"Gia!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at sinalubong siya nang yakap.
"Abigail!" sigaw niya rin habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Na-miss kita! Ang ganda mo na lalo!" sabi ko.
"Ikaw rin kaya!" Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago niya ibinaling sa akin ang ngiting-ngiti niya na mukha.
"Saan tayo?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa tapat ng hotel na tinutuluyan niya. Kararating lang din kasi niya kahapon at ngayon ay nag-aya naman siya na lumabas. Mabuti na lang din at kahit papaano ay may free ako baka magtampo 'to kung nagkataon.
"Ikaw ba saan mo ba gusto?" tanong niya.
"Wala rin akong alam! Ikaw nagyaya tapos ako tatanungin mo. Kaloka ka ha!" sabi ko.
"Baka ilang taon na ako na wala rito?" sarkastikong aniya.
"Bar na lang kaya?" Mas lalo na lumawak ang ngiti sa mukha niya ngayon.
"Go!" Tumatawa na aniya. "Pero magpapalit muna ako. Tingnan mo naman hitsura ko." Hindi nga akma ang suot niya pero ako rin naman.
"Kumusta naman suot ko?"
"Pahiramin na lang kita, meron pa naman ako roon. Tara!" Hinila na niya ako papasok ulit doon sa loob ng hotel at dumiretso na kami sa unit niya.
Dati pa man ay mahilig na talaga siya sa mga bar at sinasama lang talaga niya ako hanggang sa nahilig na rin ako. Mas nahilig pa nga yata ako kaysa sa kaniya.
"Sama natin si Coleen," sabi ko.
"Nandito na siya?" tanong ko. Wala ba siyang alam.
"Oo, 'di ba? Hindi mo ba alam?"
"Hindi! Hindi niyo naman kasi kayo ina-update," nagtatampo na aniya.
"Hala seryoso ba? Akala ko sinabi na niya sa 'yo!" sabi ko.
"Wala naman siya sinabi sa 'kin. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga kayo o ano."
Inabot niya sa akin ang mini silk dress na kulay puti at inabot ko naman iyon. Halos the same height lang kami na dalawa kaya sa kaniya rin ako humihiram ng mga damit kapag may overnight na nagaganap o kung ano-ano pa.
"Akala ko kasi sinabi na sa 'yo kaya hindi ko na rin sinabi."
"Pero seryoso wala talagang nagsabi sa akin. Kailan pa ba siya rito?" tanong niya.
"May bathroom ka naman siguro rito?" sabi ko nang maghubad siya sa harapan ko.
"Parang hindi mo pa ako nakikita na naka-bikini ah?" natatawang aniya.
"Dagat naman kasi 'yon tapos ngayon walang dagat kaya pumasok ka sa roon sa loob." Tinulak ko siya papasok roon sa banyo.
"Arte mo!" sigaw niya mula roon.
"Hindi maganda katawan mo manahimik ka!" Dito na lang din ako nagpalit sa kwarto niya habang siya ay naroon sa banyo.
"Baka mas maganda pa katawan ko sa 'yo!"
"Baka wala kang boobs!" sigaw ko rin.
"H-hoy meron! Malaki lang talaga yung sa iyo!" Tinawanan ko lang siya at inayos na ang damit ko.
Lumabas na rin siya mula roon habang ako naman ay nakaupo na sa vanity chair niya.
Suot ang kulay itim na glittery sweetheart tube mini dress ay lumapit siya sa akin.
"Laki ng dibdib natin ah? Lumalabas na oh!" biro ko sa kaniya at bahagyang tinuturo ang dibdib niya.
Tinawanan lang niya ako bago kumuha ng isang upuan doon at nakitabi sa akin bago mag-ayos.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...