig si Aira sa pagkain kaya tinanong ko ng wala sa oras dahil mukhang dismayado. "Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Hay buti pa ang pagkain baby ang tawag pero ako walang baby." Malungkot na sabi ni Aira at pinatong ang ulo sa lamesa.

"Ay sad girl amputa." Sabi ni Kim at tumawa ng mahina. 

"Kapal neto! Tuwang tuwa pa, parang hindi bestfriend. More like others!" Inis na sabi ni Aira at inirapan si Kim. "Crazy Kim." Pangaasar niya.

"Ikaw crazy." Pagbabalik ni Kim. "Nako ka! Aminin mo nalang sad girl era vibes ka." Pang aasar ni Kim kay Aira.

"Isa nalang beh, buhos na abot mo sa'kin. Mapapahiya tayo kay Del Zalle mamaya." Pananakot ni Aira. "Naku may meeting pa naman para sa project."

Kumain nalang ako ng tahimik habang ang dalawang nasa harapan ko ay nagbabangayan. Tumawa tawa nalang ako dahil naglalabasan sila ng dumi ng bawat isa sakanila. After namin kumain ay umalis na 'yong dalawa dahil may meeting pa raw sila sa para sa isang project.

Umayos na ang buhay ko at parang sumaya na rin ako dahil nakuha ko na muli ang taong mahal ko at taong mahal ako. Dahil sa pride ko ay mas tumagal lang at mas naging dramatic ang sitwasyon. 

Biglang may tumawag sa phone ko kaya tinignan ko naman kung sino 'to. Nakita kong si Mika ito kaya inaccept ko naman kaagad ito. 

"Mika?" Tanong ko mula sa telepono.

[Uh ate...do you wanna visit mom and dad] Putol putol na sabi sa'kin ni Mika. 

Biglang may dumaan sa isipan ko na bisitahin ang magulang ko pero what for? I mean ano naman mapapala ko? They just caused me trauma. Pero hindi naman matatahimik ang buhay kung hindi na muli 'to pagusapan kitain manlang sila for the last time dahil matanda na rin sila.

Tumango nalang ako at umalis sa ATC. Minessage ko si Jhed na pupuntahan namin ni Mika ang magulang namin at gusto niya sumama kaso may trabaho pa kaya sabi ko ayos lang na wala siya.

Sinundo ko naman si Mika sa hospital dahil kakatapos lang ng duty niya kaya may time na para bisitahin ang magulang namin. Sumakay siya sa kotse ko at naka nurse uniform pa. May dugo ang damit niya at gulo gulo ang itsura saka kita ko ang pagkadismaya sa mga mukha niya. Kinabaan ako dahil baka may nangyari kaya sunod sunod ko siyang tianong dahil sa pag aalala.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon