21

246 11 4
                                    

The night is still young - Nicky Minaj

---

Today is the day.

Ngayong araw, kikitain ko si Jhed sa Nuvali Park Sta Rosa. Dahil do'n namin aayusin at pag uusapan ang tungkol sa nangyari no'n. In short, closure.

Nasa bahay pa ako at kakagising ko palang tapos nagulat pa ako dahil 10:00am dapat ando'n na ako tapos nagising ako 9:20 ng umaga. Napabangon ako ng wala sa oras dahil malalate na ako at may traffic pa. Malayo layo rin ang biyahe kaya pumunta agad ako sa cr para mag fast shower.

Hindi ko na pinatuyo ang buhok dahil wala ng oras at kumuha nalang din ako ng damit na makikita ko sa closet. I wore a Notch Neck Dolman Sleeve Top and a pair of black reaped jeans. Kinuha ko na agad ang white shoes saka bag ko at tumakbo papunta sa kotse.

Aalis na sana ako nang maalala ko ang mga pintuan at mga saksakan sa bahay ay hindi ko pa nadouble check at baka sumabog 'to at manakawan ako ng wala sa oras.

Napairap nalang ako at tumakbo sa loob ng bahay. Tiangga ko ng saksakan at nilock and double check ang bahay bago ako pumasok sa kotse. Tinignan ko ang phone ko at nalaglag ang panga ko dahil 9:47 na. 

Pinagpawisan ako ng wala sa oras dahil pumayag ako sa oras na 'yon pero ako din pala ang hindi sumunod sa usapan. Binuksan ko 'agad ang phone ko para itext si Jhed. Sumunod naman ang pagpapanic ko dahil baka naiirita na siya sa'kin. 

And so? Kulang pa 'yon pagkatapos nioya akong iwan!

Me: Kakagising ko lang.

Me: Paalis palang ako sa bahay.

Me: Nalate ako ng bangon.

Me: An'dyan kana ba?

Hindi ako 'agad nakaalis dahil hindi siya nagreply kaya nagaantay lang ako ng magreply siya. Ph my! Bakit ba ako naghihintay? I'm fucking late!

Bakit ba ako nagpapanic? Hindi naman big deal if malate ko or what. Ang mahalaga ay makapunta ako do'n! Masyado na akong nagooverthink.

Pinaandar ko naman ang kotse at napatigil ako ng tumunog ang notfications sa phone ko kaya sinilip ko 'to. As expected, nagreply na si Jhed sa chat ko.

Jhed: K.

Kumunot ang noo ko sa message niya at ang cold pero baka naiinip na nga siya pero bahala siya. Maghintay siya do'n.

Umalis na ako at inabutan pa ako ng traffic sa Slex dahil may banggan. Nainip ako dahil wala akong makausap at busy naman sila Aira at Kim. Si Azari naman ay may sarili ding buhay. Tinawagan ko si Jam.

[Oh napatawag ka? May problema ba at mukhang stressed ka d'yan?] Narinig kong tawa ni Jam mula sa telepono.

"Makikipagkita ako sa ex ko for some reasons at alam mo naman na siguro kung ano 'yon." Sabi ko sabay irap. 

[Huh ano?!] Tanong niya at mukhang hindi nagegets ang sinasabi ko.

"Ay sabog? Diba kilala mo naman si Jhed? May amnesia kaba?" Tamnong ko sakanya.

[Grabe siya! Alam ko naman na ex mo 'yon pero ano mangyayari? Comeback] Pangaasar niya pa.

"What the hell Jam?! Anong comeback! Walang gano'n" Sabi ko sabay namula ang pisngi. "Closure kasi!" Sambit ko.

[Ay taray may pa closure sa ex! Maniwala sayo. Comeback 'yan!] Pagmamatigas niya pa.

"No! Hindi ah! Never!" I defended.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon