20

228 10 1
                                    

"Doc take a break ka po muna?"

Umagang umaga at 10:30 to 12:30 ang schedule ko sa hospital at sobrang drained ko na dahil simula 10:30, andami nang pasyente. Sunod sunod sila at non stop 'yon. 11:29 pa lang at may mga pasyente pa sa labas.

Sobrang drained ko na kakaisip dun sa letter na binigay ni Jake. Masyado kong dinamdam ang liham ni Jhed. Sa puntong pati trabaho ko naapektuhan na. 

Pinilit ako ng sekretartya kong magpahinga muna at nagsuggest na icancel muna ang mga susunod na consultation dahil sa pagod ko ngayon. 

"Ilan pa ang pasyente sa labas?" Tanong ko naman sa sekretarya ko.

"Lima pa po doc." Sambit niya.

Tumango nalang ako pinapasok na ang sumunod na pasyente. Sobrang sakit na ng ulo ko pero hindi ko pinakita sa pasyente ko iyon. Kunwari maganda ang araw ko at tumatawa pa ng sarkastiko para naman may buhay ang consultation. Approximately 20-30 minutes ang bawat consultation. 

Natapos naman na ang limang 'yon pakalipas ng ilang oras at nagovertime pa ako. Majority of them ay binigyan ko ng mga gamot at ang iba naman ay pinalabtest ko.

Nakayuko na nalang ako sa table ko, minamasahe ang sentido sa sakit ng ulo. Hindi mawala sa isip ko ang liham na 'yon at halos bawat salita ay naalala ko pa. Kulang nalang mag oral recitation o mag speech ako ng liham niya.

Andami kong nakuhang pera sa araw na 'to pero hindi man mataas ang singil ko sa bawat pasyente pero madami pa din. But that didn't make me happy. Money can't solve your problems unless financially related. My emotions and thoughts does not correlate with money. 

Tinawag tawag pa ako ng sekretarya ko na out na ako pero nanatili ako sa room. Hindi ako makagalaw sa sakit ng ulo ko at parang kaonting oras nalang ay babagsak na ako. 

Lumabas na ako ng room ko at nahihilo na ako. I acted normal as I reached thr elevator. Binuksan ko 'to at pumasok naman na 'agad. I felt like I was already riding a rollercoaster sa hilo ko. Puyat na puyat na ako dahil sa nangyari at hindi makatulog ng ayos. 

Gusto ko nang sumuka sa elevator dahil sa hilo at pakiramdam ko ay magcocollapse na ako, kaonti nalang. Hawak hawak ko na ang ulo dahil umiikot na 'to. Saktong bumukas ang elevator at may tao sa harapan ko. Hindi ko na alam kung sino 'yon dahil natumba na ako at nahimatay na ng tuluyan.

I woke at nasa isang higaan na ako. Nakita ko si Mika, Aira at Kim na nasa harapan ko. Alalang alala sa nangyari at si Mika ay namumutla.

"Jusko naman ate! Ano nangyari sayo?!" Pagaalalang tanong ni Mika. "Tinawagan ako ng hospital at nahimatay ka raw!"

"Hay nako! Ano ba kasi nangyari? Kakaisip mo 'yan sa jowa mo noh?!" Pangaasar at panghahamon sa'kin ni Aira.

"They said, nagcollapse ka raw at sabinaman ng sekretarya mo ay simula nung working time mo ay matamlay kana. Ano nangyari?" Si Kim.

Pumasok naman ang isang doctor at sinabi ko naman ang nangyari, Pinagpahinga lang ako dahil pagod lang naman 'yon. Nothing alarming. Umalis naman kaagad ang dalawa kong kaibigan dahil pumunta lang sila para tignan kung ayos lang ako dahil may trabaho pa raw sila at madmaing project na kailangan asikasuhin.

Si Mika naman ay gano'n din dahil may duty na raw siya pero tawagan ko nalang daw siya kung may kailangan ako at pupunta siya. Tuamngo naman ako at natulog muli dahil ang sakit pa din ng ulo.

I woke up at gabi na. Gumaan gaan na ang pakiramdam ko kahit papano at sinabi ko na rin 'yon sa doctor at nakalabas naman ako kaagd dahil nothing serious naman ang nangyari sa'kin. Biglang pumatak ang ulan at naalala ko na malayo ang parking ko tapos wala pa akong umbrella'ng dala.

Golds In The Recovery (Career Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon