16

205 11 6
                                    

"Holiday?"

7am no'n nang pumasok ako sa ospital dahil schedule ko na, pero narealize ko na holiday dahil sabi sa'kin ng guard. Napanganga nalang ako dahil holiday daw? pa'no naman 'yong mga pasyente?

Sabi naman ng guard na may mga nagbabantay naman daw na nurse at ibang doctors pero optional daw 'yon. Umirap nalang ako at bumalik sa kotse. Naka doctors coat pa ako. 

Nakatanggap nalang ako ng tawag mula kina Aira kaya sinagot ko 'to. [Beh tara Baguio!] Pag aaya niya saakin. Anlayo ng Baguio kaya napaisip naman ako kung sasama ako o hindi. Natahimik ako saglit nang sumigaw si Aira sa telepono kaya nagulat ako.

[Hoy! ano?! bagal eh, kaka AloJa mo 'yan.]

"Tanga hindi! hindi ko sure eh, ang layo masyado ng Baguio." Sambit ko. Gusto ko man sumama pero ang layo talaga at baka abutin ako ng ilang oras bago makarating. 

[Arte mo naman! si Syeb daw mag dadrive, may mga pasyente pa si Kaisel kaya hindi raw siya makakasama. Nasaan kaba? sunduin ka nalang namin, andito pa kami sa Avec.]

Nakakahiya naman dahil dadagdag pa ako sa bigat ng kotse nila Syeb at baka hassle masyado if sunduin nila ako rito.

[Huy! dali na!] Pamimilit ni Aira.

"Oo na tangina." Inis na sabi ko sa telepono at binaba na 'to. Nagtext naman kaagad si Aira na on the way na sila kaya nag antay nalang ako sa kotse ko. 

Tinted ang mga bintana ng kotse ko kaya hindi malalaman na ako ang nasa loob. May nakita akong pamilyar na kotse na papunta sa tabi ng sasakyan ko at magpapark yata. Dahan dahan ko 'tong sinilip hanggang sa buksan ng tao ang kanyang bintana. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita si Jhed na sinisilip ang kotse para magpark.

Baliw ba siya? talagang dito pa sa tabi ng kotse ko magpapark. Ang dami dami namang vacant pero sa'kin pa nakipagsiksikan. Nakakainis naman!

Tumaas naman kaagad ang mga balahibo ko nang makapag park na siya. Hindi naman siguro niya alam na ako ang tao sa loob ng sasakyan na katabi niya. Ilang minuto pa ay hindi pa rin siya nalabas. Hinimatay na siguro?

Nakatitig lang ako sa kotse niya at wala talagang nalabas. Sa kakatingin ko, napasigaw nalang ako ng tumawag ulit si Aira. 

[Nasaan kana? andito na kami sa harapan ng kotse mo!] Sigaw niya mula sa telepono.

Sinilip ko naman agad ang mata ko sa harapan at nakita ko si Aira na naka bukas ng sobra ang bintana. Ngumingiti pa at tumatawa. Bumaba naman siya kaagad. She was wearing a black ripped jeans and a white crop top.. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa kotse ko at sumabay pang lumabas si Jhed. Naka coat siya at dala dala ang bag niya. 

"Hello doc Alora! Labas na!" Malakas na sigaw niya at pinaghahampas ang binatana ko. "Hello hello! Are you alive?! Hello!" Sigaw niya.

Nahihibang naba ang babaeng ito at sinasadyang magsisigaw kung kailan andito si Jhed? 

Dahan dahan ko namang binuksan ang bintana at nakabusangot na ako sa iritasyon. "Nananadya kaba?" Inis na sabi ko sakanya. "Alam mong andyan si Jhed?!"

"Ay gano'n?" Sarkastikong tanong niya at kunwari hindi pa alam ang nangyari sa kalokohang pinagagawa niya. "Shuta oo nga noh! Hala!" Malakas na tawa niya at pinaghahampas ako sa braso. "Bumaba kana nga d'yan para maaga tayo makarating sa Baguio." 

Umirap nalang ako at bumaba na sa kotse. Kinuha ko na ang mga gamit ko at buti may dala akong extra damit para incase umalis after work. Sumakay ako sa sa sasakyan nila Syeb na Expedition at nasa harapan si Kim. Naka shades si Syeb kaya hindi ko 'agad nakilala kung sino 'yon.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon