"Grabe! 2 weeks na nakalipas pero ang proud ko pa din, the fact na nanalo tayo sa intramurals!"
Natapos ang intramurals namin at kami ang nanalo. Masaya naman kaming buong batch kasi ang saya talaga pag nanalo, may plus points din kami sa ibang subjects ngayong second semester.
Doble pagod ang dumapo sa katawan naming lahat dahil after intramurals, duty agad kami sa hospitals tapos tinambak pa ng exams. Halos 4am na ako natutulog kakaaral tapos duty agad ng 7am. Hindi naman ako pwedeng patanga tanga sa duty at baka mamatay pa ang pasyente.
I've had a breakouts dahil gulong gulo na ang sleep schedule ko. Gumagala sina Aira pero hindi ako nakakasama. Madalas, nasa bahay ako ni Azariella at nag aaral kaming dalawa. Minsan, hindi na ako nakakain ng meals dahil feeling ko madaming oras ang nasasayang sa pag aaral ko.
"You need a break, let's just watch some kdrama. Para naman, you will be masaya and have a break from your studies. Remember girl, health is important. Yeah, let's say kailangan mo mag aral pero your habit is not maganda na."
Nasa bahay ako ngayon ni Azariella para mag aral pero pinagsasabihan niya ako dahil busy ako sa pag aaral at hindi ako nag brebreak.
"Girl! hello!" She waved her hand at my face. "Nakikinig kaba?" She asked in a monotone.
"Oo naman, bakit? tatapusin ko lang to tapos mag kdrama na tayo." I mentioned. Umirap nalang si Azariella at pinagkrus ang braso niya. Hindi yata naniwala sa sinasabi ko.
"Yung tatapusin mo lang, will make abot sa ilang oras na. Tara na girl, you need a break. I'm serious." Naging seryoso na ang boses niya at hindi pa din tumitigil sa kakatitig saakin. Nakatayo lang siya sa tabi ko, nangungulit.
Wala naman akong choice kung hindi mag pause. Pumunta kami sa sofa niya sa kwarto at binuksan ang Tv. Naghanap kami ng mapapanood sa netflix na kdrama at halos natagalan pa kami dahil ang arte ni Azariella at hindi daw niya gusto ang plot.
"Gosh! netflix is so lame!" Inis na sabi niya. "Mas complete pa sa Viu, dramacool na website. Let's just watch sa laptop." Sambit niya at kinuha ang macbook niya sa table.
Sa higaan kami nanood dahil nakakatamad daw kung sa upuan pa at magkakaback pain raw siya. Madali naman kami nakahanap ng kdrama sa Viu dahil andaming kdrama dito na magaganda. Nanood kami ng Youth of May at pakiramdam ko ay malungkot ang kwento. Umaga palang ay nanood na kami hanggang sa inabutan ng gabi, natapos na namin ang pinapanood. Iyak ng iyak si Azariella dahil hindi daw niya kinaya ang ending.
Namatay yung babae tapos napaka tragic talaga. Lumuha lang ako pero parang may tumutusok na agad sa dibdib ko. Masakit siya. Natapos namin kaagad iyon dahil worth to watch talaga at mapapa binge watching kapa. Nakalimutan ko na ang inaaral ko kaya nagpanic ako at binalikan ang inaaral ko.
Hindi pa din ako umuuwi sa bahay at pakiramdam ko, may maling magaganap nanaman. Hindi pa tahimik ang isip ko at stressed pa din ako recently.
Ampon lang talaga ako kaya puro sama ng loob ang nakikita nila saakin. Kung hindi man sasaktan, hindi papansinin. The habit just kept on rotating. Nanahimik lang ako, galit na agad sila.
Kinabukasan, may pasok nanaman. Hindi ko na masiyado nakikita si Mikaella sa school. Mabuti na iyon at baka kapag nakita niya kami ni Jhed, malilintikan ako kapag umuwi na ako sa bahay at panigurado, mas malala ang abot. Minsan, natatakot nalang ako umuwi eh. Not just because nasasaktan ako pero parang affected na din mental health ko. Whenever I get hurt, nalulungkot ako agad. I don't even know why. Hindi naman ako pwede mag diagnosed agad ng sakit kung hindi naman diagnosed ng isang doctor.
BINABASA MO ANG
Golds In The Recovery (Career Series #3)
RomansaCareer Series #3 Future Medical Doctor Aloranna, was adopted by two doctors, and become her parents. She had experienced all the hate, sufferings, pain, and ignorance from her family, including her sister. She had reflected the reason why she was ha...