Hi! sorry for the slow updates once again, busy talaga sa school and kakatapos lang ng exams week. I always find time to update pero hindi ko magawa. I apologize for that huhu. Weekend today kaya nakapag update ako.
-----
"Sikat na ang AloJa? hala support!"
Umagang umaga, 'yon na 'agad ang mga pangungusap na narinig ko. Anong sikat? kumalat na talaga ng todo?
Fuck you Jake Juarez!
Pag pasok ko ng ospital, iyon na kaagad ang topic nila at pinagtitinginan ako ng lahat. Tumaas ang balahibo ko kaya tumakbo ako ng mabilis sa elevator. Tinatakpan ko ang mukha ko ng panyo para hindi mahalata na ako ang Aloranna Vasquez, ang naissue sa isang artistang doktor.
Pumasok na ako sa elevator at mabilisan 'tong sinara pero may sumingkit na kamay kaya bumukas naman kaagad 'to. Pinagpawisan ako nang makita si Jhed na pumasok. Naka doctor's coat siya at may dala dalang mga gamit.
Uminit ang katawan at pisngi ko at hindi naman siguro dahil kay Jhed. It was a very hot day. Malakas ang init ng araw. 7 palang ng umaga at 39 degrees na ang init. Nakatingin lang ako sa numero ng elevator at andami kong sinasabi sa utak ko.
Echoserang elevator, sinasadya mo ba bagalan?
Bigla akong nanginig ng wala sa oras at tuluyan nang namasa ang mukha ko dahil ang tagal umangat ng elevator. Bigla nalang dumilim at tumigil ang pag galaw ng elevator kaya napatili ako ng wala sa oras.
"Brownout!" I shouted.
Wala na akong makita kung hindi kadiliman. I was touching every thing dahil baka mauntog ako or what. Napasigaw nanaman ako nang may mahawakan akong matigas at ang laki pa nito.
"Ugh shit! ano 'yon!" The moment I said, narealize ko na braso niya pala 'yon. Fit pa din pala siya. Uminit naman ang ulo ko dahil panay sigaw ko ng tulong tapos wala naman siyang ginagawa.
"Hello doc Tranez?! seryoso kaba? free loader?" Inis na sabi ko habang pinagmamasdan ang dilim.
"Sorry uh-" I cutted him off.
"I don't need your sorry and what for huh? kailangan kong makalabas dito agad dahil-" Napatigil ako sa pagsasalita ng maalala na 10:30 pa ang schedule ko at pasok. Sabog pala ako at pumasok ako ng gan'to kaaga. Hindi ko naman pwede isungaling 'yon at baka tignan niya ang schedule ko sa office at makita na 10:30 pa.
"Jake!" 'Yon ang unang lumabas sa bibig ko pagkatapos ko mawalan ng salita at agad naman bumalik ang kuryente kaya gumalaw na ang elevator. Nakakahiya! anong Jake? Alora?
Hindi ko na siya tinignan ako nakatingin lang ako sa numbers. Nang bumukas ang pinto, bumungad sa mukha ko si Jake. Naka facemask siya at mukhang galing sa OR. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na alam ang gagawin.
First, umagang umaga may AloJa na agad na akong narinig. Pangalawa, kasama ko si Jhed sa elevator at nawalan pa ng kuryente at nahawakan ko pa siya. Third, I mentioned Jake's name without any reason at sinigaw ko pa. Fourth, bumungad si Jake sa mukha ko.
Tumakbo ako kaagad palabas at umikot papunta sa stairs. Kailangan ko muna makaalis sa letseng umaga na 'to. Bumaba ako at nang makita nanaman ako ng mga tao ay nagpalakpakan.
"Omg si Doc Alora! AloJa!"
"Nako ang sweet nila ni Doc Juarez! meant to be talaga hay nako!"
"AloJa lang malakas!"
"Pogi ni Jake at ang ganda naman ni Alora. Panigurado, maganda at gwapo ang magiging anak nila! shuta kakilig!"
BINABASA MO ANG
Golds In The Recovery (Career Series #3)
RomanceCareer Series #3 Future Medical Doctor Aloranna, was adopted by two doctors, and become her parents. She had experienced all the hate, sufferings, pain, and ignorance from her family, including her sister. She had reflected the reason why she was ha...