03

229 10 4
                                    

"Suspended daw"

Nagising ako ng 6am at ang lakas ng ulan sa labas. My windows were moisting tapos ang lamig pa. Nagbuklat agad ako ng closet ko at kumuha ng sweater. Naka shorts pa naman ako at sobrang lamig na, kaya sinarado ko ang aircon.

For sure magluluto pa lang ng breakfast ang mga maid namin kaya hindi pa ako tinatawag. Matutulog pa dapat ako pero nawala na ito. 

Nagscroll ako sa instagram at nakita ko ang story ng taga kabilang section. Naka akbay ang babae kay Jhed at ang caption pa 'Pogi ni crush'. Wala naman akong mapapala sa story ni Isabel. Gusto ba ni Jhed si Isabel at ang saya saya niya? ngiting ngiti ah. 

No Alora, bakit mo iniisip iyan? hibang kana ba?

Binuksan ko ang chat namin ni Jhed at wala siyang chat, usually if walang pasok, nagchachat iyon or after school. Nabobored na ako kaya nagtype ako ng draft sa 'type a message'. Nanlaki mga mata ko nang magsend bigla ang message. Bigla akong napaangat sa kama at tinignan muli ito.

Me: Ang saya mo naman sa babae mo :))

Jusko! para akong binuhusan ng tubig at nanigas nang makita pa ang 'Active Now' na sign tapos green pa. Bigla kong pinindot ang unsent pero ayaw mapindot. Nang makita ko ang phone ko, hindi pala naka connect sa wifi! nadisconnect ako. Bumalik naman kaagad ang connection ko at hindi pa siya nagseseen. Pinindot ko kaagad ang unsent at ang tagal, panay loading ang lumalabas at nang madelete ang message, nagseen na siya kaagad. 

Hindi naman niya siguro nakita iyon noh?

Sinarado ko ang phone ko at tinakpan ang mukha ko ng unan. Nakakahiya! Alora tanga! bobo! bakit mo ginagawa iyon! Sana hind niya nakita kung ano man ang pinagagawa ko sa buhay ko.

Jhed: Wala akong babae ah, selos kaba? himala, crush mo ako?

Oh my! nakita niya. Punyeta naman, parang gusto ko ideactivate ang buong social media ko at hindi pumasok ng sampung taon! sikat pa naman siya at what if kung ikalat niya sa buong school yung message ko?!

Me: Wrong message, isesend ko dapat iyon sa jowa ko. 

Pagpapalusot ko.  Nakahinga ako ng malalim nang mag thumbs up react lang siya at hindi na nagreply. I hope this time, quits na kami at layuan na niya ako dahil sinabi kong may jowa ako kahit wala. I have to save myself!

Bumaba na ako dahil tinawag na ako ng maid at wala dun si Mika kung hindi si mama at papa, nakasimangot na nakatingin saakin. Umupo ako sa dining table at hindi nila inaalis ang titig nila saakin.

"Inaagaw mo daw si Jhed kay Mika?" Seryosong tanong ni mama. Kumunot naman ang noo ko at tumanggi. Huh? anong inaagaw? eh ayoko nga sa lalaking iyon. "Hindi naman ma, wala akong inaagaw. Kaklase ko siya kaya friend ko sa facebook. Wala naman pong masama if ganun diba?" I said nicely.

"Dapat lang, dahil sa oras na malaman namin ng asawa ko na inaagaw mo ang mga gusto ni Mika, malilintikan ka saamin." Dabog na saad ni mama at umalis na ng bahay, kasama si papa.

Inaagaw?! bakit sakanya ba si Jhed? magugustuhan ba siya ni Jhed sa pag ka brat niya? hell no! bwisit.

Bukas ay suspende ulit ang klase pero pupunta kami sa bahay ni Kim dahil kakain raw kaya sinundo na ako ni Azariella nang maaga. I wore a black one sided long sleeve and a buttoned denim skirt.

Halos malayo layo ang biyahe namin. It took us for almost an hour at nang makarating kami, may mga kotse. Kanino naman iyon? madaming bisita?

"Ampota! jusko! kati ng ulo ko, may kuto na me. ugh shet!" Nasa gate pa lang kami, naririnig ko na ang ingay ni Aira sa loob. Pinagbuksan kami ni Felix ng pintuan kaya nakapasok na kami sa loob. Andaming pagkain na nakahain. Si Aira ay magulo na ang itsura kakamot sa ulo niya. Si Kim ay nasa table, kasama si Syebastian, ang bestfriend niya.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon