Be Alright -- Dean Lewis
Trigger Warning : Physical Abuse, Harassment, Suicide attemption, and depression.
Read at your own risk.
"Aloranna Francene Vasquez, Magna Cum Laude."
Today is our graduation day. Masaya ako dahil natapos ko na ang nursing school. I've made it! Akala ng lahat ay magtatapos ako ng summa cum laude pero hindi. Ayos lang naman saakin na hindi nakapag summa. Magna is a big achievement na din. Jhed graduated as the batch summa cum laude.
Wala ang pamilya ko sa graduation ko at expected ko na din naman 'iyon. Although, masaya naman ako dahil andiyan ang mga kaibigan. They are proud of me. Sa susunod ay gragraduate na si Kim at nauna nga lang ako dahil nagchange ang schedules at may conflicts. Napaaga ang graduation namin ng wala sa oras.
Nang matapos ang ceremony ay tuwang tuwa kami lahat dahil lahat ay pumasa at walang naiwan. Med school is my next journey. Sana ay kayanin ko naman 'iyon.
Ever since nakita kong magkausap si Stephanie at Mika ay hinayaan ko nalang dahil wala namang masamang nangyayari at sino naman ako para pigilan siya. Plano kong umuwi ng bahay mamayang gabi dahil ang tagal ko nang hindi umuuwi. Baka hindi na sila galit saakin o baka bumawas manlang dahil nakapag tapos na ako ng college degree ko.
Nagpicture na kaming batchmates ko na nakatoga kami at graduation cap. Medyo malungkot ang mukha ni Jhed kaya nilapitan ko kaagad siya. "Hey, may problema kaba? mukhang malungkot ka." Tanong ko.
Tumingin naman siya saakin at ngumiti. "Wala naman, masaya ako para sayo. Ang galing galing mo talaga. Baka bebe ko 'yan! congratulations!" Humalagpak siya sa tawa. "Iniisip ko lang na tapos na ako as a varsity kasi natapos na din ang college degree ko."
"Jhed" I called him. "I'm so proud of you, I really am proud of you. Sana magkasama pa rin tayo sa med school." I smiled and gave him a tight hug.
"I'm proud of you too. I love you, hindi kita iiwan." He kissed my forehead. "Hindi ko pa alam kung saan eh." He chuckled. "Ikaw ba?"
"I don't know yet." I pursed my lips.
Tatalikod na sana ako para kitain ang mga kaibigan ko pero napatigil ako ng may maalala ako kaya nilingon ko ulit si Jhed at tinawag. "Jhed....." I called him. "Can we make a promise again?" I asked. Tumango naman siya at lumapit saakin. Pinakita ko sakanya ang dalawa kong stethoscope pendant na gold necklace. "Kahit anong mangyari, hindi tayo magkakahiwalay ha. Hindi moko iiwan at hindi kita iiwan. Sabay tayong gragraduate ng med school at sabay mag dodoctor ha!" I teared up.
Pinakita niya ang pinky finger niya at nilabas ko din ang akin. "I promise Alora. Hindi kita iiwan, papakasalan kita. Mahal na mahal kita." He said.
"I love you." I whispered. "I love you too." He whispered back.
Tig isa kami ng necklace na iyon at malaking bagay na din iyon saming dalawa.
"Ay sus! ang landi naman charot!" Sigaw ni Aira. "Kdrama vibes, hay nako!" Tumalon talon si Aira at pumapalakpak pa. "Nakakaproud naman!"
"I love you girl! I'm so proud of you, you were great." Tumakbo si Azariella at niyakap ako ng mahigpit. "My girl ah! I don't know what to say, nakakaproud lang! I love you so so much bestie!"
"Ay kami hindi bestie?" Pang aasar ni Kim at pinagkrus ang braso niya. "Parang others to si Azariella!"
"Gosh!" Tumawa siya ng mahinhin. "Group hug? squad hug? let's go guys!" Pag aaya ni Azariella at kinuha ang phone sa bag niya. Nagpicture kaming apat at ang ganda tignan.
BINABASA MO ANG
Golds In The Recovery (Career Series #3)
RomantizmCareer Series #3 Future Medical Doctor Aloranna, was adopted by two doctors, and become her parents. She had experienced all the hate, sufferings, pain, and ignorance from her family, including her sister. She had reflected the reason why she was ha...